Misunderstanding

12 0 1
                                    

CASPER'S POV

Nandito ako ngayon sa labas ng clinic. Pinalabas kasi ako nung babaeng 'yun, Trisha daw pangalan. Baliw ata yun bigla na lang akong tinulak palabas ei. Sabi sa labas na lang daw ako maghintay.

Inamoy ko yung damit ko... amoy perfume ng babae tuloy, kung makayakap naman kasi yung babaeng yun kanina ,parang wala ng bukas.

Alam kong nagselos si Jasmine kanina sa nangyari. Nakakatuwa nga 'yung reaction niya kanina ei, akala niya siguro hindi ko nakita 'yun. Pero kailangan ko siyang kausapin baka iba isipin niya mas lalo pa't kasama niya si Nate baka kung anong pam'bra-brain wash ang gawin niya sa mahal ko.

"Casper" Trisha

Nakatayo siya sa harapan ko. Nakabandage na 'yung paa niya kaya medyo nakakalakad na siya ng maayos.

"Kilala mo ako?" sabi ko

"Aba, oo naman. Sikat ka kaya sa mga girls sa medtech department tsaka di mo na ba ako natatandaan?" Trisha "Ako to si Trisha Guerzon. Magkaklase tayo nung Grade 5. Ako pa nga yung partner mo sa Mr. and Ms. Valentines ei."

Ahh oo nga pala. Trisha nga pala pangalan nun.

"Ahh oo.. pero parang nag iba itsura mo? Hindi kita namukhaan ei" kako

"Uhm, long story... pero to cut it short nainvolve ako sa car accident nung nasa America kami kaya kinailangan kong magpasurgery. That explains why I don't resemble my old self" Trisha

"Ahh" sabi ko na lang. I'm not really interested.

Tumalon siya at yumakap sa may braso ko.

"Ikaw Casper? Kumusta ka naman? ^__^" Trisha

"Uhm, Trisha could you just ..." pinipilit kong alisin yung kamay niya. Grabe talaga to. -.- Okay pa sana kung si Jasmine.

...

"... bagal bagal ei!!!"

Jasmine??????!! Shemay!

Hinila ko agad yung kamay ko. Sinigawan ko siya pero hindi siya tumingin, sa halip ay si Nate naman yung tumingin.

Kakaiba talaga yang timing mong mokong ka!

Nag-smirk siya sabay hinawakan yung kamay ni Jasmine at hinila siya paalis. 'Langya ka may araw ka din.

"Casper, Who's that?" sabi ni Trisha habang nakataas ang isang kilay niya.

"She's someone I like Trisha" sabi ko na lang. Mabuti na rin para di na naman siya nangungulit.

"Someone you like huh. Looks like she likes someone else" sabi niya habang naka cross arms

"No she doesn't. Kung di dahil sa'yo hindi sana nagkaka ganito. Mauna na ako" sabi ko

"Sabay na tayo. Papunta din lang ako dun" sabi niya sabay turo sa may direksyon kung saan ako papunta

"You've done enough. Okay ka naman na diba? Kaya kung pwede lubayan mo na ako" Kako at naglakad na paalis

Hindi ko nakita si Jasmine kanina. Hindi ko kasi siya kaklase ei. Pati 'yung mga kaibigan niya di ko mahagilap.

Ang malas malas ko naman ngayong araw. Hindi ako mapakali. Baka iniisip ni Jasmine na nakikipag-flirt ako >.<


What If... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon