Kabanata 14

8.8K 320 13
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan
Kabanata 14

Ng nasa kalayuan na ang dalawa at nakikitang malayo na sila sa pagkahuli kay Abel ay nagsihintuan muna ito.

"Hah Hah Hah! Ahihihi!" ang hinihingal pang hagikgik ni Elena.

Nabuway naman si Sonia sa sobra ring tawa nito.

"Di na tayo makikita nun! Ang layo na natin eh! Hah Hah!" ang hingal pa rin ni Elena.

"Alam mo ba ang lugar na ito Elena?" ang tanong ng Sonia.

Dinampot ni Elena ang kanyang mga nailapag na gamit at lumakad lakad na. Gayundin naman si Sonia.

Habang daan ay iginagala ang kanyang paningin.

"Ang dami ng nagbago dito ah! Parang lahat ng dating nakatira napalitan.." ang sabi nito kay Sonia.

"Nakarating ka na ba rito?" muling tanong nito.

"Dito kami dati nakatira...dun! (ang turo nya sa dulo) Sa katunayan nga....parang yun pa rin ang dating bahay namin! Ngayon na lang kasi ako ulit nakapunta rito." ang kuwento ni Elena.

"Yun ang dating bahay nyo?! Dun nakatira ang tiyahin ko! Si Tiya Concha! Ha Ha! Gusto mo pumunta tayo dun?" ang masayang yaya ni Sonia.

"Sige! Tara!" ang payag naman nito.

Nagtakbuhan na naman ang dalawa patungo sa dulo.

*********

Habang masayang gumagala si Elena ay sya namang puti ng ang mata ng kanina pa naghihintay na si Abel. May mga kinse minuto na rin kasi syang nag iintay sa kahoy na bangko na nasa gilid sa labas ng paaralan.

Kalong kalong ang kanyang mga gamit,nakasandal at tila may inis na bakas sa kanyang mukha.

"Asan na ba itong si Lena...magagalit ang Ate Andrea nito eh.." ang bulong ni Abel.

**********

Panay ang tawa ng dalawa ng marating na nila ang bahay.

"Wala yata si Tiya Concha.." ang sabi ni Sonia.

Umakyat si Elena sa tatatlong maliliit na baitang ng hagdang gawa sa kawayan.

"Parang wala pa ring nagbago.."

"Ang Tiya mo pala ang nakabili nito?"

Ang tanong ni Elena.

"Ah..O--oo! Sya ang nakabile." utal na sagot ni Sonia na tila may alinlangan sya.

Lumapit si Elena sa kawayang pinto at hinaplos ito. Muling bumalik ang kanyang mga ala ala. Sandaling namutawi ang ngiti,ngunit bigla rin namang agad ito ay kanyang binawi.

"Anung ginagawa nyo rito sa pamamahay ko?! At sino yan Sonia??"

Ang sulpot ng isang babae mula sa kanilang likuran.

Laking gulat ni Sonia kung kaya at napatayo sa kanyang kinauupuan.

"Ah! Tiya Concha! Kaibigan ko po,si Elena.." ang tarantang sagot ni Sonia.

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Where stories live. Discover now