31 - Crazy.

50.5K 517 11
                                    

Nauna akong nagising kay Damon. Masyadong napagod? Kinuha ko ang shirt niya at sinuot yon saka pumunta sa kitchen para maghanda ng almusal. I decided to cook some omelette, fried rice and corned beef. Nagtimpla na rin ako ng pineapple juice at kape ni Damon. Sakto naman at dumating na siya, suot lang ang pajama niya. Oh, goodness. Pwedeng siya na lang ang almusal ko?

"Good morning!" bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya at lumapit sakin para halikan ako.

"Good morning, baby. Anong hinanda mong breakfast?" tanong niya. Umupo naman si Damon sa dining chair kung saan hinanda ko ung almusal. "Fried rice, corned beef and omelette." Sagot ko. umupo na rin ako sa upuan sa kaliwa ni Damon at naghanda na ng pagkain.

"So, kelan ung Palawan trip natin?" tanong ko. Excited kasi ako!

"This Friday until Sunday. Don't worry, we're on leave already, pati na si Grace." Sagot naman ni Damon. Mabuti naman, para makapagpahinga si Grace.

"Hmm... okay. Thank you for the surprise. I love it." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Stop thanking me. It's my obligation."

I blushed then continued eating. Naku, kung nakaka-cancer lang ang kilig, siguro ako ang unang tao na aabot sa stage 100! Masyadong malala ito. Isisi lahat kay Damon!

Natapos kaming kumain at naligo para pumasok na sa opisina. Last day na namin ito ngayong linggo sa office dahil nga sa Friday, or bukas na nga pala, ang byahe namin papuntang Palawan. Excited na excited ako dahil first time ko lang makakapunta doon. Gustong gusto ko talaga pumunta sa Underground River! At makita ung mala-cherry blossoms na puno.

Pagdating namin sa office, we both started working. May mga nagsisipuntahan na mga empleyado sa office ni Damon dahil nagre-report sila ng sales at mga kung anu-ano pa. Ako naman, dahil ang ginagawa ko lang naman ay taga-entertain ng calls at appointments ni Damon, ay nagtext muna sa mga kaibigan ko.

Hello guys! What's up? I have a good news, well, for me. Hihi. Damon and I will be in Palawan this Friday to Sunday! :D Surprise gift niya sakin last night. Gosh, ako na ang kinikilig. S x

Hindi ako kaagad nakatanggap ng reply mula sa kanila kaya nagtrabaho na uli ako. Ano kayang mga ginagawa nung mga yon at hindi nila ako nire-replyan? Tanghali na rin naman na e. Siguro busy sa work yung mga yun. Tsk!

At dahil tanghali na nga, napagdesisyunan kong puntahan na si Damon at ayain siyang maglunch. Ngayon lang uli kami mag-uusap ng matino dahil kanina puro tungkol sa work ung topic namin. This is the only time we can both unwind. Pagpasok ko sa office niya, may kausap siya sa phone habang may mga pinipirmahan na dokumento. Ugh, hindi pa pala siya tapos dun.

Hindi niya ata ako napansing pumasok kaya tumayo lang ako sa tapat ng desk niya, naghihintay na matapos ung mga gawain niya. Sakto naman at nag-end na ung call, at nagulat siya ng makita ako. Di nga niya ako talaga nakita.

"Lunch?" sabi ko. Bumuntong hininga naman siya.

"I would love to, Serena mine, but I can't. I still have to finish all of these." Sagot niya. Ngumiti naman ako. I understand him naman.

"Sige. I'll just bring you some food pagbalik ko." Ngumiti naman siya. "Thank you."

"You're welcome. Sige, kakain lang ako. Ano pala ang gusto mong kainin?" Bigla naman siyang ngumiti ng pilyo. "Pwedeng ikaw na lang?"

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now