Bubbly vs Cold

12 2 0
                                    

CASPER'S POV

"Uhh, Casper..." Jasmine

Hila-hila ko pala siya ngayon paalis dito sa mall. Binitawan ko agad yung kamay niya.

Hinaplos naman niya yun.

Naku,hindi ko napansin, masyado na palang mahigpit yung pagkahawak ko sa kanya.

"Sorry" sabi ko

Ang cold ko ata masyado. Hindi ko talaga mapigilan tong sarili ko.

Nagseselos ako. Yun yun. Hindi ko kayang plastikin ang sarili ko.

Kaya lang naman ako umiwas kay Jasmine kasi nagseselos ako. Ayaw kong makita niya akong ganito, cold, masungit, suplado.

To think na wala naman akong karapatang magselos. Hindi ko naman siya pag ma-may ari

Hindi ko naman sinasadya ei. Hindi ko talaga kayang I-control.

Mabuti pa, lumayo muna ako sa kanya baka may makagawa ako ng di niya magustuhan.

"Jasmine, una na ako" kako

Hindi ko siya tinignan. Dumiretso lang ako sa paglakad.

Sorry Jasmine, nagseselos ako. Kahit naman sinong lalaki jan ayaw na may lumalapit na ibang lalaki sa babaeng nagugustuhan nila, mas lalo na kapag ex.


Sumakay na ako sa motor ko at umuwi na. Regalo ni dad tong motor na to sa'kin nung 2nd year college ako.

Usually, nag je-jeep ako papuntang skul. Minsan ko lang ginagamit tong motor ko.

Naka-uwi na ako kanina pa, hindi kasi ako mapakali nung makita ko si Nate sa may main gate kanina. Then, I knew susundan niya si Jasmine kaya pumunta akong SM.

I really like Jasmine. I'm definitely going to compete against him if that's what it takes. 

Naalala ko bigla si Jasmine. I-text ko na lang siya mamaya pagka uwi ko, baka iba yung isipin niya sa mga ginawa ko kanina.

 I don't want her to think na ganun na lang kadali yun.

 I won't let her go, ngayon pa't alam kong may pag-asa na ako. 


Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko, tinext ko agad siya.

To: *Jasmine

Nagse-selos ako :3

Hindi ko rin alam kung bakit ganyan yung text ko. Bahala na.


From: *Jasmine

Ha?


To: *Jasmine

Sbi ko, nagseselos ako. Kaya sorry pala kanina. Iniwan na lang kita dun.


From: *Jasmine

Ahh, okay lang yun :)


Gusto kong tanungin siya tungkol kay Nate pero mas maganda kapag personal. Kausapin ko na lang siya bukas.


To: *Jasmine

Jasmine?


From: *Jasmine

Ano un?


To: *Jasmine

Hindi mo man lang ba ako na-miss? :3 Hindi tayo nagkita buong araw ah. Alam mo kasi, gusto kong nakikita kita palagi.


Hahaha corny na kung corny. Gusto ko lang I-lighten yung mood. Gusto kong mabura sa memory niya yung cold-side ko kanina. Impossible man mangyari yun, I still want her to know that Im still the bubbly Casper she met.


From: *Jasmine

Hindi ah! Assuming!

Hahaha malamang namumula na naman yung tenga nun hahaha

To: *Jasmine

Namumula na naman yang tenga mo noh? ;)


From: *Jasmine

Ewn k sau! 2lug na ako. Goodnight.


Hahahaha :D haay , you always seem to make my day with your own simple ways :)


To: *Jasmine

Haha :) eto talaga. Cge, goodnight Jasmine :) , rest well.


Hinihintay ko yung text niya, 5 mins. na ah .. Baka tulog na yun.


Tulog na rin ako.


Baka makita ko ulit si Nate bukas. I want to make a move. Kung pwede nga lang ei, binakuran ko na si Jasmine. 

Alam kong alam niya na may gusto na si Jasmine sa'kin. When I said "I'll take it from here" I really meant it.

I can make Jasmine happy again. I can protect her, take care of her, and love her more than he did...

Pero, gusto ko munang malaman kay Jasmine kung mahal pa ba niya yung Nate na yun.

Kasi kahit naman kaya kong ibigay lahat sa kanya, bale wala pa rin yun kung si Nate ang gusto niya.


Kung pinili ni Jasmine na maging magkaibigan na lang sila ni Nate, alam ko namang kahit may pagka gago yung lalaking yun ei, rerespetuhin niya ang desisyon ni Jasmine.

Pero kung, mahal pa talaga nila ang isa't isa

.

.

.

hahayaan ko na siya. Basta, kung saan siya masaya, dun din ako.

Ano pa nga bang magagawa ko?

Kahit naman na ayaw ko, naniniwala akong aalagaan siya ni Nate.

Hindi naman sa pinapaubaya ko na si Jasmine sa kanya, siempre hindi mangyayari yun!

Gusto ko lang ihanda yung sarili ko ...






Para kung sakali lang naman ei, hindi ako gaanong masaktan.


What If... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon