Chapter Thirty Six

193K 3.3K 134
                                    

Chapter Thirty Six



SIGURO pinagtatawanan na siya ngayon ni Eon na naghihintay sa baba kasama ng mga bata. Para kasing nareverse ang sitwasyon nilang dalawa parang noon lang ay nakaharap nito ang mga magulang at pamilya niya at halos maihi na ito sa takot at kaba. Siya naman ay masusuka na sa kaba na nararamdaman niya, alam niyang mabait ang mga magulang nito pero hindi niya alam kung magiging mabait ba ang mga ito sa kanya pagkatapos ng lahat.

Hindi siya mayaman, iyon lang, alam niyang hindi siya nababagay kay Eon. They are fithly rich kaya nga nagtataka siya kung bakit ang bait-bait ni Ainsley sa kanya. Kompara sa babaeng unang minahal ni Eon ay walang-wala naman siya, napakaganda ni Xyler, matalino at mayaman pa galing sa napakagandang pamilya samantalang siya normal na pamilya lang ang pinaggalingan niya. At iyong mga babaeng nakakadate at nakkaasama ni Eon ang gaganda ng mga babaeng iyon.

Humarap siya sa salamin, she's wearing a peach off shoulder dress, kahit papaano ay disente naman siyang tingnan kahit papaano.

"Sweetie nakatulog ka na ba diyan?" napapitlag siya ng katukin ni Eon ang pintuan ng silid niya, agad siyang umalis sa harap ng salamin at umusal nalang ng kaunting dasal ng na sana ay okay na ang lahat para mamaya. She opened the door at bumungad sa kanya ang gwapong-gwapong mukha ni Eon, he still looks as dashing as ever. He raked his eyes all over her body kaya nakaramdam na naman siya ng insecurities lalo pa at sumimangot itong bigla sa nakita nito.

"Do I look bad?" nag-aalalang tanong niya.

"You look the opposite sweet, masyado ka yatang maganda ngayon." Anito na hindi pa rin siya nilulubayan ng tingin. "Bakit mas lalo kang gumanda ngayon samantalang halos buong maghapon naman tayong magkasama? Nasaan ang justice?"

Natawa siya sa sinabi nito, she never knew Eon would be like this. "You are too sweet for your own good Eon, that's dangerous."

"Are you falling for me miss?" humilig ito sa may frame ng pintuan.

"Should I be?" she asked with a naughty smile on her face. "Kailangan pa ba mister? Hindi pa ba halatang matagal na?" nagulat siya ng bigla nalang itong sumubsob sa dingding niya.

"Takte naman Aleeyah huwag mo akong pakiligin ng husto baka hindi ka na makarating sa bahay ng mga magulang natin na buo pa ang suot mo."

"Baliw ka talaga nasaan na ang mga bata?"

"They are waiting downstairs miss." At kumindat pa ito sa kanya kaya tuloy hindi rin niya maiwasang hindi kiligin sa mga gestures nito.

"ANo ba Eon sinagot na nga kita ganyan ka pa." namumulang ani niya.

"Oh dear, kaya maraming babae na nakikipaghiwalay sa mga boyfriend nila dahil nawawala ang kilig sa kanilang relasyon, now that you've already accepted my love I swear I'll make you fall for me over and over again."

"Paano kung hindi kita kayang pakiligin?"

"That's impossible makita ko lang ang mga anak natin hindi ko mapipigilan ang sarili kong hindi ka mahalin? Who can't?"

"Tama na nga ito nagbobolahan na tayo dito." Inungusan na niya ito dahil sa totoo lang ay sasabog na ang puso niya sa mga naririnig niya mula dito. She never knew this love would make her feel like she's walking above the ground... and this is real.

Twin's Tricks (COMPLETED)Where stories live. Discover now