XXVIII- Seven Days

3.3K 107 88
                                    


David Pov

"Sir wala ka na ba idadagdag dito sa mga damit? Ito na lahat yun?"

"Sabi ko naman kasi sayo Maggie, I bring my clothes to the laundry kaya wala na. Yan na lang damit ko kahapon ang di ko napalaba."

"Okay. Areglado sir. Ito na lang ang lalabhan ko."

Iniwan ako ni Maggie para pumunta sa restroom. May maliit akong sink doon where she can wash the clothes,  wala kasi talaga akong area para sa paglalaba kasi mag-isa lang ako kaya basic lang ang Meron dito sa unit ko.

Sinundan ko siya ng tingin at di ko napigilang mangiti sa sitwasyon namin ni Maggie. Pareho kaming maagang naggising at di na makatulog kaya naisipan niyang maglaba na lang. Sa unit ko na ulit siya pinatulog kagabi dahil masama nga ang pakiramdam niya. Ayaw namang mag pacheck up dahil ayaw uminom ng gamot. Wala rin si Lucy sa dorm nila kasi may seminar daw sa Baguio about animation and photography.

"Sir David, patugtog naman tayo please. Ang tahimik eh."

Sigaw ni Maggie na may 10000000 decibels yata ang lakas. Mabuti na lang sound proof itong place ko at di dinig ng katabing mga units.

I turned on my stereo  and played Planetshakers' I'm Running After You, isang upbeat song na ang message ay running after the Lord. Nilakasan ko talaga para marinig niya while I headed to the kitchen to prepare our breakfast.

This is the first time that I've let a woman sleep in my place, at di lang isang gabi kung di dalawang gabi. Aaminin ko medyo awkward pero masaya ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang, pagka sama ko si Maggie, nag-iiba ang mundo ko. Nagiging corny ako.

"Sir, Pwede ko bang palitan yung song?"

Nagulat ako na nasa likod ko na pala si Maggie, suot ang Pororo tshirt na bili ko kagabi for her. Binilan ko kasi siya para di na damit ko ang suot niya. Nakatiklop ang sleeves ng tshirt pati na rin yung pajama na she folded na parang shorts. Di ko napigilang mapatingin sa legs ni Maggie. Mahaba at

"Sir david, wag kang mag-alala, kapag may pera na ko, papatanggal ko yung mga peklat ko."

"Oy, Maggie. Wala ako sinsasabi tungkol sa scars mo."

"Wala nga pero you are staring at these. Gusto mong bilangin?"

Tinuro ni Maggie Isa-isa yung mga scars niya na nagpatawa sa akin. Di ko na talaga napigilan. Hindi man lang siya nahiya na para bang she doesn't care na I'm a guy.

"Why are you laughing Sir David? I am proud of these, kasi remembrance ang mga peklat na to na tinuruan ako ng tatay ko na magbike pero di nga lang ako natuto. I gave up on it kasi dami ko ng sugat."

"Yun pala eh. Eh bakit sabi mo kanina, papa surgery ka?"

"Whatever Sir."

"Mabuti pa iwan mo muna yung nilalabhan mo and help me prepare our breakfast."

"Di nga ko magaling sa kusina sir pero Sige, I'll help you if you will teach me how to ride a bike."

"Yun Lang ba? Call."

"Joke lang."

"Huh?"

"Di ba sir, you're leaving na? You even closed down the center. So Paano pa Tayo msgbabike?"

Tama si Maggie. I'm going back to Korea by next week pero bakit parang pinipigilan ako ng puso ko?

"If you'd ask me to stay, I can stay Maggie."

Saan nanggaling yun? Di ko alam, pero halata kong nagulat siya.

"Sir David, why would you stay if I ask you to stay?"

Omo. Anong sasabihin ko? Think fast David, think fast.

"Because that means, you are willing to help me out with the tutorial center again. I need you. I need you there."

"I'm sorry Sir David I don't think I can help you with that. 3semesters na lang and I'll graduate na. Baka sir pag mag work ako sa center, humaba pa yun."

Nalungkot ako sa mga sinabi ni Maggie. Sa kagustuhan kong makasama siya, di ko naisip ang tungkol sa pangarap niya. Sarili ko lang ang inisip ko.

May part kasi ng puso kong mas gusto siyang kilalanin, gusto siyang makasama hindi dahil sa hawig sila ni Minhee kung di dahil siya Si Maggie.

"Buzzzzzzzzz"

"May tao yata Sir David."

"Who could that be?"

"Ako na sir magbubukas. I'm nearer naman."

Tumakbo si Maggie papuntang salas para buksan ang pinto and I was surprised when I heard the voice of my visitor.

"Are.. You.. Are.. My son love? You my son love?"

What is my mom doing in the Philippines?

I run straight to where my mom and Maggie is when out of nowhere, Maggie vomited right infront of my mom.

"You. You. David you and David, baby?"

What? Ano? Di pa nga ako nanliligaw baby na! Di na ko nakareact pa dahil hinimatay ang mother ko at pareho kaming nataranta ni Maggie.

***

Maggie POV

"Ikaw may kasalanan nito Sir David eh. Sabi ko naman sa yo, sa dorm na ko uuwi. Tapos, tingnan mo nangyari. Kung anu-ano na iniisip ng mother mo sa akin."

"Maggie, look, I'm sorry. I'll just explain it my mom. You don't have to worry about anything."

"Ang sama lang kasi, I'm valuing my purity dahil gusto ko tong ibigay sa taong mahal ko tapos she would think that I'm pregnant. Eh acid reflux Lang naman yun Eh."

" I know. I know you Maggie, my mom will understand everything."

Mayamaya pa eh para na akong nanonood ng live na korean drama. Nag usap silang mag mommy at bigla na lang nagtawanan. Feeling ko taga iba akong planeta dahil Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

"Maggie, me. Very sorry. I am apologizing. Very sorry."

"It's okay maam. I understand."----- Sabi ko ng dahan-dahan para maintindihan niya ako.

"Me Thank you very much. Me very happy."

"Okay ma'am. It's okay." ---- Yumuko din ako tanda ng paggalang.

"Can me ask favor from you?"

"Okay ma'am. Sure."

"You, marry David."

Ano? Marriage? At 19?

"Kasal Sir David? Ano bang sinabi mo sa mommy mo?"

"Patawad Maggie. I told her, you are my girlfriend. Na ikaw ang reason why I'll stay here in the Philippines.."

"Ano? Di ba Sabi KO ayoko Ng mga pretend pretend na yan. Di ako marunong umarte! Di ako artista. Kaya ko lang dub smash..."

Tinakpan ni Sir David ang bibig ko at saka bumulong:

"Just help me get through this Maggie, please. Even for just one week. Please."

And with that, Sir David kissed my forehead and my world turned upside down. Lalo pa at may pimple akong malaki sa noo ko. Di niya kaya talaga napansin yun? Dyahe naman.

AN

Bakit na lang laging laugh trip ang scenes nina Maggie at David? Tell me.

If you are looking for a #Forevermore type of story, do read Relentless. Thank you. God bless you.

And yeah, @VioletIce1302, sana hindi ka bitin dito. Imagine, I wrote this outside the house while waiting for my mom and brother to arrive. I forgot the house key. Hahahahahahah but everything happens for a reason, see, I have an update.
Cheers!

Hello There, DavidDove le storie prendono vita. Scoprilo ora