16 - Cliffhangers.

61.7K 626 9
                                    

Lumabas si Damon ng office niya at derechong punta sa desk ko. Wala siyang sinabi, tinitigan lang niya ako, alam ko naman na ang ibig sabihin nun. Tumayo na ako at kinuha ung purse ko, kasama ung phone ko at naunang maglakad.

"Grace, take all my calls. We will be out for awhile. You can have your lunch if you want. Anyway, there's nothing to work on today. Just make sure about the invitations for Sunday."bilin niya kay Grace saka sumunod sa akin sa elevator. Saktong dating niya, bumukas ito. Okay, awkward.

"Are you going to continue ignoring me?" biglang tanong ni Damon. Napatingin ako sa kanya pero bumalik din ang paningin ko sa pinto ng elevator. Pasimple akong nagdarasal na sana bumukas na. Pero malayo pa e, kami ung nasa tuktok na floor. Ilang floors pa yung dadaanan.

"Yes." Tipid kong sagot. Magmamatigas talaga ako sayo, Damon Henry.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. Hindi ko alam kung magsisisi ba ko dito sa ginagawa ko o I will continue standing on my ground. Naku, bahala na.

Buti na lang at bumukas na ang pinto... sa parking lot. Ah, so ung kotse na naman niya ung gagamitin namin. Sabagay, siya ung naghatid sakin kanina kaya wala akong sasakyan na dala. Ang sarap ding pasabugin ng kotse ko e, walang silbi. Buti di pa nabubulok ung makina nun.

Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse para sumakay ako sa loob. Atleast gentleman pa din siya kahit ganito ang sitwasyon naming dalawa ngayon. Naku, Serena Yvonne Aguilar. Wag kang manlalambot dyan sa lalaking yan!

"Where are we going?" tanong ko nung nakasakay na si Damon sa driver's seat. "To my condo. Doon tayo mag-uusap sa ayaw at sa gusto mo." Sagot niya saka pinaharurot ung kotse. Grabe ha, mamamatay ata ako ng maaga dahil sa kanya eh! Ambilis magpatakbo!

"Bakit doon? Akala ko ba kakain lang tayo ng lunch?!" Tumingin siya sakin at biglang balik din ng paningin sa daan. "Doon tayo kakain sa condo ko. May problema ba?"

"Oo. Bakit kelangan nasa private tayong lugar? We can eat in a fancy restaurant, and you could ask them to give us a table that will have enough privacy for us! Ano ba!" away ko sa kanya.

Biglang nag-brake ang kotse at tumingin siya sakin. Oh no, there's fire in his eyes. "Whether you like it or not, doon tayo sa condo ko. And if I need to bring you there by carrying you on my shoulder, I will do it. Do not test me."

Nanahimik ako. Hindi ko na siya aawayin, sige na. Mamaya na lang. alam ko namang madami siyang itatanong sa akin pagdating namin doon. Baka nga gamitin pa niya ang sex para lang pagsalitain ako. Eh syempre, doon siya magaling. That's the only way he knows!

Dumating kami sa condo niya. Sinundan ko lang siya ng sinundan, walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakakabingi na ung silence na meron kami. Hay. Kasalanan ko 'to eh. Pero may kasalanan din naman siya ah! Basta, pareho kaming may kasalanan dito, di lang naman ako e.

Pagpasok namin sa condo, humarap siya sakin tapos hinagod ng kamay niya ung buhok niya. Ito na ung moment of truth. Pakipatay nga ho ung ilaw at ilabas ang spotlight at itapat yon sa akin.

"Are you hungry?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko. Wow, concerned pa rin pala siya kahit galit siya ha. Dagdag points yan kahit paano. Patience is a virtue!

"Dahil sa'yo, nawalan na ako ng gana kumain. Ano bang ginagawa natin dito ha, Damon?"

"We're here to talk."

"Ano pang pag-uusapan natin? Wala namang problema ah?"

"Meron, Serena. Meron! Ano yung mga dinadaing mo sa akin sa telepono, na I made you feel like you're a whore? That you're just a sex partner and only a sex partner to me? Hindi ba 'yon problema, Serena?" tanong ni Damon na parang galit na naguguluhan.

"No, it's not a problem. Alam mo ba kung ano yon? Yun ung katotohanan. News flash, Damon! Ikaw mismo ang nagsabi na kung wala ako, wala ng magsa-satisfy ng needs mo. Bakit? Kasi nga, ako 'tong laging ka-sex mo, don't you get my point?! Nakakairita ka na talaga!!!!!!" sigaw ko sa kanya.

"Of course, ikaw lang ang ka-sex ko! Would you like me to have an affair while I'm with you? Of course not. You're just the only one who's thinking that you are some kind of a whore."

"Hindi eh. Hindi ganun ung nararamdaman ko. Teka nga, pupunta lang ako ng kitchen. Nauuhaw na talaga ako. Nakaka-dehydrate ka kausap. Hindi ko alam kung ako ba ung may kasalanan o ikaw o pareho tayo! Ugh!" bulyaw ko sabay lakad papuntang kitchen para kumuha ng malamig na malamig na tubig. Narinig ko naman ang footsteps niya, ibig sabihin sinundan niya ako. Pagkainom ko ng tubig, umikot ako at pumwesto sa gitna ng kitchen island habang siya, nasa kabila ng kitchen island. Okay mukha kaming nasa isang matinding negosasyon. Teka, ganun nga ung ginagawa naming dalawa.

"You're really hotheaded right now, Serena."

"Yeah, and it is because of you. My anger level is at 50, and I just want to let it out!"

"Look, can you please listen to me? Narinig ko na ang side mo." Tumango ako. Baka sakaling makabuluhan naman ung explanation niya eh. "I don't see you as a whore, or a slut, or whatever you can call it. And you will never be one to me. Hindi lang kita sex partner. Paano mo nasabing sex lang ang habol ko sayo? I'm not that kind of guy. Whenever we're together, hindi lang naman yon ang gusto ko. Like yesterday, we didn't have sex even though we're together. I was there because I want to take care of you."

Okay. I'm speechless.

"So please, stop thinking that I am treating you as a whore. Hindi ka ganun, okay? You're more than that. Actually, better than that. I'm sorry if I made you think that way. I know it is my fault and I apologize."

Fuck. Naiiyak ako sa sinabi niya kaya yumuko ako. What the hell? Kanina lang galit na galit ako sa kanya pero ngayon, wala na lahat dahil sa sinabi niya saken. Napabuntong hininga ako tapos naiiyak na tumingin sa kanya.

"Halika nga dito!" sigaw ko. Lumapit naman si Damon sakin at niyakap ko siya. Di ko mapigilan e. masyado akong na-touch sa sinabi niya. And he even apologized to me. I took him by surprise nung niyakap ko siya kaya mga five seconds pa bago niya rin ako niyakap. Di siguro nagsink in kaagad na niyakap ko siya.

"T-Thank you..." bulong ko sa kanya habang umiiyak. Hinawakan niya ung pisngi ko tapos pumiglas sa yakap ko para tingnan ako.

"Hey, why are you crying?" mahina niyang tanong. "I'm sorry for being an arse."

Ngumiti si Damon tapos pinunasan ung luha ko. "And thank you... for making me feel special..." bulong ko.

"You deserve to be special. Now, stop crying..." sabi ni Damon tapos niyakap ako ulit.

Matagal din kaming magkayakap sa kusina. Para lang kaming nasa soap opera, actually. O diba, nagbati na rin kami. Ang kulit lang naming dalawa e. away-bati. Di ko nga inakala na mabilis lang e. pasensya na, mahal ko si Damon, di ko kayang magalit ng matagal sa kanya.

I was comfortable resting in his arms when he whispered something in my ear that made me shiver all over...

"Oh, Serena mine? I forgot to tell you that because of you being an arse...

You'll be punished."

**

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now