Special Chapter - Troy's POV

1.4M 25.5K 7K
                                    

You may not read this. Wala naman dito yung susunod na mangyayari... just a special chapter for those who want Troy's POV. Nicut ko sobrang haba kasi... Sorry kung madidisappoint ko kayo dito. 

I LOVE YOU READERS...

---------------------------------------------------------------------------------------------

Special Chapter

Lahat ng nangyari, nagflashback sakin. Madilim nung una pero biglang lumiwanag kasi nakita ko ang mga mata niya.

At first, I thought it’s funny. This game is really funny. This girl is really funny. In love siya sa manager ng hotel namin. She’s really straightforward. Niyaya niya ang manager na makipag dinner, pero tinanggihan siya. Of course, that was freaking scary. Who would want to date her anyway? Well, let’s face it, maganda siya pero di lang marunong mag ayos. Hilaw pa ang katawan niya. She doesn’t look nineteen. Late bloomer. Wala pa nga siyang boobs, parang kaka high school lang.

Umiling ako, why am I stressing over her problems? I don’t care... And she’s just using me anyway…

"TROY! Pagamit naman ng CR! Please!" Isang gabi sinabi niya sakin ‘to, natatae yata.

Pwede namang umuwi na lang siya at mag taxi, bakit ang kapal ng mukha niyang makigamit sa CR ko? Hindi ba siya nahihiya sakin? This girl is really crazy. Natural sa mga babaeng nahihiya sa mga ganyang bagay pero itong isang ‘to, walang hiya. Lalo na sakin.

"Troy, Pahatid naman sa amin oh?"

Pagkatapos niya akong iblackmail, tumae sa CR ko, ngayon naman kinapalan pa lalo ang mukha para maihatid ko sa bahay nila. Grabe! What a girl!

Para siyang linta, hindi siya maalis-alis sa sistema ko. Syempre, hawak niya ako sa leeg dahil sa sex tape na yan. Pero ginawa ko na naman ang sinabi niya diba? Pinapasok ko siya sa Le Marcelle para makapag On the Job Training. Tama na sana yun. Okay na sana ang lahat. Pero ginawa kong kumplikado ang lahat…

"I have an offer for you, Trisha."

Hindi siya marunong kung paano maobsess ang mga tao sa kanya. She’s too clingy and straightforward. Kailangan niyang mag paka mysterious para makuha niya ang atensyon ng Jayden na yun. Well, I’m not helping Jayden here. I dislike him… Kaya nga tinutulungan ko si Trisha. I dislike them both, kung magkatuluyan sila, edi good for them. Bagay naman sila… Mga panira sa buhay ko.

Damn! I knew she's pretty but I didn’t think she could be this pretty. Pagkatapos ng make over, umaliwalas ang mukha niya. Ganun parin naman pero may nadagdag, hindi ko alam kung ano pero alam kong meron.

 This is the story of how I fell in love… She taught me how to love… and I broke her heart….

"What the hell happened, Trisha?" Sigaw ko sa kanya habang tinitignan ang mga luha niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ako. I suddenly have that burning passion to kill someone! Masakit sa puso. Dinig na dinig ko yung bilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay siyang magsalita.

Training To Love (Published under MPress)Where stories live. Discover now