CHAPTER 12 ♡

1.1K 31 5
                                    

( Hello! :)) I don't know, baka ito na ang last update ko sa month na to. Magiging busy na kasi ako sa studies ko, incoming freshman po kasi ako. ^___^v Hinihingi ko po ang inyong pag-intindi . Salamat po. <3

Dedicated ang chapter na ito kay Ms. cynthz, hello ate =)))) Super thank you sa suporta at pag-aantay mo sa mga updates ko. Godbless. A/N)

CELINE'S POV

Hi. Yes. This is Celine Lim, ang number 1 hater ni Kyra Princess O. Araneta...

nung HIGH SCHOOL at number 1 person concern sa kanya ngayong college.

Ironic ba? Well, I'm sure nagtataka kayo kung paano nangyari yun. Hmm. Pareho kami ng university na pinasukan ni Kyra at pareho pa kami ng course na kinuha.

Ironic, sa block section kami napunta kaya naging mag classmates talaga kami.

Nung una, walang pansinan kasi hindi nga kami close dati at hindi lang close, magka-away pa.

But then ... sa tagal ng panahon nakilala din namin ang isa't-isa at sobrang swak pala kami sa ugali at biglang naging close na lang kami.

Isa pa, nung time na nangailangan ako ng pera dahil na-delay ang padala ni Mama galing Australia ... si Kyra ang tumulong sa akin na magpahiram ng pang-tuition kaya ayun may utang na loob din talaga ko sa kanya.

Mabait naman talaga kasi si Kyra, isa yun sa kinaiinsecure-an ko sa kanya nung high school bukas sa maganda, matalino at mayaman pa siya ...

Hate na hate ko siya dati kasi parang ang perpekto ng buhay niya ... yung tipong lahat na sa kanya. Noon, parang ganun pero ngayon ...

GHAAAD! I LOOK AT HER, SHE'S ALMOST MAKING OUT WITH SOMEONE. Dafuq.

Hinigit ko si Kyra palabas ng bar! Haynako. Itong babaeng ito, kung makikita niyo lang! Ay grabe.

Sorry for the word ha ... pero parang pakawala.

Ugh. I used to envy her but now I really pity her. Hindi na siya yung dating Kyra na makikita mong disenteng-disente, hindi nagpupunta sa mga night-outs, focus lang sa pag-aaral.

Hindi na siya yun. She has really changed. And it all started when Rye left her.

Bilang number 1 hater niya noong high school, isa ako sa pinakasumubaybay sa love story nilang dalawa.

And when they broke the day before their anniversary ... isa ako sa mga nanghinayang.

Oo, hilig ko noong asarin si Kyra na iiwan agad siya ni Rye pero lahat ng yun pang-iinis lang dahil kinaiinggitan ko siya pero sa totoo lang ... gustong-gusto ko sila.

Gustong-gusto ko sila as a couple kasi kahit high school pa lang kami nun, makikita mo na sa kanila yung lalim ng feelings para sa isa't-isa pag magkasama.

Nalungkot talaga ko nung nabalitaan kong nakipagbreak si Rye kay Kyra dahil pinagselosan niya yung pinsan niyang si Kai at inakala pa nitong may relasyon ang dalawa.

Misunderstanding/Misinterpretation leads to break-up.

Poor Kyra, hindi man lang siya nakapag-explain at iniwan lang siya basta ni Rye. At ilang taon na ang nakakalipas pero ang babaeng ito hindi pa rin nakakamove-on.

Mahal pa nga niya si Rye hanggang ngayon eh. Kaya kapag hindi matinong kausap, kailangang ipasok ang pangalan ni Rye sa usapan. -__-

"Yaaaa! What's your problem Celine? Ha!?"

"None. Wala akong problema. Ikaw ang may problema!"

"Ha? Tigilan mo nga ko."

"Tss. Kyra naman, makinig ka naman sa akin. Ayusin mo naman buhay mo. Hindi ka na seryoso sa pag-aaral, puro club at party na lang inaatupag mo!"

Fake Words. Real Feelings.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon