Epilogue (1st Part)

1.2M 21.9K 11K
                                    

Epilogue (1st Part)

"... you understand, right, baby?" sabi ni mommy sa akin. Wala na lang akong nagawa kung hindi tumango. Ginusto ko 'to, pumayag ako. Ngayon, wala na akong magagawa kung hindi pumayag sa sasabihin niya.

Ngumiti ako tapos niyakap ko si mommy. "Thanks for the chance, mommy."

"No problem, baby. Sige na, I'll go ahead," sabi niya tapos pumasok na siya sa office niya. Naiwan ako na hawak hawak 'tong envelope.


--
"Good morning," sabi ni Drake.


-______-


\(-___-)/


Ano'ng oras na ba?


May binaba siyang paper bag sa dining table. "It's already past 10 am. Have you eaten yet?"


Umiling ako tapos unti unti akong naglakad papunta sa table. Nung isang gabi kasi, iniwanan ako bigla ni Drake, yung panahon na sinabi niyang ayaw niya ng maging secret. Ayaw ko din naman pero... ano bang magagawa ko?


Hinanda niya na yung binili niyang Chinese noodles take out. Fan ba siya ng Lim Chinese Restaurant? Laging dun galing kinakain namin ah. -__-


Binigyan niya ako ng chopsticks. "Drake..."


"Hmm?"


"Sorry na..."


Tinignan niya ako. "Why? For hurting my feelings again and again?"


Nagpout ako tapos pinaglaruan ko yung chopsticks. "Wag ka ng magalit sa akin, oh? Binuksan mo na ba yung facebook mo?"


Drake: -____-


"What?"


"Sabi ko, binuksan mo na ba yung facebook mo??"


"What does my facebook account have to do with you hurting me?"


Hinga ng malalim, Alys. Medyo slow si Drake kahit ubod ng talino nito. Pasensya.


+____+


Kinuha ko yung laptop ko tapos inabot ko sa kanya.


"Bilis. Log in ka, bilis!!"


Drake: *nagdududang stare* "Fine."


:">>


Habang nagpipipindot siya dun, kinikilig na ako!! Kasi naman, dahil nageemote siya sa pagiging secret daw niya, pinadalhan ko siya ng relationship request sa fb!! Oh, di ba?? Pwede na yun! Hindi naman kami friends ni Shaira sa facebook eh... at saka, kung makita man niya... wala na akong magagawa. Siguro magpapaliwanag na lang ako sa kanya? Jusko saka ko na iisipin yun. Mas mahalaga si Drake ngayon.

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon