Protective Friends

11 0 0
                                    

JASMINE'S POV

"Jasmeeng! Geseng ka na jan. Lamon na tayooo!!!" Pearl

Ang iingay talaga ng mga kaibigan ko. Nagsisigawan sila sa baba ei.

Bumaba na ako. *inhaaaaalee

Mmmm... ang bangooo.

"Kain na tayo Jasmeng. Kumusta pakiramdam mo?" Violet

"Medyo okay na. Sinisipon lang ^_^" kako

Umupo na kami sa dining table at kumain na.

"Ano nga kasing nangyari sa'yo kanina?" Carla

"Naku, kung hindi dahil kay Nate ei, nandun ka pa sa Mansion hanggang ngayon." Pearl

"Oo nga ei, salamat Nate" kako

Ngumiti naman siya sa'kin at kumain na.

"Oh, so ano na nga nangyari sa'yo? Bakit super drama ka naman kanina?" Kath

=.= Letse naman 'to.

Kwinento ko na sa kanila lahat ng nangyari, magmula kahapon nung nadapa ako hanggang sa mansion.

"Grabe talaga 'yung Trisha na 'yun. Napaka-desperada naman niya" Beth

"I knew it! May something kasi sa kanya. Kung hindi nakatitig kay Casper, nakatingin naman sa'yo" Carla

"Yun ba 'yung babaeng tumabi kay Casper?" Mark

"Oo, kaya binatukan kita! Sa harap pa talaga ni Jasmine mo sinabi 'yun" Carla

"Sorry naman. Nagjo-joke lang ako 'nun. Akala ko kasi kakilala ninyo" Mark

"Which reminds me, kumusta na pala 'yung sugat mo?" Nate

"Uhm medyo okay na siya, nagblue nga lang" kako "pero hindi naman masakit kapag naglalakad ako kaya okay lang"

"Bwisit din 'yang Casper na 'yan ei. Subukan niyang lumapit sa'yo at babaliin ko leeg niya!" Violet

Medyo gumagabi na. Hindi pa ba aalis 'tong mga 'to?

"Asan nga pala kayo kanina. Naghahanap ako ng back-up pero wala naman kayo." Kako

"Nasa gym kami. May program kaya tayo kanina. Tinext ka namin kaya" Pearl

"Ahh ganun ba, dead bat ako ei" sabi ko "Mabuti na rin pala at wala akong na-miss sa lesson"

"Oo, hanggang bukas nga daw 'yun ei. Wag ka na munang pumasok, magpahinga ka na lang Nanghihina ka pa ei" Nate

Nagtinginan naman sila sa isa't isa habang sinasabi ni Nate 'yun sa'kin.

Sumisenyas sila ng heart sa'kin kapag hindi nakatingin si Nate.

Binato ko naman sila ng tissue. Grabe talaga minsan nakakahiya mga kaibigan ko =.=

Pagkatapos naming kumain, nag paalam na sila at umalis na.

Sinabihan din nila akong huwag ko na daw icontact s Casper. Talaga! Bakit ko naman siya ico-contact.

Natulog na ako at nagpahinga.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------2 days din akong naka kulong sa bahay. Papasok sana ako kahapon pero pinagalitan ako nina Carla, huwag daw muna at baka mabignat ako.

My strength is back kaya papasok na ulit ako.

Excited ako pero kinakabahan na rin. Makikita ko sina Casper at Trisha mamaya.

Di bale deadma na lang. Anjan naman sina Kath ei.

Nga pala tinatawagan ako ni Casper kahapon pero, hindi ko sinasagot. Nag flo-flood din siya ng mga messages pero blinock nila Kath yung contact niya kaya hindi ko nabasa.

Iiwasan ko na lang siya, mas makabubuti 'yun para sa akin.

Si Nate, lagi akong kina kamusta. Nag-usap na din kami.

Mas okay kapag magkaibigan na lang kami. Siguro you never really unlove a person.

I still care about him and I still love him pero hindi na parang dati, as a friend na lang ngayon.

Nakita kong nakatambay na naman sila sa foodcourt dun sa harap ng paotsin.

Lumapit ako at grineet sila.

"Buti naman andito ka na, kulang ng isang bully 'tong grupo ei Haha :D" Kath

"Oo nga ei, namiss kong i-bully si Beth. Na-miss ko din 'yang bangs mo Pearl xD" kako

Kulot kasi siya, ang cute nung bangs niya. Parang 'yung kay Rizal hahaha

"Uhm, ano na palang balita kay Trisha?" kako

"Yun, ganun pa rin. Medyo hindi na bitch. Linalayuan na nga niya si Casper ei" Carla

"Ahh ganun ba" kako "Tara na sa room?"

"Mamaya pa, maaga pa naman. Tambay muna tayo dito saglit" Beth

"Nag-absent ka lang ng ilang araw ei, excited ka nang pumasok niyan? Haha" Mark

Nagulat naman ako nung bigla akong hinila ni Violet at Pearl.

"On second thought. Tara na? Alis na tayo dito" Violet

"Bilisan niyo nga maglakad jan" Pearl

"Eto na Madame" Kath

Titingin sana ako sa likod pero biglang hinawakan ni Violet 'yung panga ko at iniba 'yung direksyon ng mukha ko.

"Aray ko naman? Bakit?" kako

"Tinitignan ko lang, parang pumayat ka yata?" Violet

"Tumigil nga kayo. Aray ko. Bakit? Anjan ba si Casper?" sabi ko

Isa lang naman ang dahilan kung bakit sila nagkakaganito. Nung tumawag nga si Casper kahapon, kunti na lang ei ibasura na 'yung phone ko.

Tumigil silang dalawa sa pagkaladkad sa'kin.

" *sigh* Oo, anjan siya, palapit siya sa'tin sa may table kanina. Kahapon pa kami kinukulit. Gusto ka daw niyang kausapin" Pearl

"Pero siempre hindi kami pumayag noh. After lahat ng ginawa niya" Carla

Tinignan ko kung saan nakaupo sina Nate at Mark, wala na sila.

"Asan sina Nate?" kako

"Ewan" sabi ni Beth at nagtinginan sila.

Ano naman bang plina-plano ng mga 'to >.<



What If... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon