Do I still?

10 2 0
                                    

JASMINE's POV


Pagka baba ko nung bus, naginhale-exhale ako habang nakapikit. Haaaaaa, Nakakamiss ang Baguio ^________^


"Iki-kiss na ba kita?" Casper

Shemay!!! Minulat ko agad yung mata ko at tumalikod.

"Sige, subukan mo 'kong halikan at masasakal kita ng bonggang bonga" sabi ko at lumapit agad ako kina Violet. Umiinit na naman yung tenga ko ei.

"Oh, ano guys san na tayo?" Beth

"Kain muna tayo, gutom na ako ei" Pearl

"Ako din" Kath

"Tara" Mark

Pumunta na kami sa Retro at pumwesto na. Nung nakaupo na kami, nag order na siempre haha xD


"Jasmine, hatid na kita mamaya ^_^" Casper

"Ha? Huwag na alam kong pagod ka, okay lang ako" sabi ko

"Hatid kita mamaya, wag nang mapilit" Casper

"Casper, wag na kasi. Maaga pa naman, kaya kong umuwi mag-isa ko" kako

"Hmm, sige. Hatid na lang kita sa paradahan niyo" Casper

"Ayeee, ang chweet chweet naman ni Fafa Casper *3*" Vick

"Kadiri ka brad manahimik ka nga jan, nandidiri na yung girlfriend mo oh hahaha" Casper

Dumating na yung pagkain namin kaya kumain na kami. Si Casper naman todo asikaso. Yung kutsara tsaka tinidor ko, pinunasan niya, Yung tipong kulang na lang subuan niya ako.

"Uhm Casper, sige kain ka na, kaya ko na :)" sabi ko

Nakakailang na kasi,tong mga timang na to, makatingin wagas! >.<

Pagkatapos naming kumain, heto na naman at nagpi-picturean. Mejo nakakapagod na rin mag pose kaya, kinuha ko nalang yung phone ko at tinignan yung mga videos and pictures namin sa San Juan.

"Guys, yung bayad niyo" Carla

"Eto yung samin ni Jasmine" sabi ni Casper sabay abot nung 500 niya kay Carla.

"Uy! bat yan. Yung iyo lang yung bayaran mo. Ano ka ba" sabi ko at inabot yung bayad ko kay Carla

Nung nakabayad na kami. Naghiwa-hiwalay na kami para umuwi na.

"Bye guys! see you bukas ulit haha" Kath

Pababa na kami ni Casper papunta sa paradahan namin. Tahimik lang kami habang naglalakad.

"Casper"

"Hmm?" sabi niya at tumingin sa akin

"Ang lalim ng iniisp mo ah" sabi ko "Ayos ka lang?"

Ngumiti siya, haay dimples <3

"Okay lang ako ^_^ .Inaalala ko lang yung sa San Juan"

"Ahh, bakit?" kako . Nohbayan di ko na alam kung anong sasabihin ko

"Wala lang , I hope we can work this out Jasmine :)" sabi niya

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.

"Malapit na tayo sa paradahan namin, uwi ka na" sabi ko

"Sige, text kita mamaya Jasmine, bye :) "Casper

Sumakay na ako sa jeep at pumikit. Gusto ko ng matulog :3

After 30mins. Bumaba na ako sa jeep at pumasok na ako sa bahay.

What If... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon