XXIII- Awkward 2.0

3.3K 111 99
                                    

Maggie Pov



"Please be careful best. Ang hapdi eh.



Pilit kong pinigilan ang sarili kong ngumiti. Paano ba naman tong si best kaya pala kanina sinusubuan siya ng mangga ni Brian eh aksidente niyang nahiwa ang kamay niya habang naghahanda sana ng escabeche para sa birthday ni lola. Takot pa naman sa dugo si best. At tumawag si Brian para icheck kung natanggap ko ba yung text niya na bumili ng band-aid. Wala naman pala akong dapat ipagselos.

"May sinasabi ka ba Maggie?!"--- Hala? Nasa isip ko lang yun. Nasabi ko pala ng malakas. Mabuti na lang at naggigitara sina Brian at di narinig ni Lucy.

"Wala. Ang sabi ko, mag-iingat ka next time best. Sayang ang malambot mong mga kamay. Asset mo pa naman yan lalo at Multimedia Arts ang course mo.."---Paalala ko kay best. Syempre naman I want the best for best.

"Okay lang best. At least, nagbonding kami ni My loves."

Halata sa boses ni best ang kilig. Alam kong I gave up on Brian back in high school and I am still willing to give way for Lucy pero mahapdi pa rin. Mas masakit pala na marealize mong kahit matagal na panahon na ang lumipas, iba pa rin ang dating niya. And I know in my heart siya lang. Siguro kung di kami ni Brian ang ending, might as well remain single.

"Alam mo best, ikaw na. Ikaw na talaga."---Tinapik ko ang braso ni Lucy sabay tumawa ng malakas. I want to cover whatever sadness I feel now. Hindi dapat makahalata si best.

"Best, baka di na ko makatupad sa promise natin. Kasi if Brian will court me, I will not think twice."--- Seryoso si Lucy. Alam kong galing yun sa puso niya. Well pareho naman kasi kami. Si Brian ang ultimate crush namin pareho at first love din. Kaya di ko siya masisisi. Perhaps pareho kami ng nararamdaman ni best. Ang pinagkaiba lang, di niya alam ang nararamdaman ko kay Brian.

"Well kung kayo talaga, di kayo talaga best. Pero tapusin natin ang studies natin best ha kahit na anong mangyari."

"Oo naman. Kaya nga kami napasugod ni Brian dito sa Zambales kahit na may sakit pa siya. Kasi we have good news for you. Ganoon ka ka-special sa amin.."

"Talaga? Ano yun best? Naexcite naman ako."--- At na touch din. Lucy is really my best friend and Brian, wow. He is melting my heart.

"Teka, tawagin ko si Brian."--- Kapwa kami lumingon ni best sa gawi nina Brian at Sir David na parehong parang walang pakielam sa mundo. Paano, nanonood na pala ng anime sa maliit na TV ni lola at huminto na sa jamming nila. Kasama nila ang mga pinsan ko na enjoy na enjoy habang kumakain ng chichirya. Manang mana nga sila sa akin. Mahilig kumain.

"My lovesssssssssss."---- Lumingon si Brian nang marinig niya ang sinabi ni Lucy.





-





-





-





-







Kelan pa? Kelan pa sila naging sweet sa isa't isa? I'm not ready for this yet. Just not yet.

-



-



-



-



"Coming my loves."---- Wait? Tinawag din niyang my loves Si Lucy?





***



David Pov



It is evident on Maggie's face the shock of hearing Lucy called Brian My Loves. Kitang kita kong naningkit ang mga mata niya. Selos na selos talaga siya. At lalong namula si Maggie nang sumagot si Brian ng Coming my loves.

Naisip ko kawawa naman si Maggie. I am pretty sure duguan na ang puso niya lalo't confirmed na meron na ngang something sa kanilang dalawa. Si Maggie rin naman ang may fault. I was offering my help pero ayaw niya. Which is tama din naman. Una mali ang magpanggap. Pangalawa walang sense ang proposal kong maging pretend boyfriend.

I was planning on going to the area kung nasaan sila and in a way break the awkwardness sa kanilang tatlo nang nakitang kong napalitan ng ngiti ang mukha ni Maggie. May papel na inabot si Brian sa kanya and out of nowhere, they embraced each other na parang wala si Lucy sa tabi nila. Akala KO ba ayaw saktan ni Maggie si Lucy?

What is in the paper? Should I run to where they are or just sit here and watch TV? Ang off naman if I go there if I am not asked to.



"Iho, ikaw ba ang boyfriend ng apo ko?"---- Di ko napansin na nasa harapan ko na pala ang lola ni Maggie. Birthday nga pala ng lola niya kaya kami andito. Pero ayun sina Maggie at Brian magka yakap pa rin.

"Po? Hindi po. Magkaibigan lang po kami." ----Totoo naman ang sinabi ko. Nothing's going on right?

"Ganoon ba? Eh bakit may picture ka sa wallet ng apo ko? Bakit?"

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon