25 - Kiss Me.

55K 575 17
                                    

Nagising ako dahil ang sakit ng ulo ko. Ugh. Hangover! Ito lang ang ayoko kapag nalalasing ako. Wednesday pa lang, kaya may work ngayon.

Bumangon ako sa kama ng dahan dahan dahil feeling ko, bawat galaw ko e lalong sumasakit ung ulo ko. Napansin ko lang din na wala na pala akong suot na kahit ano. Di ko matandaan kung may nangyari ba sa'min kagabi o wala. Hindi ko na matandaan kung pa'no kami nakauwi. Ang natatandaan ko lang na huli ay nagpaalam kami ni Damon sa mga kaibigan ko.

Napansin ko ang dalawang capsule ng Advil sa bedside table, tubig at post-it note na may nakalagay na: Good morning. Di na kita ginising, I know you have a hangover. x Damon

Ininom ko na ung gamot at medyo nawala kahit onti ang hangover ko. Buti na lang. Asan kaya si Damon? Pumasok na kaya siya? Naku, kung oo, absent ako. Ugh. Kahiya! Nagsuot muna ako ng silk robe ko, nagtoothbrush at hilamos, tapos tumungo na ng kitchen. Ehhhhhhhh? Andito pa si Damon?

Nagbabasa siya ng newspaper ng madatnan ko siya. Siguro naramdaman niya ang presence ko kaya binaba niya ung dyaryo at tiningnan ako sabay ngumiti ng pagkalaki laki. Huh?

"Good morning, Serena mine. Have a seat. Let's eat our breakfast." Aya ni Damon. Naupo naman ako sa harap na upuan at tiningnan lang siya.

"May sakit ka ba? Last time I checked, ako lang ung may hangover." Mahinang sabi ko.

"I'm perfectly fine. Why?" I shrugged. "Nasa good mood ka e. what time tayo papasok? 10am na." sabi ko habang nagsasandok ng fried rice sa plato ko.

"Hmmm... di na lang tayo papasok." Sagot niya at nagsandok din ng fried rice sa plato niya pagtapos ko. Kumuha naman ako ng bacon at hotdog saka nagtanong ulit.

"Bakit naman? Dapat pumasok ka. Mag-absent na lang ako ngayon." Sabi ko sabay kain.

Kumain muna siya ng mga tatlong kutsara saka nagsalita. "No. You have a hangover, so I'll stay here. I'll look after you." Muntik na akong mapabuga ng pagkain nung sumagot siya. Inabot naman niya sakin ung tubig at lumagok ako ng sobrang dami.

"Di na ako bata, Damon. I can handle myself."

Tumigil si Damon sa pagkuha ng pagkain at tiningnan ako. "Whatever you say, Serena. But I will stay here, whether you like it or not. End of."

Hindi na ako nakipag-argumento. Remember? I can't win an argument against the God.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos namin kumain, magligpit at maligo (hindi kami nagsabay, take note), nagpahinga na lang kami sa sala. Di kami nanunuod ng TV, nagpapatugtog lang si Damon ng music. Alam niyo kung ano ang tumutugtog ngayon? Run by Snow Patrol. Parang may pinapahiwatig, ah.

"Do you remember anything from last night?" bigla niyang tanong. Pinilit kong alalahanin ung mga nangyari...

"I can only remember hanggang sa part na nagpaalam tayo kila D... tapos di ko na alam ang sunod. Di ko nga alam kung paano ako napunta sa kama mo e." sagot ko naman. Narinig ko siyang huminga ng malalim.

"Wala talaga, as in?" Nilingon ko siya. "Wala talaga. Eh di sana naalala ko na 'yun."

Bumuntong hininga siya. Ano bang meron? Oh my gahd! Baka nagsuka ako?! Nooooooooooo!!!!!

"SHIT, SUMUKA AKO?!" sigaw ko sa kanya. damon flinched when I shouted. Lakas ng boses ko e. Umiling naman siya. Eh ano?!

Isip isip...

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now