CHAPTER 13 ♡

1.2K 37 23
                                    

RYE'S POV

"Baby, chocolate or cheese?"

"..."

"Baby ..."

"Oh?"

"Anong Oh? Sabi ko, chocolate or cheese ... Anong flavor gusto mo?"

"Ahhh. Kahit ano."

"Eh? Meron bang flavor na kahit ano?! Baby naman eh..."

"Tss. Kung ano na lang yung sayo, yun na lang din yung sa akin"

"Ah. Ok. Sige pareho tayong chocolate. Yiiieee"

"..."

Hay. Heto kami ngayon ng girlfriend ko, nagdedate sa Quezon City Memorial Circle. Maganda naman sa lugar na ito pero nabo-bore ako.

Tss. Ewan ko ba, hyper naman itong kasama ko pero hindi ako nahahawa sa mood niya.

Oo nga pala, si Aira Mae D. Manlapaz ang kasama ko ngayon dito. Nasabi ko naman sa inyo diba? Girlfriend ko siya. Monthsary namin ngayon at 3 months na kami.

3 months na kami at para sa akin, matagal na yun. Hindi ko nga alam at napagtyatyagaan pa ko ng babaeng 'to eh, halata namang wala akong kaamor-amor sa kanya ... trip-trip lang.

Actually, after nung break-up ko sa first girlfriend ko 3 years ago wala na kong sineryoso sa lahat ng nakarelasyon ko. Kadalasan tumatagal lang ng 3 days, 1 week, 1 month yung mga nagiging gf ko.

Minsan ako nakikipagbreak pag nararamdaman ko ng masyadong clingy at attached sa akin ang babae, minsan sila naman yung nakikipagbreak kasi ang boring ko daw at wala daw akong ka-sweet-sweet sa katawan.

Tss. Mga babae talaga.

Pareho-pareho lang; flirt, unfaithful, BEAUTIFUL BITCHES.

After ng mama ko, wala ng matinong babaeng nabuhay pa sa mundo ... yun ang paniniwala ko.

"Uhmm. Aira, uwi na tayo? I'm not in the mood today."

"Huh? Sakay muna tayo sa Roller Coaster. Please. 1 ride lang."

"Ayoko."

"Bakit naman? Dali na."

"Ayoko."

"Eh, KJ! Bakit naman ha? Don't tell me kalaki mong tao takot ka sa rides?"

"No ... it's just that ..."

"What?"

"wala. It's just that roller coaster reminds me of someone in the past. Ahmm. I hope you understand, pero sorry ayoko talaga. Sorry Aira. Hatid na kita. Don't worry next time babawi ako sayo, ayoko lang kasi talaga sa mga ganitong lugar . Pasensya na talaga."

"I don't understand a single thing pero it's okay. Mukhang wala ka talaga sa mood ngayon eh, sige uwi na lang tayo."

"Thank you Aira. Salamat sa pag-intindi" at kiniss ko siya sa cheeks.

Hinatid ko si Aira sa bahay nila. Pinatuloy ako ng mommy niya sa loob pero hindi rin ako nagtagal.

Nakakailang eh, sa katunayan nga ayokong nagpupunta sa bahay ng babae at nagpapakilala sa magulang niya tiyak kasi iisipin seryoso ako eh hindi naman.

Aira is an ideal girl pero wala eh, wala akong feelings sa kanya. Nung una kong kita sa kanya sa isang mall dito sa Manila, nagandahan na ko sa kanya kaya kinuha ko agad number niya.

Fake Words. Real Feelings.Where stories live. Discover now