Kabanata 41

975K 25.5K 10.9K
                                    

Kabanata 41

Push and Pull

Nilagay ko talaga sa iisang notebook ang mga plano ko samin ni Troy. Ang Art of Seduction, ang mga disiplina sa sarili, ang lahat ng atake ko sa kanya, pinag aralan kong mabuti.

Pag magti-text, dapat hindi mag rereply agad. Dapat may mga weird comments ako. Kung insulto man, hindi ko na kailangang gawan yan ng script dahil natural ko siyang naiinsulto minsan. Dapat ako yung hard to get dito. Pero paano mangyayari yun kung hard to get din si Troy?

Maybe his Art of Seduction isn't enough. Dapat gumawa din ako ng sarili kong moves. Napangisi ako sa kawalan.

"Trisha..." Kinalabit ako ng sexyng classmate ko sa isang major subject isang araw.

"Bakit?"

"Balita ko sumasama ka na naman kay... Troy." Tumaas ang kilay niya.

Tumaas din ang kilay ko.

"Hindi ka pa ba nadadala?"

Bigla kong naramdaman ang mga titig ng mga kaklase ko saming dalawa ng babaeng ito. Mukhang curious silang lahat sa isasagot ko.

"I mean... Akala ko ba ayaw niya na sayo at ayaw mo na rin sa kanya. Nagkasakitan kayo diba? Naghahabol ka ba sa kanya?"

Mas lalong tumaas ang kilay ko. Narinig ko ang paglakas ng bulung-bulungan sa loob ng classroom namin.

Alam ko kung ano ang iniisip nila. Isang buwan kong pinag isipan ang mga reaksyon ng mga tao... Pero hindi ako ganoong klaseng babae na magpapaapekto kung anong sinasabi ng iba.

Totoo, nagkamali ako noon. Nagkamali ako sa mga desisyon ko. Gusto ko rin namang lumayo kay Troy pero hindi ko magawa kasi talagang mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako. I just need to push this. Nasaktan ko siya, magbabayad ako. Kaming dalawa lang. Ano man yung iniisip ng ibang tao, sa kanila na lang dapat yun dahil useless lang kung pangungunahan nila ako.

"Actually, gusto niya parin ako. Hanggang ngayon mahal niya parin ako..." Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa mga libro ko.

"Ah? Talaga? Sure ka ba? Kung ganun sino yung morenang kasa-kasama niya palagi?"

Napilitan akong ibaling ulit ang atensyon ko sa babae. Kumunot na lang ang noo ko.

"Fling niya lang yun." Sabi ko.

"Kung totoong mahal ka niya, dapat wala ng flings. Baka naman gusto niya lang mag higanti sayo?"

Madrama siyang umalis at napalunok ako. Tama siya. Inalog ko ang ulo ko para malimutan ang sinabi ng babae.

"Trisha." May tumawag sa likuran ko.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon