CHAPTER 38 ♡

312 14 2
                                    

[ Dedicated this chapter to Miss Kathmate :) / Hello po =)) Salamat sa pagbabasa ng story na 'to at pati ng iba ko pang stories. Kilig naman ako. Thankieees <3 ]

KYRA's POV

Kinabukasan, lubog na lubog ang mga mata ko dahil halos ilang oras lang ang naging tulog ko.

I just can sleep last night due to overthinking.

"Bitch, what's with your face? Ang chaka ng eyebags natin ah." bungad sa akin ni Celine pagkababa ko sa bag ko at ipinatong sa upuan. Kakarating ko lang sa classroom, medyo late na ko ng 10 minutes. Buti na lang wala pa rin yung Prof namin ngayon sa 1st subject.

Inirapan ko itong si Celine," Ano sa tingin mo? Malamang napuyat ako kaya nagka-eyebags ng ganito. Saka malamang, chaka! May eyebags bang nakakaganda?"

"Hahaha! Ito naman masyadong HB! Halatang bitin sa tulog. Hahahaha. So ano ngang dahilan ng pagpupuyat mo?" patawa-tawang sagot nito sa akin

"Wala, hindi lang ako makatulog." maikli kong sabi

"Hindi makatulog? Malamang, nag-iisip ka. So sinong iniisip mo?"

"Ayan ka na naman Celina. Hinuhuli mo na naman ako."

"Hahaha. Bwisit ka. Anong Celina ka dyan! Tss. I'm just a friend here, noh! Ayaw mo na ba sakin magkwento? Hayy. Nakakatampo naman..." malungkot na sabi nito na ewan ko kung totoo o pa-cute lang, naka-pout eh

"Luh. Wag ka ngang pa-cute dyan. Hahaha. Eh sa wala naman akong makukwento sayo eh..."

"Sus. Yung naiisip mo kung bakit ka napuyat! Ano yun ha? Hindi mo ba talaga masasabi sa akin?"

"Ah, ayun ba? Kasi ano---si Rye kasi, tumawag siya sa akin gabi...super late na, 12:00am na yata yun. Bago kasi nun pala, hindi niya sinasagot yung mga tawag ko tapos ayun nung tumawag na siya sa akin na late na nagtaka ako syempre tapo---" naputol ang pagkukwento ko kay Celine nang dumating na yung prof namin.

"Good morning class." bati nito.

"Good morning din Sir." sagot ng ilan.

RYE's POV

I'm on my way to the office. Medyo puyat ako dahil anong oras na rin ako nakatulog kagabi. I can't stop thinking on what should I do. And right now, I honestly still don't know what to do.

Bahala na siguro akong umakto kapag nangyayari na.

Sa ngayon... hindi ko naman kasi basta-basta masasabi kay Kyra na engaged na ko kay Aira at hinding-hindi rin naman ako makikipaghiwalay sa kanya kahit anong mangyari.

Hindi ko kaya.

Gayundin, hindi ko rin naman magagawang madisappoint ang pamilya ko sa akin at hindi ko kayang i-break off yung pesteng engagement na yun kahit gustuhin ko man. Alam ko kung gaano kahalaga sa kanila at sa amin yung company...at kung yung engagement lang nga ang tanging paraan para maisalba namin ito---wala na kong gagawing pagtutol.

Lahat ng pangyayari sa ngayon, hahayaan ko lang muna.

But when the time comes...when I need to choose or do something about this matter... I will do so what my mind is telling me and what my heart is pushing me.

My phone vibrates.

1 message received.

------------------------------------

From: Aira -_-

I miss you. :* Can I come to your office, today?

------------------------------------

Fake Words. Real Feelings.Where stories live. Discover now