13 - Terrified... by an UNEXPECTED VISITOR.

71.9K 709 33
                                    

As usual, kung ano ang sinabi ni Damon sa akin sa office eh ganun ang ginawa namin sa condo. At oo, may sex ulit na kasama. Hindi naman mawawala 'yon. Siya pa?!

Umaga na, actually, at andito na kami sa office. In-explain ko na sa kanya kung sino ba talaga si Grey sa buhay ko. Hindi man niya aminin, alam kong nagseselos siya.

Sinabihan ko si Damon na hindi ako sasama sa kanya ngayon sa kanila, dahil gusto kong mapag-isa. Gusto ko sa condo muna ako, at sa weekends, sa bahay ng parents ko. I want to stay away from him... for now. Kahit paano, gusto kong matuto na wala siya sa tabi ko. Alam ko namang dadating ung araw na 'yun e. Na ako na lang ang matitira dito.

The day passed and andito na ako sa condo. Nagpadeliver na lang ako ng heavy dinner meal sa Chowking dahil tinatamad na ako magluto at ang alam ko, wala ng stock ng groceries sa kitchen. Hmm.. siguro bukas maggrocery na ako.

Nagbihis ako ng pambahay kong damit, sabay naman na dumating ang pagkain ko kaya mabilis akong naghanda ng dinner. Madami akong in-order pero wala lang 'to sakin. Matakaw ako, pero never akong tumaba. Ewan ba.

Bigla kong naisip si Jayson... ung huli kong boyfriend bago kay Damon. I thought he was the ONE. Akala ko siya na yung para sa akin, habambuhay. Naging kami for two and a half year, at nagsimula kami nung andito pa si Grey sa Pilipinas. Nung mga magda-dalawang taon na kami, at saktong wala na si Grey dahil nasa France siya, everything screwed up.

Sa tuwing magpa-plan kami ng date, ica-cancel niya 'yon on the day itself. I will always be left hanging. Ilang beses nangyayari yon. Grey kept on telling me, whether sa phone o personal, na hiwalayan ko na. I don't want to, mahal ko eh. I kept holding on, at bigla na lang talaga akong bumitaw nung nakita ko siyang may kasamang iba sa condo niya. I thought the girl was just a friend or relative, pero nung biglang nagkiss, naghubaran... I already knew.

As soon as possible, I broke up with him. No questions. He didn't want to, ayaw niya akong i-let go. Pero ayoko na. Pagod na rin ako sa mga kagaguhan na ginawa niya saken. And all this time, he was screwing someone behind me?!

I focused my attention to my work. Puro ako trabaho. Pati nga si Mommy, nag-aalala sa akin until now dahil bakit daw hindi ako nagpapahinga. Hind ko sila kinakausap ng matino. Kakausapin ko lang sila if it's important. Ni hindi na din ako bumibisita sa bahay. I don't want to face them. Alam kong alam nila ang pinagdaanan ko. At ang pamilya ko, kahit sila pa ang tanging sasandalan ko, alam kong hindi nila mapipigilang maghigpit sakin. Kaya nilayo ko ang sarili ko sa kanila.

Pero nung dumating si Damon Henry sa buhay ko, everything went right. I know it was supposed to be different because when he came, I am tasked to serve him as a secretary. Pero hindi pala. Ako, secretary na ka-relasyon niya. Ewan ko ba, until now, I can't figure out why the hell did I agree to him. Siguro out of frustration, kaya ganun. O siguro, I just felt alone...

I gave my virginity to Damon. Alam kong walang feelings na namamagitan sa aming dalawa except sa lust, pero what can I do. Na-fall ako. Eh dahil wala namang sumalo sa akin, ayon, bumagsak ako sa floor. Kawawa naman ako. Lagi na lang akong nasasaktan.

Will I ever get my happiness? Will I ever find my better half? When will I ever think that I am not alone forever? Sana nga dumating yung panahon na hindi na ako makakaramdam ng need of affection. Naaawa na rin ako sa sarili ko. Sometimes, I feel like crying. Iniisip ko kasi, magkakagusto na nga lang ako sa isang lalaki, SA MALING TAO PA. Ganun ba talaga ang pag-ibig? Wala ng katinuan? Hay.

I am terrified of what will happen to me and Damon... alam ko naman na walang happy ending rito. Sino man ang magsabi na magiging happy ending kami, ILILIBRE KO TALAGA!

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now