Swimming pt. 2

10 0 0
                                    

JASMINE'S POV


Naiwan naman sina Carla at Mark dun sa cottage, sila rin daw ang magbabantay sa mga gamit. Napagod ata kanina ei haha.

Papunta ako sa beach kung saan naglalaro 'yung mga kaibigan ko.

Tumakbo ako at sumali sa kung ano man 'yung ginagawa nila. Naglaro lag kami ng kung ano ano.

'Yung catcher-catcher ganun. Kapag 'yung ikaw 'yung catcher hahabulin mo sila hanggang sa may mahawakan ka tapos sila namn yung catcher ganun. Ano bang tawag dun? Basta 'yun. Haha

Napagod ako kaya pumunta ako sa may shore at humiga. Nakakakiliti 'yung pakiramdam. Parang lumulubog 'yung katawan ko sa may buhangin every time na bumababa 'yung tubig.

"Ui" Nakapikit ako kaya hindi ko makita kung sino 'yun pero kilala ko kung kaninong boses yun ... Casper

"Ui din" kako

Tumawa siya at humiga sa tabi ko.

Hapon na kaya hindi masyadong maliwanag, hindi na nakakasilaw.

Medyo nanigas ako nang hawakan ni Casper 'yung kamay ko, Hinayaan ko lang siya pero.

"I love you, Jasmine" sabi niya tapos hinigpitan niya 'yung hawak niya sa kamay ko. 

Hindi ako sumagot, nakapikit lang ako.

Pinapakiramdaman ko lang 'yung kamay niya sa kamay ko, 'yung tubig sa katawan ko, 'yung malamig na simoy ng hangin.

Masaya ako kapag kasama ko si Casper. Masaya naman ako palagi kasi kasama ko 'yung mga kaibigan ko pero iba 'pag andito siya, parang hindi kumpleto ang araw ko 'pag hindi ko siya nakita. Ang cliche pakinggan, cliche naman kasi talaga pero totoo. 'Yung feeling na naa-attach ka na sa kanya, nasasanay ka na anjan siya palagi, parang may kulang 'pag hindi mo siya makita.

Madalas ko rin siyang naiisip kahit may ginagawa ako, naaalala ko siya bigla, 'yung dimples niya ganun, 'yung mga banat niya tapos napapangiti na lang ako bigla.

Tahimik lang kaming dalawa. Alam kong nakapikit din siya kahit hindi ko nakikita.

Hindi ko naman kailangang sagutin 'yung sinabi niya, hindi rin nagdedemanda ng sagot yung pagkakasabi niya pero ...

"I love you too, Casper" 

...

Mahal din kita 


What If... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon