Chapter Forty Four

146K 2.6K 72
                                    

Chapter Forty Four


Kanina pa siya nakatanga habang nakatitig sa suot niyang singsing, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kagabi. Natatakot nga siyang matulog dahil ayaw niyang magising sa isang napakagandang panaginip pero ng magising siya kanina at agad na tiningnan ang suot na singsing niya sigurado na siya sa kanyang sarili na hindi nga siya nananaginip.

"Good morning mama." Bati ni London sa kanya na katabi lang niyang matulog. Nasa isang silid sila ng malaking bahay ng mga Libiran... yeah... Libiran. Malapit na siyang maging Libiran, malapit na siyang mapabilang sa pamilya ni Eon. "The ring is so pretty po mama hindi ba?"

Ngumiti siya sa anak niya at tumango. "Papa asked us what ring you like and we choose it for papa." Mas lalong napangiti siya sa sinabi nito, napakalaki kasi ng partisipasyon ng mga anak niya sa kaligayahan na natatamasa niya.

"Thank you London and your sister too." Hinalikan niya ito sa noo. Sigurado kasi siyang ang mga anak niya ang kanyang lucky charm walang duda sa bagay na iyon, kung hindi sa mga bata hindi niya mararatinng ang kung anumang narrating niya ngayon. Hindi siya magsisikap ng husto at ng todo-todo, hindi sila magkikita ni Eon at malamang walang magbibigkis sa kanilang dalawa kung wala ang mga ito. Her children bring them closer together, they bound them together. "Mama loves you very much."

"Mama we can be real family na just like our classmates sa school. May papa and mama na talaga kami hindi na nila kami sasabihan ng anak sa labas."

"Yes baby we can." Finally.

"Good morning my queen and my princesses." Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon, she bit her lips and feel her cheeks burning when she remembered his proposal last night.

"Good morning papa." Agad na tinalon ni London ang kama at ang katawan ng ama nito, siya naman ay dahan-dahan din na tinayo ang sarili saka sinulyapan si Paris na pupungas-pungas na umayos ng upo dahil nagising sa sigaw ni London.

"Good morning princess London, how's your night?"

"The best po papa." At pinugpog ng halik ng anak niya ang mukha ng kanilang ama.

"Papa, pakarga." And kinarga naman nito si Paris na naglalambing. She's amazed on how he can carry her two children like they weigh nothing. "Good morning din papa."

"Good morning Princess Paris." He kissed her children on the cheeks before he place them over the bed. "Puntahan niyo na ang lolo at lola niyo, they are looking for you." Agad naman na nagsitalunan sa kama ang dalawa at tumakbo palabas ng silid shouting 'lolo' and 'lola'. Nailing nalang siya sa dalawa.

"Spoiled talaga ang mga anak mo sa mga grandparents nila, ganyan din ang mga magulang ko." Aniya dahil sa totoo lang nahihiya pa rin siya dito, her cheeks were obviously in pink dahil nga sa proposal nito kagabi, nakaka-awkward kasi.

"They just love our children." Humarap ito sa kanya saka yumuko upang bigyan ng magaan na halik ang kanyang mga labi.

"Eon! Kagigising ko lang." reklamo niya sabay takip sa bibig niya.

"Like it matters to me." Hinawakan nito ang palad niya kung saan nandoon ang daliri niyang may suot na singsing. "Let's talk about our wedding gusto ko ng makasal tayong dalawa as soon as possible. Before the year ends okay lang ba iyon?"

Napatanga siya dito. "Pero two months nalang mag-eend na ang year." Aniya dito.

"I want to end this year na mag-asawa na tayong dalawa. I want to start our new year na ikaw na ang kasama ko sa bahay natin kasama ang mga anak natin."

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon