VII-Good Morning Sunshine

7.9K 227 152
                                    

Maggie POV

Alam niyo ba yung feeling na konting-konti na lang as in ilang inches na lang mapapasaakin na yung blueberry cheesecake pero bigla na lang mawawala kasi panaginip lang pala ang lahat? At wala talaga ako sa loob ng isang Dessert House Buffet dahil ang totoo, nasa loob ako ng isang ospital at nagising sa kwentuhan nina Lucy at ng dalawang lalaking kausap niya.

Pero wait.

-

-

-

-

Teka Lang. paanong mangyayaring....

-

-

-

-

-

Seryoso ba to? As in....

-

-

-

-

-

Oh no. Di nila dapat mahalata na gising na ko. Bakit magkasama sina Brian at Sir? Di ako pwedeng magkamali. Si Brian lang ang lalaking kilala ko na may magandang dimple bukod kay Alden Richards. At kahit matagal na kaming di nagkikita, alam ng puso kong siya si Brian. At si sir, yung singkit niyang mga mata na kulay kape, siya lang ang una kong Koreanong nakilala na nakausap ko ng malapitan, kaya di ako pwedeng magkamali. Yung mga titig niya sa akin nung nagdate kami, DATE yun kasi kumain kami sa magandang restaurant at dalawa lang kami, eh di talagang maikakailang siya ang nandito sa ospital. Wala ng iba.. si Sir David Kang nga..

Wag mong sabihing magkaibigan sila. Patay na ko talaga.

"He was actually the first Filipino friend that I have and because of him, I have come to love Tagalog." - Si Sir David nagkwekwento tungkol kay Brian. Teka lang Akala ko ba sa Japan pumunta si Brian after high school grad, eh Koreano si sir David. Hmmmm... Niloko niya ko.

"He helped me with my English too and we are the best of buddies. I could not imagine college life without Brian," papuri ni Sir David kay Brian.

Well Talaga namang mabuting tao si Brian. Kahit noon pa. Naalala ko tuloy nung bago pa lang ako sa school namin, si Brian ang una kong naging kaibigan. Paano ba naman, lalampa-lampa ako nun, medyo nabu-bully rin. There was this one time na sinadya akong patamaan ng bola ng mga schoolmate ko and he came to the rescue. He covered his body just like superman. Wow. Feeling ko nun ang haba ng buhok ko. From then on, I promised myself, I will be strong para pareho kaming malakas ng superman ko.

"Pare, I won't have survived college without you either. You introduced me to triathlon and it made college really fun! Im pretty sure youll enjoy when we get to CamSur."---- Okay. Sige kayo na ang true friends. Kayo na ang may alam ng likes at dislikes ng isa't isa...

Oh.. No.. di kaya? Di kaya sila? Ang gwapo pa naman nila pareho, Oh my.. sayang naman.. Sinuko ko si Brian para lang siya mapunta sa isang Koreano. Paano na si Bestfriend? Paano na ako?

"Teka lang di ba tayo pwedeng mag-usap ng Tagalog na lang. Total naman David you know how to speak Tagalog at ikaw naman Brian, Pinoy ka." --- si Best Lucy, nakakatuwa talaga. Oo nga naman bakit ba English yung usapan di ba? Buti na lang di bigatin yung mga words nila, kung di, baka kinailangan ko pa ng dictionary.

Bluuuuuup... Bluuuuuppppp...

Sorry. Sorry naman. Yan ang tunog Ng tiyan kong gutom. Hahahaha. Gutom na nga ako. Ilang araw na ba kong di kumakain mula nang mahimatay ako?! Bakit ba kasi ako nahimatay? Sobrang gutom? Katakawan ganun? Can somebody tell me?!

"Parang gutom na si best. Kawawa naman di siya makakain. Mahigit apat na araw na rin." Ganun na pala ko katagal dito sa ospital? Eh kung pinapaalis mo na kaya best ang dalawang lalaking yan? Di ba? Di pwede ko ng imulat ang mata KO? Gutom na KO. Kailangan ko ng kumain dahil mamatay na ko sa gutom! Promise!

Bakit ba kasi sila magkasama at paano nila nalaman na andito ako sa ospital?

"Ahm.. David, I think you better keep going. Just tell our friends that I have to attend to something important. I mean, someone important." --- kilig overload hanngang ngayon napakacaring pa rin ni Brian. Oh puso KO wag kang magtatatalon. Kalma lang. Kalma..

"I don't think so. Your friend happens to be my employee and I have to take care of her too. So I am staying." --- Ako na. Ako na ang may long hair. Hahhahaha. pati si Sir concern sa akin. Wow. Pero paano na?

Di pa ko handang makausap ulit si Brian. Ayokong sumbatan niya ko. Ayokong tanungin niya ko ng tunay kong nararamdaman, dahil ang sinisigaw ng puso ko ay siya pa rin.. Si Brian lang.. Oh... Please...

Best, please help me. Please.

"Naku, di matutuwa si best sa ganyan. Dahil sa kanya, you will not be able to go to your outing. I know best would like you to enjoy."---- ang galling ni Best! Nababasa niya ang isip ko kahit tulog ako.. hehehehe. Ganyan kami kaclose ni best.

"Pero kailangan naming mag-usap Lucy. Ang dami kong dapat sabihin sa kanya."--- Si Brian parang nagmamakaawa. Ano ba yan!? Brian, wag mo kaming pag-awayin ng best ko. Please.

"Don't worry. I will update you from time to time. I have your number."--- galingan mo pa best. Galingan mo pang magdahilan. Please!

"Ahmm.. Ibigay mo na lang kaya ang number niya sa kin? Pwede ba yun? Para di na ko magworry at maenjoy naming ang outing naming?"

"Naku, ayaw na ayaw ni best na pinamimigay ang number niya. Ako na lang ang ko-contact sa yo."

"Wait.. I have a solution to this. Total, I am Maggie's boss, I should have your contact number Lucy and Maggie's number too. So that I will be updated. I will then update you Brian of the happenings with Maggie and maybe, when she's well, I'll ask her if I could give her number to you. What do you think?"--- Ano raw sabi ni Sir? Di ko gets?

"It's the same thing David."

"No its not. She was supposed to report to me last time but she didn't come. She was not able to fill out the employee profile sheet. I need to get in touch with her because any time soon, we will be dealing with our clients."

"May point ka David. Okay.. sige.. Here is Maggie's number."

Seryoso!? Binigay ni Best yung number ko kay David? Nagtiwala siya agad kahit na first time pa lang niyang nakilala yung boss ko? Kung sabagay, addict nga pala to sa Korean drama kaya palagay ko, na-inlove na agad agad tong si Lucy.. Kung ganun, mas maganda, kasi sila na lang ni David at kami na lang ni Brian.

"Maggie, I will be back. Please, please, get well soon."---- Muntik na kong sumigaw sa pagkakahawak ni Brian sa kamay ko.. Kailangan talagang pisilin eh pwede namang tapikin na lang..

"Wag mong masyadong pisilin ang kamay ni Best. Baka mabinat."--- Oh no.. Si Best.. Wag kang magalit please. Di ko alam na gagawin niya to. Promise!

"Maggie, I will pray for your healing. I know God performs miracles. I believe He can make you better."---- As in? Sa kabilang kamay ko, si Brian ang nakahawak, sa kabila naman si David. Si David? He believes in God and he will pray for my healing. Hmmmm...

-----------------------------

Read Hello There David any time, anywhere! Order your printed copy via https://www.materica.store/collections/new-releases/products/hello-there-david

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon