Chapter One

450K 6.9K 894
                                    

Chapter One

"Mama!" Napangiwi siya ng marinig ang matinis na boses ni Paris na hawak-hawak ang isang pink na headband. "Mama! Ang ugly ng color ayoko ng pink." Iwinasiwas pa ng limang taong gulang na anak niya ang pink na headband na may ribbon na nakadesign doon. Sa likod naman nito ay nakasunod ang kakambal nitong si London na pulang-pula na ang pisngi dahil sa kakahabol sa kapatid nito.

"Bakit si London blue ang color ng headband niya, I want yellow." Maldita talaga ang anak niya kabaligtaran ng kakambal nitong si London na tahimik lang at pwede mong iwanan sa isang tabi. It's amazing how she managed to keep her babies kahit na hirap na hirap siya.

"Paris dito ka." Hinawakan ni London ang kakambal nito, she really love to see her twins together. Kaya kahit na anong gawin ng dalawa ay palagi siyang naiiyak because she found it really cute and loving. "Wala ng yellow sa store gusto mo ng blue?" hinubad nito ang sarili nitong headband. "Bagay din sa iyo ito."

Umiling si Paris. "Ayoko ng blue sa iyo iyan sige pink na lang ang akin." Napapangiti nalang siya, isinara na niya ang hood ng kotseng inaayos niya at saka naghanap ng pamunas upang punasan ang grasa ang kamay at mukha niya upang lapitan ang kanyang mga anak.

"Gutom na ba kayo?" hinanap niya ang bag niya na may lamang baunan para sa kanilang tatlo. Maaga siyang nagising para lang ihanda iyon dahil wala na silang oras para lumabas at kumain. Naguguilty din siya sa mga anak niya dahil hindi na niya nabibigyan ng time na lumabas at magliwaliw. May inaayos siyang kotse na gagamitin sa isang F1 race, iyon ang skills niya at ginagamit niya ang skills niya para mabuhay silang tatlo.

Nagbabayad pa rin sila sa apartment na tinitirahan nila at may mga gastusin din sila. Dalawa kasi ang binubuhay niya at puro babae pa kaya medyo maraming gastusin pero sulit na sulit naman ang pagod na nararamdaman niya tuwing nakikita niya ang mga bata. Minsan ay naisip niyang sana tinanggap nalang niya ang perang ibinigay sa kanya ng tatay ng mga ito sana mas maganda ang buhay nila ngayon.

Pero naisip din niya na kapag ginawa niya iyon ay para na rin siyang bayarang babae at malayo siya sa katagang iyon. Tanga at martyr siya iyon pero hindi siya bayaran at iyon ang ipaglalaban niya. Hanggang ngayon ay punong-puno pa rin siya ng galit sa dibdib niya at ang galit na iyon ay ginamit niya para mahalin ng husto ang kanyang mga anak.

They are her treasures, cliché it may at sa mga mata ng mga hindi nakakakilala at nakakaalam sa kwento niya ay isa siyang pakawalang babae dahil may mga anak siya pero walang ama. Masakit man pero hindi nalang niya pinapansin ang mga ito ang mas mahalaga sa kanya ay ang kanyang mga anak. Ang kanyang pamilya.

"Mama, punta tayo kay lolo bukas. Maglalaro kami ng chess." Untag ni Paris sa kanya habang sumusubo sila ng pagkain.

"Sige, day off ni mama bukas."

"Nandoon din sina uncle Bernard at uncle Christian, maglalaro daw kami ng habulan mama. Ang lalaki na nila madali na silang mahanap." Natawa naman siya sa sinabi ni London. Pinunasan niya ang pisngi nitong may ilang butil ng kanin. Tinutukoy nito ang mga kuya niya na mahal na mahal ang mga anak niya. Ang mga ito na ang tumatayong papa sa mga anak niya.

Nang malaman ng mga ito na nabuntis siya at hindi niya sinabi kung sino ang ama ay galit nag alit ang mga ito. Naiintindihan niya ang galit ng mga kuya niya, ang nanay niya ay disappointed din sa kanya at mas lalong naging mahirap ang pagtanggap nito sa pinagbubuntis niya. Muntik na nilang ipalaglag ang kanyang pinagbubuntis pero mas nanaig pa rin ang kabutihan ng mga ito sa pagmamakaawa niya. Inatake ito sa puso, naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya kahit na noong mga panahon na nagbubuntis siya.

Twin's Tricks (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora