XXV- I Love You Goodbye

3.4K 104 84
                                    

                 

Maggie POV

"Is this really goodbye for us Maggie? After all these years of waiting? of hoping? Of wanting to be with you?"

I know Brian is trying to control his tears as much as I am trying to control mine. It's hard to ask for a space pero palagay ko yun yung best for both of us.

I realized na hindi ko na siya ganoon kamahal. Wala na yung spark na nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero kung pipilitin ko ang sarili kong mahalin siya, mas sasaktan ko lang si Brian at ayokong gawin yun sa kanya.

"I'm sorry Brian. I am really sorry."

Pinilit ngumiti ni Brian at hinawakan ang magkabila kong pisngi na puno ng pagtatanong sa mga bagay na kahit ako eh walang maisagot.

I saw how Brian tried to stop his tears and instead gave me a smile.

He moved closer to me enough for me to smell his minty breath. Feeling ko he just had mentos or Maxx menthol candy. And yes, right at that moment parang gusto kong bawiin ang hiningi kong space.

I know how hurt he is and hindi nya deserve un pero ayoko naman pumasok sa isang desisyon na hindi ako sigurado.

He was so near me na at halos d na ako makahinga.

"Brian, I'm so sorry."

I bit my lips para pigilan ang sarili kong bawiin ang nasabi ko. He hushed me and smiled bitterly.

He started kissing my forehead at pakiramdam ko tumigil at nawala ang lahat ng tao sa paligid as if nasa ibang dimension kami na wala akong ibang nakikita kung hindi siya. He then kissed my nose.

"Brian?"

  Di ko alam kung bakit ako nanginginig sa takot ba o sa kilig. I'm not sure.

"Please Maggie just let me do this, I'm  willing to give you the space na hinihingi mo even thought it scares me so much"

He said whispering to me and the next thing he did caught me off guard.

His lips captured mine and I  never thought kissing him will be this sweet. I didn't plan to kiss him back but parang may mga sariling isip ang mga kamay ko na yumakap sa leeg nya . Its like being caught in the spell that no one can break,  a magical moment that i cant even describe.

Parang napawi ang lahat ng pag-aalinlangan ko, ang pag-iisip ko. Ang lahat ng mga tanong ko.

Si Brian, my first crush, my first love, my first kiss.

"Guys, guys, if you want to create a scene, doon tayo sa school soccer field. Mas maraming tao run."

Pareho kaming napabitaw ni Brian sa isa't isa at dama kong nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan. Oo nga naman, how can we do that in a public place?

"Sorry po Miss Jen."

"Do not apologize to me guys. If you really love each other, you have to wait for the right time, the right moment, the right place. Not here in the school cafeteria. Ika nga, maghintay kayo ng tamang panahon. Pray about it."

Ngayon ko lang nakitang nagsungit at talagang nagseryoso si Miss Jen, isa sa mga librarian sa university. Tama naman kasi siya. Pero ewan ko ba, that kiss has changed a lot inside of me. Kanina lang gusto ko ng space from Brian, ngayon naman, I see my future with him na. Gusto ko nang sapakin tong puso ko para naman magising sa katotohanan.

"Miss Jen, don't worry. I respect Maggie so much that I am willing to wait for the right time. Nadala lang ako ng emosyon ko kanina maam, pero wag kayong mag-alala, Maggie will graduate with flying colors. I'll make sure that she will march and receive the diploma."

Pinigil ko ang sarili kong ngumiti. Brian is sure the perfect guy. Kahit na ilang beses ko na siyang nasaktan mula noong high school palang kami, iniisip pa rin niya ang kapakanan ko. He always thinks about me. Siguro yun yung reason kung bakit naguguluhan ang puso ko. I cannot offer anything yet for Brian and I think he doesn't deserve me. Alam kong mali ang mag self pity pero at times I can't help it. Wala naman akong maipagmamalaki sa kanya. Wala.

"Okay. I see. Sige. I'll go ahead. Manonood pa ako ng Aldub."

Sabay kaming napahalakhak ni Brian sa sinabi ni Miss Jen at sa sobrang kasiyahan eh nahampas ko si Brian sa kaliwa niyang braso. Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay yun sa dibdib niya.

"Maggie, feel my heart beat. Ikaw lang ang tinitibok nito. I am willing to give you space. Pero sana wag masyadong matagal dahil ayokong mawala ka sa akin. Hindi ako gagaya kay Reycon na pinatagal pa bago aminin sa sarili niyang mahal niya pa rin si Robi dahil ayokong mawala ka sa akin."

"What? Kwento yan ni MJinDisguise ah. Nabasa mo na rin? Seryoso ka?"

"Oh. Dont stare at me. Maganda naman yung kwento ah. Isa pa, I want to be in your world. Gusto kong galawan ang mundong ginagalawan mo."---Hawak pa rin ni Brian ang kamay ko at pinipisil pisil ang bawat daliri ko.

Kung yelo lang ako, feeling ko natunaw na ako sa mga sinabi ni Brian. How could he be so sweet and so loving? Ano bang meron ako para mahalin niya ng ganito?

Sabihin ko na kayang mahal ko siya? Pero hindi lang ako handa siguro sa responsibilidad ng pagkakaroon ng kasintahan. Sabihin ko na kayang noon pa man, siya na ang laman nitong puso ko? Pero siguro natatakot lang ako ngayon kasi wala pa kong maipagmamalaki sa kanya.

"Brian!"

Pareho kaming napalingon ni Brian sa pinagmulan ng boses ng babaeng tumawag sa kanya. Kitang kita ko kung paanong nag-iba ang timpla ng mukha ni Brian. Binitiwan niya ang kamay ko at tumakbo sa babaeng naka maternity dress.

-------------------------------------------------------------------

AN

Hala sino yung babaeng yun?  AY siya.

Tandaan ang paalala ng ating librarian na si Miss Jen.

" If you really love each other, you have to wait for the right time, the right moment, the right place. Not here in the school cafeteria. Ika nga, maghintay kayo ng tamang panahon. Pray about it."

Wala pa rin si David no? heheh. Sorry.

Special shout out to my friend Chellbee who has helped me edit this chapter and made it more kilig. Team Brian, kaway!

Hello There, DavidWhere stories live. Discover now