Unexpected

8 0 0
                                    

CASPER'S POV


"I love you Jasmine" kako alam ko naman na hindi siya sasagot

Kung sasagot man siya malamang 'thank you' pero okay lang, Im not rushing.

Tahimik lang kaming dalawa. Nakapikit.

Kahit hindi siya sumagot, masaya pa rin ako dahil hinahayaan niyang hawakan ko 'yung kamay niya. Ang bading pero and sarap talaga ng pakiramdam 'pag kinikilig ^_^


...


--_--


"I love you too, Casper" Jasmine

O_O

Hindi ko alam pero parang sinuntok ako sa dibdib ng sobrang lakas pakiramdam ko tumigil ang mundo.
Naramdaman kong inalis niya 'yung kamay niya.

Nananaginip ba ako? Tama ba yung narinig ko??

Bumangon agad ako at tinignan siya, gusto kong makita ang reaksyon niya kung ano bang ibig sabihin nun? Tama ba yung narinig ko? Pinagtri-tripan ba ako neto?

S*** Ang bilis ng takbo ng pulso ko.

Nakatayo siya sa may dagat habang nakatingin sa baba, nakatalikod. Lumapit ako sa kanya nasa bandang abs ko yung tubig, hindi masyadong malalim. Lumapit pa ako unti sa kanya hanggang sa 1ft na lang ang pagitan namin. Humarap siya sa akin at ngumiti.

"Oo, tama yung narinig mo, Mahal din kita" sabi niya habang nakangiti.

Hindi ko alam kung anong itsura ko pero pakiramdam ko abot langit na 'yung ngiti ko.

Even so, I tried to calm myself down at tumingin ako sa kanya "Jasmine, is that a yes?" kako "Sinasagot mo na ako?"

Ngumiti lang siya "Yes" sabi niya

Hindi ko na napigilan 'yung sarili ko, sa sobrang saya ko... hinalikan ko siya. As soon as she said yes, I leaned down and kissed her ... and she kissed me back. I dont know for how long but we just kissed there while the sun was setting. My hands traveled from her nape down to her waist. Then, from her waist going up and then she stopped my hands and I let go of the kiss. Mahirap na.

"Manyak" sabi niya habang nakangiti

Tumawa lang ako ng mahina " Sorry, I got carried away" sabi ko "Sexy kasi ng kaharap ko ei"

"Sus, damoves pa more" sabi niya habang nagswi-swim palayo sa'kin.

Sinusundan ko naman siya. Hinawakan ko siya bridal style tapos pumikit siya kaya parang nagfloa-float siya habang hawak ko siya. Her hands motioned up and down habang nakastretch 'yung parang ginagawa ng mga tao sa movie kapag nakahiga sila sa snow.

Nakangiti lang ako habang pinapanood siya. Hindi ko pa rin maabsorb na akin na siya. Nakatingin lang ako sa kanya and i kissed her again while we were on that position.

"Nakakarami ka na ha" sabi niya habang nakangiting nakapikit.

"Ine-enjoy mo naman" sabi ko

Tumawa lang siya.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang kumawala sa hawak ko tapos yinakap niya ako ng mahigpit. 'Yung paa niya nakapolipot sa bewang ko. Mahigpit kung mahigpit ramdam na ramdam ko 'yung ano niya sa dibdib ko.

 ... Casper, kalma.

Hindi naman ako manyak. May respeto naman ako pero lalaki pa rin ako. Medyo madilim na, kami lang ang nandito , nasa malalim na part pa kami kaya hindi kita kung anong pinaggagawa namin dito. Ang sexy ng suot niya, nakapulopot siya sa akin, ramdam ko 'yung ano. Sino ba naman ang hindi ... err basta.

Bumaba na siya sa'kin at naglakad ako papunta sa may shore, kinakabahan na ako ei.

"Casper, huwag kang magbago sa'kin ha" Jasmine

Napatigil ako sa paglakad, tinignan ko siya at hinawakan siya sa kamay.

"Hindi" sabi ko habang nakatingin sa mata niya "Kung magbabago man ako, 'yun ay dahil mas mamahalin pa kita"

"Tara na, medyo madilim na baka tayo lang 'yung hinihintay" kako

Naglakad kami pabalik sa cottage habang magkahawak ang kamay.

SOBRANG SAYA NG PAKIRAMDAM KAPAG MAHAL KA RIN NG MAHAL MO. SOBRA



What If... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon