Swimming

10 0 0
                                    

JASMINE'S POV

Nandito kami ngayon sa Pangasinan. Taga Pangasinan kasi si Beth kaya dito siya magcecelebrate. Katatapos lang namin magbreakfast, heto ngayon at on the way kami sa isang resort 15 minutes away sa bahay nina Beth. Meron 'yung resort na mas malapit pero mas maganda daw dito.

Nagcheck-in na kami at nagtungo na sa cottage namin.

"Ang gandaaa *O* " Kath

"oo nga ei haha" Violet "Malamang magiging negra ka na pagkatapos natin maligo haha"

"Edi ikaw na ang maputi!" Kath habang inaayos ang mga gamit "Atleast hindi kasing uling ni Beth hahaha"

"Ang gago niyo talaga kahit kelan, ako na naman nakita niyo -.-" Beth

"Asan si Casper, Jasmine?" Pearl

"Aba malay ko, bakit mo sa'kin hinahanap, tignan mo baka anjan lang sa tabi tabi" kako

Inaayos ko 'yung mga foods namin. Nagbaon na lang kami sa handa ni Beth para hindi na kami maggastos sa pagkain dito sa resort.

"Nagbihis ata sila" Carla

Sumama rin pala 'yung mga boyfriend nila. Bawi daw sila kasi hindi sila nakasama 'nung last time na nagswimming kami.

"Tara bihis na rin tayo?" Violet habang nakaupo at nakatingin samin

"Hintayin lang muna natin sila para may magbantay dito sa mga gamit natin" Pearl

Biglang may nagsisigawan habang tumatakbo papunta sa may dagat kaya napatingin kaming lahat, sila, andito na sila.

"Bihis na kayo, ako na muna'ng magbabantay dito ^_^" Casper habang papalapit sa cottage

"Sige" sabi ko at kinuha ko na 'yung mga gamit ko at paalis na ako ng magsalita ulit siya.

"Jasmine, pwede namang dito ka na lang magbihis ei, nahiya ka pa sa akin " Casper sabay kindat

Naramdaman ko na lang na uminit 'yung tenga ko.

Nagtawanan bigla 'yung mga kaibigan ko. Mga hinayupaaak -.-

"Bye Jasmine!!! HAHAHAHA" Carla sabay takbo silang lahat

"Biliis! Hahaha" Kath

May nakita akong slipper at hinagis ko kay Casper sabay takbo papunta sa CR. Kasi naman eii naiwan tuloy ako.

'Joke laang! Hahaha" Casper

Hindi ko na siya tinignan at pumasok na ako sa CR at nagbihis.

Naka purple shorts and black fitted sando. Medyo conservative ei haha

Pagkatapos ko'ng magbiihis, pumunta na ako sa may cottage. Hindi ko na hinanap sina Beth kasi malamang nasa beach na sila kasama 'yung mga boyfriends nila.

Si Casper, nasa dating pwesto pa rin niya 'nung umalis kami. Ilang hakbang na lang ako mula sa kanya pero hindi pa rin niya ako napapansin.

Tinignan ko lang siya, ang seryoso niya. Masayahing tao si Casper kaya minsan ko lang siya makitang ganto kaseryoso. Parang ang lalim ng iniisip. Nakatingin lang siya sa may dagat kung nasaan 'yung mga kaibigan namin.

Tumingin din ako sa dagat, ano kayang tinitignan niya? Nakita kong naghahabulan sina Carla at Mark sa may shore habang tumatawa, napangiti ako habang pinapanood ko sila.

Tumingin ulit ako kay Casper, nakatingin na siya sa'kin.

"Hi ^_^" Casper, Mr. dimples

Medyo nagulat ako, hindi ko inaasahan ei. Biglang kinabahan tuloy ako kaya umiwas ako at dumiretso na lang sa may bag ko at inayos ko na 'yung mga gamit ko. Tinignan ko ulit siya at nakangiti siya habang nakatingin sa may sahig.

"Baliw" sabi ko pero deep inside and cute ng itsura niya <3

"Haha cute mo kasi" Casper "Sexy pa"

Tinignan ko siya ng masama, nakakaflatter pero ang awkward kaya.

"Hahaha" Casper habang nakataas ang dalawang kamay "Bakit? Totoo naman? :D"

"Magtigil ka nga jan" sabi ko at umupo sa may tapat niya "Hindi ka ba maliligo?"

"Mamaya na, sabay tayo" sabi niya

"Sige lang, baka mamayang hapon pa ako" sabi ko tapos pinatong ko yung paa ko sa may upuan malapit sa'kin.

"Ako din ^_^" Casper

Nagkwekwentuhan lang kami ni Casper habang naliligo 'yung iba. Walang magawa ei.

Nakahiga ako sa may duyan sa gilid ng cottage habang si Casper nakahiga sa may sand sa tabi ko habang dinuduyan ako mehehe Nakaunan siya sa right hand niya tapos dinuduyan niya ako gamit yung isang kamay niya.

"So, anong favorite food mo?" Casper

"Favorite na...? ulam ganun?" sabi ko

"Oo, kahit ano basta 'yung mga gusto mong kinakain" Casper

"Hmm, pork sweet 'n sour, popcorn, siomai, mac 'n cheese, ganun. 'Yung mga creamy, gusto ko ng creamy foods" kako

"Carbonara ganun?" Casper

"Yup, ikaw ba?" sabi ko. Nagside ako habang nakaunan sa right arm ko para makita ko siya.

Tumingin siya sa'kin tapos tumingin sa langit, nag iisip.

"Hmm gusto ko ng Sinigang, Adobo, gusto ko naman lahat actually" Casper

" Ei ano 'yung PINAKA gusto mo" sabi ko, talagang diniinan ko 'yung pinaka :D

"Hmm ... ikaw ^_^" Casper

Binaba ko 'yung isang paa ko para matigil 'yung pagduyan niya tapos tinitigan ko siya, 'yung pinakasarcastic na itsura ko.

"Nagmumukha ba akong ulam sayo?" sabi ko habang nakataas yung right eyebrow ko.

Natetempt akong suntukin siya pero baka mahulog ako mismo sa kanya kaya wag na.

"Hahaha hmm, ano ba?" sabi niya kaya bumalik ako sa pwesto ko at dinuyan niya ulit ako ^_^

"Hmm, Cream Puffs! Gustong gusto ko ng cream puffs" Casper

"Pff! Seryoso hahaha cream puffs??" kako habang nakangiti "Wow ha, ang manly in fairness haha"

"Haha what? Masarap kaya" Casper

"Haha oo na, isa rin 'yun sa favorites ko ei" kako

"Uyyy, sweet sweet nilaaa" Pearl

Bumangon agad ako at tinignan sila. Andito na pala sila, basang basa.

"Kanina pa kayo dito?" Casper na nasa tabi ko na sa may duyan

"Oo, bakit? May nangyari ba na hindi namin alam?" Beth

"Wala ah!!! Grabe" kako

Tumawa lang sila at tinawag na 'yung iba para kumain na kami ng lunch.

So, ganun kami katagal nag-uusap ni Casper? Almost 4 hours


What If... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon