Chapter Thirty Three

195K 3.6K 175
                                    

Chapter Thirty Three


NAALIMPUNGATAN siya ng may maramdaman na gumalaw sa likod niya, she's still half sleep kaya hindi niya alam kung nananaginip ba siiya o talagang may tao sa likod niya kaya pumihit siya. Sa nanlalabong mga mata ay kinilala niya ang tumabi sa kanya, si Eon.

"Eon." Inaantok na usal niya. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Malamig love dito nalang ako payakap." At hinayaan nalang niya itong yumakap sa kanya. Tumagilid siya upang yakapin ang mga anak niyang mahigpit din na nagyakapan, kaya kung titingnan mo sila ngayon ay para silang pamilyang sobrang nagyayakapan sa isa't isa. Babalik na sana siya pagtulog ng maramdaman niya ang mainit at nakakakiliting hininga nito sa leeg niya. Siguro hindi lang talaga siya sanay na may katabi kaya nakakaliti siya.

"Eon stop poking my back." Reklamo niya pero sa halip na sagutin siya nito ay mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sa kanya, at mas lalong bumibigat ang paghinga nito na para bang tumakbo ito ng sobrang layo.

"Sshhh, sleep Lee." Hindi niya alam ang plano nito at kung totoo ba ang nangyayari ng mga oras na iyon. Pero komportable siyang matulog na katabi ito, at parang ang gaan ng pakiramdam na yakap nito. Idinantay niya ang palad sa ibabaw ng braso nito at ginantihan din ng yakap ang mga braso nito, nakangiti siyang ipinikit ang mga mata niya, nakalimutan na niya ang araw na nakatulog siya ng nakangiti kagaya nalang nito.

"Mama, boss, wake up na po kayo." Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at agad din na napapikit dahil sa matinding sikat ng araw mula sa kung saan. "London wake up na si mama, si boss nagpapanggap na nakasleep pa tsansing kay mama eh." She opened her other eye only to find out nakaluhod sa harap niya ang dalawang mga anak niya, nakatunghay ang mga ito sa kanya. "Morning mama."

"Morning Paris, morning London." She reached her arm but something is stopping her to move, kumurap siya at tiningnan niya kung ano ang tila lubid na nakalaso sa kanyang katawan. Nakakrus ang braso ni Eon sa katawan niya habang nasa likod niya ito.

"Mama ang sweet niyo po habang nagsleep po kayo, nagpicture na po ako tapos nasend ko na po kay tita Ainsley."

"What? Wait-." Tinapik niya ang braso ni Eon kaya lang hindi ito natinag bagkos ay mas lalo lang nitong hinigpitan ang hawak sa kanya kaya alam niyang hindi ito natutulog, gising na ito. "Eon, alam kong gising ka."

"I'm still sleeping." Natawa ang mga bata.

"Ay si boss nagsle-sleep pa pero nag-talk naman." Komento pa ni Paris. Pinilit niyang makawala sa yapos nito at sa inis niya ay kinagat pa niya ang braso nito pero hindi talaga ito natinag.

"Eon ano ba-ayy!" napahiyaw siyang bigla na bigla itong umibabaw sa kanya, nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatunghay sa namumungay na mga mata nito. There's an obvious glint of amusement on his eyes as he stares at her. "Ang mga bata." Aniya dito dahil kay aga-aga pero nakakatulala na ang mga tingin nito sa kanya hindi siya sanay.

"Beautiful." Mas lalo siyang natilihan ng halikan nito ang tungki ng ilong niya pagkatapos ay dumagan sa kanya na para siyang pinipisa. Akala ng mga bata ay naglalaro sila kaya tumayo ang mga ito at sumakay sa likod ng ama kaya mas lalong nadiin ng katawan ni Eon at katawan niya. Mabuti nalang at sobrang lambot ng kama kaya nasalo nito ang buong bigat niya.

"Mamamatay na ako girls!" hiyaw niya. "Hindi na makahinga si mama ang bigat niyo."

"Mama naman si boss ang mabigat kaya." Reklamo ni London.

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon