CHAPTER 14 ♡

1.1K 33 12
                                    

KYRA'S POV

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo. Hay. Hang-over na naman. Nakailang shot glass din kasi ako kagabi.

Siguro nga mas nakarami pa kung hindi lang ako hinila ni Celine palabas ng bar.

Well, thanks to her for fooling me again at nagawa niya kong mapauwi ng maaga.

Tsk. Next time talaga kapag may binalita na naman siya tungkol kay Rye, hindi na ko maniniwala. As in.

Makapag-shower na nga at may pasok pa. It's monday today, I really hate this day. Ang pangit ng schedule ko, 4 hours lang at ang aga ng dismissal, 2 pm hindi ako makakapag-club.

Kadalasan kasi after class, diretso ako sa club. Yun ay kapag Tuesday,Thursday,Friday at Saturday na 7 pm ang uwian.

"Kyra, anong oras uwi mo mamaya?" Oh.Himala. Naging interesado ang mommy ko ngayon sa schedule ng pag-uwi ko. Anong meron? Mukhang good mood siya ngayon ah.

"2 pm mom. Baket?"

"Oh, good. May dinner mamayang 6pm dito sa atin with someone. I want you to meet him."

"Ah. Ok. Him? So he's a guy. Is he for me? Haha." God! May irereto pa yata itong si Mommy sa akin!

"Hahaha. No sweetie. He is for me. Maybe, he'll be your future stepdad. Haha"

"Ah ok. I'm excited to meet him. Cge Mommy, see you later. Pasok na ko."

"Sige Iha. Ingat ka ah."

"Yeah. sure"

Tss. Bumabalik na si mommy, yung dating sweet mommy ko.

Hay. I'm happy nakakarecover na talaga siya, may new found love na yata. Kikilatisin ko talaga yung lalaking papakilala niya sa akin mamaya

Ugh. Baka naman pera lang habol nun.

Pagkadating sa room, books and notes are all open. Wow ha. Sipag ng mga classmates ko porke't sa 2 subjects namin may long test kami.

Ako nga walang ni-review ni isa. Wala naman kasi akong paki kung bumagsak ako.

Para kanino ko pa nga ba ipagmamalaki yung mga grades ko eh kaya lang naman ako nagsisipag noon para makuha yung gusto ko ... na kadalasan binibigay lang ng daddy ko kapag may bagay na na-a-achieve ako.

Yeah. I've been a daddy's girl. Sobrang malapit ako sa daddy ako nun, lumayo lang yung loob ko sa kanya nung nagsimula ng magkaproblema sila ng Mommy ko.

Kitang-kita ko kung paano niya niloko ang Mommy ko. Sobrang naawa ako nun sa mom ko at simula nun naging hate ko na si dad.

Pinagpalit niya kami sa kabet niya, sa isa pa niyang pamilya. Ang sakit para sa amin ng mom ko yun dahil kami ang legal pero hindi kami yung mas mahalaga sa kanya ...

"No. 6. What is -----------------------------------------"

"Ms. Araneta, are you listening?"

"..."

"Ms. Kyra Princess Araneta, are you listening??"

"Yes, sir? pardon?" nakuu, patay. @_@

"I said, are you listening?

"Ah. Yes. Yes sir."

"Really? So what number are we now?"

"Hmm." nasa harap ko si Celine, sinenyasan niya ko na no. 6 daw.

"Six? Ahm. We're on number six sir."

Fake Words. Real Feelings.Where stories live. Discover now