Chapter Thirty Seven

176K 3.3K 101
                                    

Chapter Thirty-Seven


"AYE! AYE!" Hinampas niya si Eon ng bigla nalang itong sumigaw ng ganoon sa loob ng kotse muntik na kasi niyang mabitawan ang cellphone na hawak niya sa gulat. "Sweetheart naman." Reklamo nito.

"Kung makasigaw ka Eon wagas na wagas no?" ngumisi lang ito sa kanya tapos ay sinulyapan ang mga bata na excited na rin dahil sa hawak na mga pompoms. Ngayon kasi ang family day ng mga ito sa school and if it means family day dapat kompleto sila. Ngayon lang din kasi sila makokompleto.

"Masyado ka kasing busy sa kakatext mo diyan kanina pa kita kinakausap." Pagtatampo nito.

"Katext ko ang kapatid mo."

"Si Ainsley?"

"The other one.." kumunot ang noo nito.

"Bakit mo ka-text si kuya Clive?" lumalim ang gatla sa noo nito, noong hindi pa niya ito sinasagot ay napapansin niya ang pagiging possessive nito. Pero ngayong sila na mas naging sobra pa, hindi naman siya nito sinasaktan ang sweet nga nito but she feels like he's insecure of something.

"May sakit si Keia, wala ang yaya ng bata dahil day-off at ayon nataranta siyang bigla. Alam mo naman na hindi niya pa pwedeng dalhin sa labas si Keia."

"Mama, okay lang ba si ate Keia?"

"Yes, Paris. Okay na siya kakareply lang ng tito Clive niyo."

"Visit po natin si ate Keia mama."

"Tanungin niyo muna ang papa niyo."

"Papa, visit po natin si ate Keia." Ngumiiti si Eon kay Paris pero ng bumaling sa kanya ay nakanguso pa rin ito.

"Sure pagkatapos ng family day."

"Thank you papa."

"For my princesses." Hindi na siya kinibo ng lalaki hanggang sa makarating sila sa school ng mga bata. But he remains gentleman dhail pinagbuksann pa siya nito ng pintuan ng sasakyan at ito na rin mismo ang nagtanggal ng seatbelt niya. Napabuntong-hininga nalang siya sa inaasal nito.

"Eon." Tawag niya dito hindi ito pwedeng magkaganoon dahil mapapansin ng mga bata.

"We are going to talk later." Anito sa kanya seryoso pa rin, wala siyang nagawa kundi ang tumahimik nalang. Act like nothing happened for the sake of their children's family party. Tahimik lang siyang sumunod dito ng biglang mag-vibrate ang cellphone niya at si Clive ang tumatawag. Dahil busy naman si Eon sa mga bata kaya sumaglit muna siya at hinayaan muna ang mga ito saka sinagot ang tawag ni Clive.

"Yes, sir?"

"Bumaba na ang lagnat ni Keia but her throat is aching ano ang pwede kong ipakain sa kanya?"

"Lugaw."

"Mana siya sa nanay niya hindi kumakain ng lugaw." Natawa siya sa mabilis na sagot nito.

"Noodle soup will do."

"I don't know how to cook."

"Magpadeliver na lang po kayo sir, may restaurant na nagluluto ng masarap na lugaw, isesend ko lang ang number." Agad na hinanap ng mga mata niya ang mag-ama niya at biglang humigpit ang hawak niya sa cellphone niya ng makitang may kausap na agad si Eon. At hindi lang iyon kilalang-kilala niya ang kausap nito, minsan na rin sila nagclash ng babaeng kausap nito. Nagtagis ang kanyang ngipin at gusto niyang sugurin ang mga ito pero kinalamay muna niya ang kanyang sarili. Kahit na kasi sila na ni Eon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi makadama ng takot at selos, siguro dahil na rin sa mga pinagdaanan niya dito. Normal na sa kanya ang mga eksenang ganyan kaya hindi na niya kailangan pang makipagbasagan ng ulo. "I'll dictate the number." Ibinigay niya ang numero kay Clive.

Twin's Tricks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon