8 - Is It Okay If I Call You Mine?

82.4K 861 25
                                    

PAGKASABI ko na sasama ako sa kanya, a fire lit up in his eyes. Niyakap niya ako nang mahigpit at naramdaman ko ang ngiti niya mula sa leeg ko.

"C'mon. Let's get going," bigla niyang sabi. Inalalayan niya ako tumayo at sumunod siya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya saka hinalikan. Naramdaman ko na namula ang mga pisngi ko kaya yumuko ako nang bahagya. Bigla naman niyang inangat ang mukha ko.

"I love it when you blush. Don't hide it. You're beautiful."

Lumabas kaming dalawa pero hindi na niya hawak ang kamay ko. Nalungkot ako syempre kasi nakakaramdam ako ng comfort pag hawak niya ako. Pero naintindihan ko naman. Syempre, si Grace, baka makita o mahalata niya kaming dalawa. Mahirap na, 'di ba?

Nakatingin lang samin si Grace nang lumabas kami. Ngumiti na lang kami nang sabay ni Damon. Pumunta na ako sa station ko tapos kinuha ang gamit ko. Isang shoulder bag lang naman ang dala dala ko. Binalikan ko na si Damon sa kinatatayuan niya at nakangiti lang siya sa'kin. Napansin ko naman si Grace na nagtataka sa nangyayari.

"Grace, magha-half day lang ako, as well as Serena. Cancel all my appointments today. You can go home early if you want. Thanks," utos ni Damon kay Grace na tumango naman kahit hindi niya na-gets kung bakit nag-utos ng ganoon si Damon. 

Eh Grace, kung alam mo lang... dahil sa akin 'yon.

Inalalayan ako ni Damon papunta sa elevator. Lumingon ako kay Grace at nakita siyang nagbigay sakin ng "What's happening?!" look. Ngumiti na lang ako para i-assure siya na okay ako. Sakto pagdating namin sa elevator ni Damon, nagbukas ito. Pumasok na kaming dalawa at naghintay bumaba sa parking. Hawak na niya ang kamay ko and I felt his thumb scraping my knuckles.

Buti na lang at nagbukas na ulit kaya lumabas na kaming dalawa. Naglakad kami papunta sa kotse niya at nagulat na lang ako sa kotseng pagmamay-ari niya. Isang Audi R8.

Pinagbuksan niya ako ng car door kaya pumasok na ko sa loob. Umikot naman siya para sumakay na rin. Ini-start na niya ang engine, at ang roar ng sasakyan... parang huni ng ibon sa aking tenga kaya napapikit ako at ngumiti. Narinig ko naman siyang natawa nang mahina kaya dumilat ako at tumingin sa kanya. Nahuli ko siyang nakangisi sa'kin.

"What?" tanong ko. "You."

"What's with me?" 

Umiling siya. "Your reaction about the roar of my engine. Ba't ganoon?"

Napangiti ako. "You know, I've always loved cars. And your car, this Audi R8 I'm riding in, is one of the super awesome cars I wanna buy. Kaso di ako bumibili kahit afford ko, kasi nanghihinayang ako sa Toyota Vios ko."

Nakita ko siyang tumango at humarap na sa manibela. "Maybe some time, I'll let you drive this one. Or maybe, buy you one," bigla niyang sabi at pinaharurot na ang sasakyan. 

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Okay lang 'yung ipapagamit niya sa akin pero bibilhan niya ako?! Ang galante!

Dumerecho kami sa Rockwell para mamili ng damit. As expected, doon niya ako dinadala sa mga mamahalin at branded clothes. Ayoko namang bilhan niya ako ng ganito pero ayaw niyang kumontra ako kaya wala na akong choice.

Binilhan niya ako ng 3 evening gowns. Kulay blue na halter, kulay red na strapless Serpentina cut ang itsura, at kulay gray na venus cut. Ang ganda ng mga pinili niya. Maganda ang fashion sense niya, in fairness. Nasanay na siguro 'to sa mga previous relationships niya.

Bumili rin kami ng maraming sapatos. May boots, pumps, stilettos, doll shoes, flats, wedges, pati tsinelas. Mahal na naman, as expected. Bumili rin kami ng mga damit pero hindi gaano karami. Tinanong ko siya kung bakit hindi madami. Ang sagot lang niya ay, "When you're with me in my place, you don't really need to wear anything... because we'll just stay in bed."

His Naughty Proposal [COMPLETE]Where stories live. Discover now