CHAPTER 27 ♡

607 29 11
                                    

KYRA'S POV

Nasa school ako ngayon. Mag-isang nakatunganga sa canteen. Antagal naman mag CR ni Celine. Atat na kong mag kwento sa kanya tungkol sa mga nangyari kahapon. Hanggang ngayon pa naman sa totoo lang hindi pa rin nagsisink-in lahat ng nangyari, hindi pa rin naaabsorb ng utak ko lahat ng sinabi sa akin Rye. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Kyaaaaaaaah.

"Oy bitch. Sorry natagalan, ano na?"

"..."

"Bitch!"

"..."

"Hoy Kyra, ba't tulala ka dyan?"

"..ha?" nasa harap ko na pala si Celine, di ko napansin kasi nakatulala nga yata ako. hay -__-"

"Leche. Wala ka yata sa sarili mo eh. Ba't tulala ka dyan? Tungkol san ba yang kukwento mo, tungkol ba yan sa pagkikita niyo kahapon ni Rye?"

"Ahhm.Oo bitch..." di ko alam kung tutuloy ko ba to, kasi naman itong si Celine sigurado hindi agad maniniwala sa akin eh. At naiinis ako sa ganun, wala naman akong ibang makwentuhan kundi siya lang. Si Margaux kasi absent.

"Bago ko ikwento, i promise mo muna sakin na maniniwala ka sa sasabihin ko." pagpapatuloy ko...

"Ha? Bakit kelangan ko pang mag promise? Maniniwala naman ako kung kapani-paniwala talaga yang sasabihin mo eh. Ano ba? Anong nangyari sa inyo ni Rye? Kayo na ba ulit? Aba kung ganun nakakabigla nga!" See? Mga reaction nito ni Celine eh.

"Gaga! Ang loka-loka mo talaga mag-isip eh, no? Ang bilis naman nun at kami agad? Hindi naman ganun."

"HAHAHA. Sorry, ang advance ko ba mag-isip? Eh ano nga? Wag mo ng iligoy pa, spill it."

"Hmm. Nag sorry kasi sa akin si Rye at parang humihingi ng..."

"...Second chance?" dugtong niya.

Marahan akong tumango.

Kagabi ko pa pinag-iisipan lahat. Lahat ng sinabi niya sa akin sa coffee shop hanggang sa labas ng bahay namin ng ihatid niya ko.

Nakatatak pa rin sa utak ko yung sinabi niyang, "Kyra, alam ko nasaktan kita. Alam ko nang dahil sa akin, nagbago ka. Pero handa akong ibalik sa dati ang lahat, maging yung dating ikaw...bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon. Dahil naloko man tayo pareho noon at maraming bagay na ang nabago ngayon, meron pa rin sa akin nananatiling totoo at hindi nagbago...at yun yung nararamdaman ko para sayo. KYRA, MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA."

"Hoy!! bitch, nakikinig ka ba talaga sa akin?"untag sa akin ni Celine.

"Ha? Ano na nga yung sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Waleya naman oh! Ang ayos mo kausap. Waaaa kaloka ka!"

"Sorry Celine. Medyo malalim lang talaga yung iniisip ko eh."

"Ah ganun? Sobrang lalim ba? Sige tulungan kitang maghukay" sarkastikong sagot niya.

"Che! Bitch ka. Ano na nga ulit yung sinasabi mo? Makikinig na talaga ko. Attentive na talaga, swear!" pambabawi ko.

"Sus! Ayoko na! matutulaley ka na naman mamaya dyan."

"Haha! Sorry na. Eto naman, paki-ulit na yung advice mo pleaseee" pagpupumilit ko. Grabe pa-chix talaga 'to. Gusto pa pinipilit!

"Okay. Eto na nga kasi...hmm, simple lang, tanungin mo yung utak mo kung karapat-dapat bang bigyan si Rye ng isa pang chance. Tapos konsultahin mo yang puso mo kung handa ka na bang papasukin ulit siya buhay mo. Nasa sayo yung desisyon. Well, alangan namang nasa akin diba? Na sayo lang. You are responsible for your own desicions. You are responsible for your own happiness. Simply, give him a chance if you think he deserves it. That's just it."

RYE's POV

Hindi ako mapakali. Nasa trabaho ako ngayon pero si Kyra yung iniisip ko. Hindi niya sinasagot yung mga tawag ko. Shiiit.

Galit ba siya? Wala na ba talaga kong pag-asa sa kanya at nahihiya lang siyang i-reject? Hindi na ba talaga niyo ko mabibigyan pa ng isang chance para patunayan at iparamdam sa kanyang mahal ko pa rin siya kaya binabalewala niya ko ngayon at hindi na pinapansin?

Ang sakit lang ng mga nangyari kahapon, andami kong sinabi sa kanya pero ni isang salita walang lumabas sa bibig niya. Tinitigan niya lang ako habang patuloy na umiiyak.

Damn. Did I actually hurt her that much?

"Iho. Come to my office, let me talk to you..."

"..."

"Iho! Are you listening?"

"Ah. Sorry Dad. Yes?"

"Seems like you're not ready yet to take over my place here in this company. You're not even listening to me. You are not focused in your work! I said, let me talk to you at my office I will discuss some important matters..."

"Oh. I'm sorry Dad. I am not just feeling well,today. So..."

"Then take medicine. Tss. Be responsible Rye."

Okay.Palusot ko lang naman na hindi maganda pakiramdam ko eh. Hindi ko lang masabi kay daddy na may iba talaga kong iniisip. Sinundan ko na lang siya sa office niya at kinausap niya ko tungkol sa mga investors ng kumpanya.

"Rye, I want to test you. I want to test you kung marunong kang makipag deal sa mga investors. I want you to meet up with Mr. Jerome Araneta. Mr. Araneta is the owner of the SPGI Gas Company, one of the most successful in the country. We are really lucky that he is interested to invest in our company. So what you just need to do is to have atleast a good talk to him regarding the certaib amount and conditions. Makipagkita ka sa kanya sa Asean Empire sa Monday. I'll text you what time. Alright?"

"Okay Dad. Is that it? I got this."

"That's the spirit, Iho. You know what at stake. Goodluck."

********************

Happy 20k reads. ♡

Thank you readers!!! ♡

Pasensya na po kung medyo mabagal yung UD. Once or twice a week lang po talaga kasi may iba rin akong pinagkakaabalahan. :D

Salamat po sa pag-aantay. Sa mga active readers, salamaaat po talaga. ♡

Vote & Comment.Thank you. ♡

Chapter dedicated to Miss Xhyria. :) Hi ate! Pasensya na kung natagalan yung UD. Pero thank you ateee talaga sa sobra-sobrang support mo dito sa story na 'to. ♡ Ikaw talaga yung consistent sa pagvovote at pagcocomment. :) I am blessed writer indeed to have a reader like you. Thank you so much!!! Keep supporting. ♡

©Goldilovestoread

Fake Words. Real Feelings.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon