CHAPTER 28 ♡

555 22 15
                                    

(Chapter dedicated to one of my HS buddies...Miss Janille May Tolentino Gatapia a.k.a EllinajYam17 dito sa wattpad at sa twitter. =))

Chang, hindi ko ineexpect na binabasa mo pala 'to. :D Salamat... na sa kaadikan natin sa JaXel ng PBB at 'The Heirs' ni Lee Min Ho nasisingit pa rin natin 'tong si wattpad. HAHA. Atleast naman sulit natin 'tong bakasyon bago tayo sumubsob ulit sa Engineering. LOL.

Thank you chang sa support sa story na 'to!! ♡ ♡

So there. Sa lahat ng readers,

VOTE at COMMENT po. Nagdededic ako sa mga active. XD Thank you. :) A/N )

KYRA'S POV

Monday na naman. Kakatamad pumasok. Buti na lang last year ko na ngayon at gagraduate na rin ako ilang buwan na lang. Konting tiis na lang.Sana talaga sumabit ako sa lahat ng subjects ko at wala akong ibagsak. Gustong-gusto ko ng makatapos.

Kinakabahan talaga ko dun sa isa kong major subject, ang bababa ng quizzes ko. Bukod sa hindi kasi talaga ko nag-aaral, ang hirap naman talaga ng exams ng lecheng prof. namin dahil kahit yung mga kaklase kong masisipag naman bumabagsak din sa kanya. Incomplete nga yung grade ko sa kanya nung midterm grade eh kaya kinakabahan talaga ko ngayong finals. Sana talaga sumabit ako, 'tres' lang sapat na. >O<

"Bitch! May notes ka? May long test daw tayo kay Sir Manya ngayon!" bungad sakin ni Celine, kakapasok ko pa lang ngayon sa classroom.

"Ha? May sinabi ba siyang may long test tayo ngayon?" lecheng prof yun medyo nakikinig naman ako these days kasi finals na at medyo nagseseryoso na ulit ako pero wala talaga akong natatandaan na magpapa test yun ngayong araw.

"Hay loko nga eh. Surprise exam daw! Nalaman ko sa kabilang section na tinuturuan niya rin bago tayo. Mayroon nga daw! Paano yan? Bagsak na naman ba tayo dyan kay Manyak?"

"Ewan ko. Bahala na. Hoy maka-manyak ka naman? Mamaya dumating na siya dyan at marinig ka, di ka ba natatakot?" baliw talaga 'tong si Celine ang lakas-lakas ng boses kung makapagkwento eh.

"Wala pa yun! Sus! If I know baka nagtagal na naman siya sa class ng mga Tourism kasi may natipuhan na naman siyang babae dun tapos alam mo na. Ewww." wala pa ring pakundangan na sabi nito.

Pero totoo naman lahat. Si Sir Manya na prof namin sa Psychology, sikat sa buong school dahil kilala siyang nambibiktima ng mga magagandang estudyante sa campus, yung mga nangangailangan ng grades. Hindi ko alam kung nagyayaya siya ng one-night stand o nakikipagrelasyon talaga ng ilang linggo sa mga ito. Hindi pa kasi siya talaga matanda, siguro nasa early 30's pa lang kaya yung iba okay lang sa kanilang patulan siya. Pero yaaaay nakakadiri pa rin diba? Hindi siya karespe-respeto given the fact na Prof siya tapos nakikipagrelasyon sa estudyante niya.

Hindi naman siya magawang i-ban dito kahit ilang beses na siyang i-report dahil ang pamilya niya lang naman ang halos may 50% share sa ownership ng exclusive school na ito. Sobrang malas ko nga na naging prof ko siya eh. Kinakabahan ako na baka bumagsak ako sa kanya at mag-alok siya...oh well, kahit anong mangyari hindi ko papatulan.

"Good afternoon class!" bati niya.

"Good afternoon sir." walang ganang sagot ng iilan sa amin.

"Okay. I just drop by here kasi may gagawin ako ngayon so ididismiss ko kayo ng maaga. Here's the thing class, honestly I don't know what to do anymore...to fix your grades. Wala pa sa kalahati ang papasa sa inyo. Paano ba naman sa quizzes pa lang, dadalawa lang yata yung umabot sa passing score. Kaya binabaan ko na yung mark na papasa kayo pero iilan pa rin yung pumasa. So I guess, sa iba...yung final exam na lang yung pag-asa niyo para pumasa. Kailangan mataas kayo dun...para sumabit pa. Okay? That's it. You may go." mahabang sabi ni Sir Manya.

Expected ko na isang araw sasabihin niya yan. Hay. Alam ko na namang isa ko sa mga babagsak sa kanya eh. Mukhang di pa talaga ko makakagraduate this year. -__-"

"Kyra bitch, uwi ka na ba? Di na kita masasamahan ah. May date kami ni Gerald ngayon eh."

"Ah ganun ba Celine...sige, go ka na. Punta lang ako sa coffee shop diyan tapos siguro uuwi na rin after."

"Sige, bye! Ingat. Mwa"

Ano ba yan! Wala na kong makakasama. May date si Celine, si Margaux mamaya pa yung uwian. Uuwi na ba talaga ko after ko magkape? Hayy. Ayoko pa...katamad.

*Sa Coffee Shop*

Naubos ko na yung inorder kong frappe at cake...di ko pa rin alam kung saan ako pupunta. Wala naman kasi akong kasama.

Naramdaman kong may biglang tumabi sa akin...

"Sir Manya?"

Fake Words. Real Feelings.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon