Kinikilig???

19 3 0
                                    

JASMINE's POV


Ilang araw din ang nakalipas mula nung magsumbatan kami ni Casper.

He apologized the day after nun tapos no one ever talked about it na.


Ginagawa ko yung assignment ko dito sa library. Tinamad kasi ako kahapon. May hinahanap akong book. Kanina pa ako pabalik balik dito sa shelves pero hindi ko talaga mahanap kaya lumapit ako dun sa isang SA (student assistant).


"Kuya asan po dito yung Clinical Laboratory Science na book?" sabi ko.

Walangya hindi ako pinansin. Nakatingin lang siya sa screen ng computer.

"Kuya..." sabi ko ulit

Huminga siya ng malalim at nagsalita ...

"Tanungin niyo na lang po yung nandun, hindi po kasi ako yung naka-to--" Napahinto siya nung tumingin siya sakin "a-ah Nandito po yun sa banda dito, sunod na lang po kayo sakin" sabi niya at saka nginitian ako.

mehehehe >:D

Aba may favoritism din pala dito sa library. Psh Maduga! buti na lang maganda ako hahaha >:D

Sinundan ko na lang si kuyang favoritism. Nakatayo lang ako dun habang hinahanap niya yung book.

"Ui bat andito ka. Dun ka nga sa station mo" sabi nung isang lalaking SA. "tabi ako na maghahanap" dagdag niya


"Ako na" sabi naman ni koyang favoritism . Nagtulakan pa sila sa harapan ko, mga gagu tong mga toh. Makaalis na nga. Bahala kayo sa buhay niyo.


"Looking for this?" Casper ..

Paano naman to napadpad dito. Matalino siya pero himala kung napasok siya sa library. Bat bigla-bigla na lang nagiging kabute ang mga tao dito? -.-

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko . Nangi-i-stalk ba toh?

"Wala lang" sabi niya


"Akin na nga yan. Inii-stalk mo ba ako?" kako

"Hindi ah, Pumunta ako dito sa library para matulog nang marinig kita. Nakita ko naman agad yung book na hinahanap mo kaya ayun" Casper

"Ahh" sabi ko at kinuha na yung libro sa kanya "sige, gagawin ko pa yung assignment ko"


"Haaaa???? May assignment tayo???? TT3TT" sabi niya . Kaklase ko nga pala siya sa isang subject

"ai hinde. Wala. Wala kang narinig --.-- " sabi ko.Magtanong ba naman kasi ng obvious na question -.-

"Hala, sige gagawin ko na rin yung akin, pashare ng book ha" Casper

"Ayoko nga. Maghanap ka dun ng iba." kako. Kahit na matagal na yung naging issue namin, na aw-awkward pa rin ako.

"Eii ako'ng kumuha niyan ei *3* " Casper


"Binigay mo naman sakin" kako at umalis na . Maya-maya pa'y nakiupo na rin siya sa tabi ko...kinokopya yung sagot ko.


"Hoy!!!" sabi ko

"Ano ba yan, Pashare naa" Casper


"Muka mo, Umalis ka nga!" kako . pero patuloy pa rin siya sa pagkopya kaya hinayaan ko na lang. Magsasayang lang ako ng laway.


Tapos na namin yung assignment. 1 hour pa bago yung pasok namin kaya tumambay pa kami dun sa library. Nabo-boring ako kaya kinuha ko na lang yung Guiness Book of Records at nag basa-basa.

"Jasmine" Casper

"hmm?" sabi ko

"Pwedeng magtanong?" sabi niya

"Ano bang tawag jan sa ginagawa mo" sabi ko

"May lisensya ka ba?" Casper


Napatingin ako sa kanya


"Ha? Bakit?" sabi ko




"Coz you're driving me crazy :DDD" sabi niya at ngumiti ng pagkalapad lapad

Psh HAHAHAHA Akala ko naman kung ano. Pumipick up line lng pala si boy -.-. WALEY!! hahaha pero infairness napangiti ako. ^_^ hahaha baliw talaga to

"Hahaha joke. Hindi sasabihin ko lang na may kamukha ka" Casper "As in, sobrang kahawig mo 100%"

"Sino?? grabe ka naman. Exaggeration naman na ata yang 100% .. Sino ba?" Nacurious naman ako. Baka yung nanay ko yung nakita niya? haha



"Yung future wife ko hehe :DD" sabi niya .Gagu hahaha waley naman xD

"dami mong alam sabi ko" tumawa lang siya.

"Hahaha ^_____^ . Haay, Nakakapagod umupo." Casper




"Pwede bang TAYO na lang" hahaha ang loko talaga ng taong to. Heto naman ako,ewan ko ba pero I just found myself smiling ridiculously. Ang cornyyyy pshhh



"Gumaganda ka lalo 'pag naka ngiti ka ^__^" sabi niya

Nagseryoso agad ako. For a second there, i thought that was a pick up line xD. Naisipan kong pumunta na nang room bago pa ako matadtad ng mga pick up lines niya. Cos quite honestly, naaw-awkward pa rin ako? or am i just shy? Pero mee?? shyy? kay Casper? Ha! hindi rin


"Tara na nga" sabi ko at tumayo na kaming dalawa.

"Lumiit ka ata?" Casper sabi sakin na naka kunot ang noo.

Ai grabe lang.

"Porke matangkad ka,ginaganyan mo ako ha" sabi ko

"Hindi naman sa ganun .. Kasi noon hanggang uluhan lang kita, ngayon nasa puso na kita :D" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko


Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko haha Shete. Kinikilig ba ako? Pinilit kong wag ngumiti at binilisan ko na yung paglakad.

"Hahaha ... o-oi! Jasmine, saglit lang"




What If... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon