24 - I...

70.7K 652 16
                                    

Pagkatapos ng ilang ulit namin ni Damon, nagpasya na kaming maligo. Nagsabay na kami maligo dahil gusto naming magtipid ng tubig. Conserve water, shower together! Mabuti na lang wala ng naganap na kababalaghan sa shower. Umagang umaga, ang tindi ng exercise ko. Pero yon na ang the best exercise ever.

Si Damon ang naghanda ng mga susuotin ko ngayong araw. Boyfriend slash stylist ko nga pala siya. Alam niyo kung ano yung hinanda niyang outfit ko for today? One pair of black and red lace underwear, pink blouse na may ruffles sa harap, black na high waist shorts tapos ung boots ko. Sinamahan din niya ng isang beige na trench coat para pang-ibabaw ko. Feeling ko pupunta lang ako ng France at hindi sa work e. At siya, as usual, pogi pa din. Nagsuot lang siya ng white shirt, black coat and black pants, but he's smoking hot. Putek, pinagnanasaan ko na naman si Damon!

"Pwede naman tayong hindi pumasok, Serena mine. Sabihin mo lang." bigla niyang sabi. Huh?

"Bakit naman?" tanong ko.

I saw him smirk at me as he fixed his tie. "Kung makatingin ka sakin, parang gusto mo akong itali sa kama at kainin buong araw."

I felt my cheeks burn with what he said. Damn that hot guy! Napansin pala niya ako! Shunga shunga ko kasi, di marunong magpasimple.

"H-Hindi ah! Tara na nga! Hmmmp!" bulyaw ko sabay kuha ng bag ko at lumabas na ng condo. Narinig ko pa siyang humalakhak mula sa loob. Hayup yon. Pinagti-tripan ako!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagdating namin ng office, lahat ng empleyado nakatingin samin. Halatang curious sila kung ba't sabay na naman kami pumasok. May ibang ngumingiti, may ibang nakasimangot at nagbubulungan. Bahala kayo dyan! Meron ding mga nagsabi ng congratulations kay Damon para sa success ng Au Revoir, na sinagot naman ni Damon ng thank you, tango at ngiti. Halatang naninibago ang lahat sa kanya, dahil nga ngumingiti na siya. Well, well, well. Kudos to me!

Pagkapasok namin ng elevator, wala namang ibang tao maliban sa'min. Salamat naman. I've had enough with the employees sa first floor.

"You know, lahat ng employees naninibago sa'yo." Sabi ko kay Damon. I glanced at him quickly and saw him grinning.

"Yeah, I noticed that. I'm happy with my change, anyway. Thanks to you." I smiled to myself. Yes, yes, thanks to me.

Pagbukas ng elevator sa floor namin, sabay na kaming lumabas at nakitang nakangiti si Grace sa aming dalawa.

"Good morning!" bati ni Grace sa amin. Sinagot ko din siya ng good morning at ngiti, pati si Damon. Nagiging mabait na si Damon sa employees niya, salamat naman.

"Sir Damon! May letter po dito na pinadala from a fashion magazine. Sa inyo po naka-address." Sabi ni Grace. Ooooooh, I can smell fame from this letter! Kinuha ni Damon ang sulat kay Grace at nagpasalamat tapos humarap sa akin.

"Well, this is a good sign." Sabi sakin ni Damon habang nakangiti. Kitang kita sa mukha niya ang saya. "I know."

"Let's get to work." Sabi ulit niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi saka pumasok ng office niya. Hindi na kami magtatago dito noh, alam naman na ni Grace ang meron sa amin ni Damon. Well, hindi naman lahat alam niya.

"Eh di kayo na ang sweet!" asar ni Grace. Tumawa naman ako sa sinabi niya.

"Inggit ka lang!" biro ko.

"Oo na! Ang landi ninyo! Sa harap ko pa talaga!" sabi ulit ni Grace. Ang gago talaga niya eh, noh?

I checked my phone to see if may message or call ba ako, luckily wala naman. Tinurn on ko na din ung PC ko at nagcheck ng e-mails kung meron bang importanteng message. And oooh, meron akong natanggap na message...

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now