XXXI- We Will Overcome

3.1K 114 48
                                    

Maggie POV

Many miracles and wonders were being done through the apostles and everyone was filled with awe. - Acts 2:43

My life indeed is a miracle and I will be forever in awe of God's amazing grace and overflowing love for everyone.

Today, as I turned 22, alam kong napakarami nang nagbago sa buhay ko.

Ako pa rin naman ang Maggie na malakas kumain at may pag-aalinlangan minsan sa buhay pero mas na feel ko na ako na ang Maggie na kakayanin ang lahat ng problemang darating sa buhay ko.  Parang naranasan ko na ang lahat kaya pinanday na ako ng experiences ko at alam kong anuman ang dumating kasama ko ang Diyos na di ako pinabayaan.

Hindi naging madali ang iwan ang Pilipinas para hanapin ang kapalaran sa ibang bansa pero ginawa ko dahil gusto kong matupad ang mga pangarap namin nina nanay at tatay.

And God used a lot of people to help me through this lalo at nakakalungkot dito sa Dubai. Marami ngang magagandang mall at naglalakihang gusali pero minsan nagigising pa rin akong pakiramdam ko, isa akong batang nawawala sa malawak na mundo. Walang kamag-anak o personal na kakilala.

The first few months were hard especially that it was an adjustment period. Umiiyak din ako gabi-gabi lalo at naalala ko ang mga masasayang araw noong nasa Pilipinas pa ako. Mabuti na lang na sina Lucy at David, never nilang pinadama na mag-isa ako sa araw araw na exchange of messages namin sa Facebook pero iba pa rin kapag may personal kang nakakausap, nakakakwentuhan at nasasabihan ng mga kung anu-anong bagay.

"Ghang, I know you will be here hindi ka pa ba matutulog? Malamig. Baka magkasakit ka."

I knew it. My Ate Naina will find me. After kasi ng birthday celebration ko kanina kasama ang kapwa ko OFWs, I went straight to the park where I usually go when I feel overly sad or overly happy. And today, I am overly happy.

There are so many things to be thankful for, including an extension sa contract ko dito sa Dubai. Sa biyaya ng Diyos, gustung gusto ako ng mga amo ko. Ayaw ko nga sanang mag-extend pero I think there is a need to do so. Kasi gusto ko pagtapos ko na ang BS Tourism, meron na akong puhunan para mag start ng sarili kong travel agency. Nakapag-adjust na rin naman ako dito kaya palagay ko, kakayanin ko pa ang mag stay dito ng isa pang taon.

Nakilala ko si Ate Naina sa isang mall dito sa Dubai. Hanga nga ako dito kay Ate Naina, napakfriendly kasi masyado. Akalain niyo ba namang habulin ako sa loob ng mall kasi ang sabi niya sa akin, napansin niya raw na isa akong Pilipina at pakiramdam niya raw eh nakita niya ang nakababatang kapatid niysa na nasa Iloilo.

Noong una nga, di ako komportableng makipagkaibigan sa kanya kasi nahihiya ako, pero eventually, siya ang naging sandigan ko dito sa Dubai. She calls me Ghang na ang ibig sabihin sa Iloilo ay nakababatang kapatid.

"Something's bothering you Ghang?"

"Hindi ko kasi alam ate kung paano ko sasabihin kay David eh. Di ko kasi nasabi kanina nung tumawag siya na extended ang contract ko."

"Ah. Ganoon ba? Di ba ang sabi mo sa akin, you prayed about it na rin?"---Ito pa ang gusto ko kay Ate Naina. Dahil sa kanya, mas lalo ring lumalim ang faith ko kay Lord. Kahanga-hanga kasi tong si ate. Mas marami pa siyang pagsubok na pinagdaanan pero matatag siya. Kaya ng idol ko to eh.

"Oo ate. Pero feeling ko magagalit si David. Kasi di ba, two years lang dapat?"

"Ghang, ang love, patient yan. Kung talagang mahal ka niya, maghihintay yan."

"Pero ate, bakit sa amin nung first love ko, yung kay Brian. Di ba nakwento ko yun sa yo. Ang tagal naming naghintay sa isa't isa, pero wala namang nangyari."

"Kasi di nga kayo para sa isa't isa. Dahil para ka kay David."

"Paano mo naman yun nasabi ate?"

"Ghang, ikaw kaya ang may sabi nun sa akin. Inuulit ko lang yung sinabi mo noon."

"Ate naman."

"Biro lang. Basta ihanda mo lang ang puso mo kung anong magiging reaksyon ni David. And decide. Kung talaga kayo para sa isa't isa, magiging kayo."

"Salamat ate. You always make me feel better. I am glad I've met you."

"Ako rin Ghang. Sa totoo lang, you also make me happy. Pinagagaan mo ang araw ko."

"Anong ako, baka ikaw."

"Hindi, ikaw kaya."

"Ikaw ate."

"Ay naku Ghang, nagkakabolahan na tayo nito. Umuwi na tayo at baka hinahanap na tayo ng mga amo natin. Isa pa, magbabasa pa ako ng bagong story ni Anjsmykynze. Love story na ng mga anak nina Kaz at Vivienne at Stuart at Patricia."

"Addict ka pa rin talaga ate sa wattpad."

"Naman."

"Ate, Thank you ha. Siguro I'd call him later. Para gumaan na rin tong pakiramdam ko."

***

David POV

"Oppa. Andyan ka pa ba? Naririnig mo pa ba ako?"

"Oo."

"Bakit tahimik ka diyan. Bakit di ka nagsasalita?"

Excited akong sagutin kanina ang call ni Maggie sa facebook messenger. Gusto ko ulit siyang tawagan kanina pero di ko na ginawa kasi alam kong pagod na siya at kanina eh magkausap na rin kami. Excited lang akong lagi ko siyang nakakausap. We can talk anything and everything.  Pero nang sabihin niyang she is planning on extending her contract ng one more year, hindi ako nakapagsalita.

I've waited for two years and yes, I really look forward to the day of welcoming her back pero hindi pala yun mangyayari. Ang dami  ko pa namang plano. I planned to propose to her kasi alam ko namang siya na ang para sa akin pero hindi pala yun mangyayari, kasi habang nagplaplano ako ng future naming together, may iba pa pala siyang plano sa buhay niya. Nasaktan ako kasi ngayon niya lang sinabi at nag sign na siya ng kontrata. Ano pa bang magagawa ko di ba?

"Oppa. Talk to me."

"Masama lang ang loob ko Maggie. Im just being honest with what I feel. Im sorry. Bukas okay na ko."

"Oppa naman."

"Mahal lang talaga kita kaya gustung gusto kitang makita. Pero you made your decision without consulting me."

"Oppa, I've prayed about this. And na feel ko naman na God is telling me to do this. That He is okay with this."

"I know."

"Yun pala eh. Smile ka na Oppa."

"How can I smile when I know that it will take another 365 days of waiting?"

Narinig kong huminga ng malalim si Maggie at maya-maya pa eh she made me smile when she started to sing:

                        God gave me you, to show me what's real

                        There's more to life than just what I feel.

"Oh.. Tumatawa ka na. Alam ko wala ako sa tono."

"Alam mo naman pala eh bakit kumakanta ka pa?"

"So ayaw mo nang marinig ang boses ko?!"

"Maggie."

"Oh?"

-

-

-

-

-

"Will you marry me?!"

Yes. Ayoko na siyang pakawalan pa. I wanted to be engaged with her and marry her the soonest.

----------------

Naks! Sir David! Ikaw na. Di ka makahintay no? Nasa Dubai nga yung tao tapos ikaw lets get married ang peg? Naks! Ikaw na.

Hello There, DavidWhere stories live. Discover now