CHAPTER 24 ♡

723 26 3
                                    

RYE's POV

Nandito ako ngayon sa airport. Ngayon ang dating nila Kai at Rina. At ako ang susundo sa kanila. Well actually hindi lang naman ako kasi andito rin sila tita at tito (Mama at Papa ni Kai)

Wala lang, feeling ko lang mag isa ako dito. Panis na kasi laway ko at wala naman akong maka-usap dito. Tss.

Medyo matagal yung pag-antay namin. As expected. Kalahating oras bago sila dumating...

"Ryeee!!!" tawag sa akin ni Kai.

"Pare. Long time no see. Namiss kita. Hahaha"

"Haha. Miss you too pre, lalo tayong pumopogi ah. Laki na ng katawan."

"Haha. Wala eh, kailangan. Para habulin pa rin ng babae."

"Idol talaga. Wala kong masabi. Ahhh nga pala. So si Rina oh. Haha. Future wifeyy..." bigla kong binalingan yung katabi niya. Wow. Si Rina na ba to? Mukhang model.

"Oh. Hi Rina! It's nice to finally meet you again." sabi ko.

"Hello Rye! Hihi." tipid niyang sagot.

*SA KOTSE*

"Ah Rye, punta ako sa house niyo mamayang hapon ah. Usap tayo. Alam mo na." baling sa akin ni Kai.

"Ha? Anong pag-uusapan? Pero sige, mga 5 pm punta ka."

KYRA's POV

Nasa mall ako ngayon, nag ditch na naman ako ng class ko. Kakaboring lang kasi! Puro lectures, umay na umay na ko sa Psychology gusto ko ng mag shift sa totoo lang. Bakit pa kasi yun yung napili kong course?

-__-"

At ngayon, nasa Starbucks ako mag-isa. Nagpapalipas oras lang. Ang aga pa kasi, 3 pm pa lang. Wala pang bukas na bar ng ganitong oras. Kating-kati na yung lalamunan ko, gusto ng lumaklak ng alak.

But for now, pag tiya-tiyagaan ko muna 'tong frappe na 'to. Hayyy.

"Kyra?" nagulat ako ng biglang may lumapit sa table ko.

"Excuse me?"

"Oh shit. Kyra, ikaw na ba yan?" wow ha nagmura pa. Sino ba to? In fairness, gwapo.

"Uhh. Do I know you?"

"Haha. Ang taray mo talaga. Hindi mo na ko kilala? Ilang years pa lang naman ah, nakalimutan mo na agad ang first kiss mo? Nakaka---"

"P*TA! IKAW NA YAN KAI? FVCKSH*T KA! Nagpakita ka rin sa wakas! HAHAHAHA. San ka nanggaling leche ka!"

"Hahaha. Wala ka pa rin pinagbago Kyra. Hilig mo pa ring magmura. Hahahahaha."

"Eh nakakapunyeta ka eh. Ba't ngayon ka lang nagpakita ah?"

"Hahaha. Eh kasi po sinundan ko sa Italy yung girl of my dreams"

"Ahhhhhhh. Oo nga pala, sabi sakin ni Rye papakasal ka na raw. Congrats!"

"Thanks thanks. Sorry, kung uunahan na namin kayo ah."

"Ha? Sinong uunahan? Kami? Aba ako, wala pa namang balak magpakasal. Tapos si Rye? Ewan ko sa kanya at sa mga babae niya."

"Haha. Nagkausap na ba kayo ulit ni Rye? Yung sa alam mo na...sa past"

"Ha? Naku naman! Past is past. Wala na yun. Okay na okay na kami. Nakapag move on na kami pareho. May kanya-kanyang lovelife na nga kami ngayon eh. Saka wala na yun no, tagal na nun."

"Sus. Dami mong sinabi dyan. Di mo naman sinagot yung tanong ko! Haha. Ano nga? Nakapag-usap na ba kayo? Naliwanagan na ba kayo tungkol sa nangyari sa inyo?"

"..."

"Oh ba't di ka makapagsalita dyan?"

"Ewan ko sayo Kai... Kasalanan mo kasi yun eh..."

"I know. Kaya, I'M SORRY KYRA FOR EVERYTHING I DID. Hmm... Hindi pa naman huli ang lahat ah. Di pa naman kasal yung isa sa inyo. May chance pa kayo."

"Chance? Sus. Wala na yun. Hindi na namin gusto ang isa't-isa. Okay na sa amin yung minsan sa buhay namin naging espesyal kami sa isa't-isa."

"Sabihin mo yan pagkatapos niyong makapag-usap ulit ni Rye tungkol sa mga nangyari. Nakapagpaliwanag na ko sa kanya. At siya na ang bahalang magsabi sayo ng lahat.

Sorry ulit Kyra. Sorry sa lahat. I still wish, You and Rye will still end up together..."

( Medyo short, ay hindi super short chapter talaga. HAHAHA. Sensya na kung binitin ko kayo. Lutang pa rin kasi yung utak ko ngayon dahil dun sa one-shot story na ginawa ko lang kagabi. Haha. Ang epic kasi ng feedbacks ng mga kaibigan ko. "I almost had you." po ang title. :)

So ayun, wait for the next UD na lang. Babawi ako. ♡

VOTE & COMMENT PA RIN. :) THANK YOU! ♡

Chapter dedicated to... Miss Karina Gayle Flores, another good college friend of mine. :)

Karens, alam kong magaling ka talaga mag drawing pero wag ka na lumipat sa Archi, mas masaya pa rin tayo sa engineering. ♡ HAHA sige mag CE ka na lang kung balak mo talaga mag shift or CoE pa rin. :)

Thank you sa laging pag-aantay mo ng update ko sa story na 'to. Feel na feel ko talaga support mo. ♡ Thank you so much!! ♡ ♡ )

Fake Words. Real Feelings.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon