CHAPTER 26 ♡

672 31 19
                                    

Author's note:

Happy 18k reads! ♡ Thank you readers! HIATUS muna ako after ng UD na 'to ah, may pagkakaabalahan munang iba si author. :D

So there. This is my most favorite chapter so far. ♡

VOTE AND COMMENT. ♡ ♡

Chapter dedicated to ROLDAN LAMANERO CARMEN. =))

Chang, matuwa ka pls. medyo special 'tong chapter na to tapos sayo ko talaga dinedicate. HAHA. In fairness, deserve mo naman kasi nga sa ngayon sa mga HS friends ko, ikaw talaga yung pinaka supportive sa story na 'to. Thankful ako na inaabangan mo yung updates ko at finefavorite mo pa yung tweets na feedback ng mga nakakausap ko sa twitter regarding dito. Thank youuu so much!!! ♡

Readers, pa-follow po siya, 'rlcarmen17' dito sa wattpad at @DalanDaaaaaan17 sa twitter. Thank you po. :D

©Goldilovestoread

*********************

RYE'S POV

3:30 pm

Kalahating oras na. Wala pa rin siya. Sh*t. Niloloko ba ko ni Kyra na 3 pm yung labas niya? Baka naman 4 pm pa talaga at sinadya niyang sabihin ng mas maaga ng isang oras yung labas niya para pag-antayin ako ng matagal.

Binabawian niya siguro ako. Tss. Di bale na nga, sa dami naman ng maling nagawa ko sa kanya... Napakaliit na bagay lang nitong ilang oras na pag-iintay ko sa kanya.

*crooo crooo*

After 15 more minutes ...

"Rye!" SA WAKAS. Lumabas na rin. Hay. Sige. Kung ganito naman kaganda yung aantayin ko ng ilang oras. Oo na, willing na kong mag-antay.

"Ah. Akala ko ba 3 pm?" pero siyempre tinanong ko pa rin yung dahilan kung bakit ngayon lang siya dumating.

"Super sorry, Rye. Nagkaproblema kasi kami sa Prof ko eh. Kinausap niya kami nung kaibigan ko kasi nahuli niya kaming hindi nakikinig sa class niya. Tapos ayun, may pinagawa pa siyang paperworks sa faculty kaya natagalan ako. Sorry talaga kung nag-antay ka ng matagal."

Ewan ko kung totoo 'tong mga sinasabi niya pero kapani-paniwala naman kasi nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Ewan ko ba, napatitig tuloy ako sa kanya. Sobrang ganda niya talaga pag ganito kalapit.

"......." hindi tuloy ako makapagsalita.

"Uyy. Di ka makapagsalita dyan? Galit ka ba? Sorry talaga. Di bale, babawi ako. Treat ko na lahat. San ba tayo pupunta?" medyo natauhan ako. Sh*t kakahiya. Medyo natameme pala ko sa kanya.

"Ahm. Hindi okay lang yun. Naintindihan ko. Saka ano ka ba! Di ako nagpapatreat sa babae no. Ako lahat gagastos, ako nga nag-invite eh." pambabawi ko.

"Sure ka? Pero okay ka lang talaga? Pasensya ulit ah"

Hayy. Bakit parang sobrang nakokonsensya siya? Eh maliit na bagay lang naman yun. Ano pa yung nagawa ko sa kanya? Ako nga 'tong dapat makonsenya eh. -_-

"Okay lang talaga. Tara na." Yaya ko sa kanya.

*SA KOTSE*

Wala kaming imikan. ANG AWKWARD. Hindi ko alam kung pano ko siya uumpisahang kausapin. Hinihintay ko na lang na siya yung magsimula.

Pero wala eh, malapit na kami sa pupuntahan naming coffee shop. Di pa rin nagsasalita yung isa sa amin. -__-"

Malapit na kami sa patutunguhan namin, hindi ko pa rin nareready yung sasabihin ko sa kanya. Sh*t. Ano nga ba? bukod sa magsosorry ako.

Fake Words. Real Feelings.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon