Kabanata 5

9.8K 330 5
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 5

Pagkatapos mananghalian ay naupo sa likod bahay ang dalawang bata. Nagkakatinginan na tila nag uusap ang mga mata. Unang nagsalita si Elena.

"Abel punta na tayo dun sa gubat.."  ang yaya nito.

"Tigilan mo nga muna yang kagagala mo! Baka magalit si Ate Andrea."  ang sagot naman ni Abel.

Ngumiwi lamang ito. Tumayo ito at tumingin sa kalawakan ng paligid. At biglang..

"Ako na lang Abel...magpapaalam ako kay Ate Andrea!"  ang sabi nito at sinabayan ng takbo.

Pagpasok nya sa loob ng bahay ay nakitang nakahiga si Andrea at natutulog sa kanilang kawayang sofa. Marahang umatras si Elena upang di nya magambala ang pagpapahinga nito.

Ng makalabas na ng tuluyan ay sinilip nya pa muna si Abel na nakita nyang nagbabasa. Sinadya ni Elena na maging maingat ang kanyang mga galaw.

Umatras ito ng walang ingay at ng makalampas na sa bahay ay agad ng tumakbo papalabas ng kanilang harapang bakuran. Patungo sya sa paborito nilang gubat ni Abel. Kung minsan ay mas parang lalaki pa si Elena kesa kay Abel dahil sa tigas ng ulo nito. Ngunit kalimitan din naman ay di sya sumusuway sa mga bilin ni Andrea.

Ilang takbo lamang at naroon na sya.

Hingal kabayo pang binaybay ang daan patungo sa ilog sa bandang ibaba ng kakahuyan,dahil doon nila nakita banda ang asong itim. Sabik at talagang mahilig kasi si Elena sa mga alagang hayop. Maging mga butete nga ay nagagawa nyang buhayin at palakihin.

Pumuwesto sya sa likod ng malaking puno. Ibinali bali ang kanyang ulo. Masinsing nililibot ng tingin ang tahimik at masukal na paligid. Hanggang sa may narinig ng kumaluskos.

"Ayun!"  ang impit na pagsigaw nito.

Sinundan nya ang kaluskos at nagulat sya sa kanyang nakita.

"Hah! Anu to?!"  ang nasambit nya.

Isang patay na baboy kasi ang kanyang nakita. Wakwak ang tyan nito na mistulang may isang matalim na bagay na pinanghiwa dito kung kaya at agad na naglabasan ang mga laman sa loob. Nagkalat ang dugo nito na halos dumaloy na rin at sumabay sa agos ng tubig. Hindi naman ganun kalakihan ang baboy,kung kaya ganun kakaunti ang mga lamang loob nito,ngunit may isang napansin si Elena. Napansin nyang tila kulang kulang ang mga lamang loob nito.

"Alam ko naman kung ano ang itsura ng mga laman ng baboy......pero......bakit parang kulang na ito.."

"Kung kinatay to dito...dapat,di ganito ang itsura nito.."

"Hala!! Baka yung asong itim kahapon??! Baka sya yung kumuha ng baboy!"

Ang mga nasabi ni Elena.

Sandali syang naupo muna upang muling siyasatin ang wakwak na tyan ng baboy.

Ang di nya alam,may isang nilalang na nagmamasid sa kanya.

"Har! Har! Har!"

Ang asong kanyang binalikan ay nakakubli at nakamasid sa kanya. May matatalim na mga tingin sa kanyang mapupulang mga mata.

"Hmp!"

Ang pitsi ni Elena sabay tayo. Lumakad na rin ito patungo sa daanan palabas. Tila nawalan sya ng gana ng maisip na baka nga ang aso ang may kagagawan.

Ngunit di naman talaga sya nagkamali.

Isang aswang ang asong kanyang pinananabikan.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon