36 - Playfulness?

59.8K 532 20
                                    

A month has passed since the Palawan trip. And actually, hindi pa din ako maka-move on. OA lang? Pero seriously, di pa ako nakaka-move on sa mga pangyayari sa Palawan. Parang panaginip lang lahat eh. Gusto ko ngang bumalik ulit kasi nakakamiss.

Bago kami bumalik from Palawan, bumili muna kami ng mga souvenirs ni Damon. As usual, gastos niya. Bumili ako ng tig-iisang shirts para sa mga kaibigan ko, pati na din si Grace at Jenny. Binilhan ko din ang family ko at sarili ko, syempre. Si Damon naman, puro shirts din binili, para naman sa family niya. Yun lang. Wala kasi siyang friends, kung napapansin niyo. Busy kasi masyado, kaya ang kaibigan lang niya talaga ay si Kuya Stephen. Yung mga business partners niya, hindi yun friends.

Nung dumating kami nun sa Manila, naandun kaagad si Alex para sumundo samin. Na-miss ko na din ang Manila pero mas gusto ko sa Palawan. Mas malinis dun eh! Dito sa Manila, ang dumi dumi ng kalsada tapos mausok pa. puro polusyon. Oops! Teka, sorry! Baka magalit si MMDA Chairman Tolentino kasi ako din, binabatikos ko ang Manila tulad ni Dan Brown. Anyway, totoo naman diba?

So ayun na nga, pagdating namin sa condo ni Damon, plakdang plakda na kaagad ako sa kama. Hindi na ako nagshower o nagbihis. Tinanggal ko lang ung sandals ko tapos sabay dapa na sa kama. Pagod na kasi ako. Nakatulog na nga ako e. Kaso naalimpungatan ako nung naramdaman kong hinuhubaran ako ni Damon...

** Flashback **

Teka, ba't ako hinuhubaran nito ni Damon? Gusto ba niya ng...? Naku, I'm tired!!!!!

"Damon, ayoko..." mahina kong sabi.

"Serena, dali na."

I swatted him away. Pero hindi pa din siya tumigil. Nahubad na niya ung pantaas ko. Homaygad!

"Ayoko nga kasi... pagod ako..." Bumuntong hininga naman si Damon. "Hindi nga pwede, wala akong pake kung pagod ka na."

"Ehh! Inaantok na ako. Bukas na lang kasi ng gabi. Promise, kahit buong gabi pa, okay lang!" sigaw ko tapos umikot sa kama para mag-iba ng pwesto.

Bigla namang tumigil si Damon sa paghubad sakin. Tapos narinig ko na lang siyang humahalakhak. What...?

Bumangon tuloy ako para tingnan siya. Tapos tawa lang siya ng tawa. Anyare? "Huy, ba't ka tumatawa?"

Buti naman at tumigil na siya. "You."

Huh? "Ano meron sakin?"

"Did you think that I am asking you for sex?" tanong niya. Tumango ako. Tumawa na naman siya. OHMYGOD! Hindi ba?!

"Shit! Hindi ba?" Umiling naman si Damon. "I was waking you up because I was going to change your clothes. Hindi ka naman pwedeng matulog ng naka-jeans at naka-blouse, hindi ka kumportable nun."

Napa-facepalm ako. Oh god. I'm turning into a pervert!

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now