Kabanata 2

11.7K 331 14
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 2

Alas otso ng gabi.

Nag aayos na ng higaan ang dalawang bata ng maalala ang kanilang nakita sa kakahuyan.

"Abel....kanino kaya yung aso na yun? Sayang.."  ang bulong ni Elena habang panay ang ayos sa sapin ng kanilang papag.

Nagkibit balikat lamang si Abel habang inaayos rin ang sapin ng kanyang higaan.

Sa isang kwarto lamang silang tatlo natutulog. Gusto kasi ni Andrea na bawat oras lalo na sa gabi ay nababantayan nya ang mga bata.

"Grrr!!"  ang inis na angil ni Elena.

Napansin nya kasing kahit na anong siksik nya sa sapin ng higaan ay sya pa rin kalas nito. At alam nya ang dahilan.

"Ate Andrea!! Ang kaibigan mooo!"  ang sigaw nito.

Tinatawanan lamang sya ng nakahiga ng si Abel.

Alam kasi ni Elena na ang sapin na di maayos ayos ay hinahatak na naman ng babaeng madalas tumabi sa kanilang papag. At yun ay walang iba kung'di ang kaluluwang matagal ng kaibigan ni Andrea,at ang madalas nyang katabi sa pagtulog.

Ng marinig siguro ng babaeng kaluluwang nagbibiro sa kanya na paakyat na si Andrea ay bigla nitong tinigilan ang pagbibiro kay Elena. Paghatak ni Elena sa sapin ng papag mula sa kabilang dulo na isiniksik nya ay di na yun muling gumalaw.

"Hehe..ikaw talaga ha?!"  ang tawa ni Elena.

At sya namang biglang sulpot ni Andrea. Madalas ay ganun sya,animo isang pusa na di mo mamamalayan ni bagsak ng mga paa. Ngunit di naman kakaiba yun para sa mga batang kasama nya na kakaiba ring tulad nya.

"Anu na naman yan Yolly?"  ang tawag ni Andrea sa pangalan ng babaeng kaluluwa.

Nakita ni Andrea na itinuro lamang ni kaluluwang Yolly si Elena,at sinabing binibiro nya lang ito.

"Ang bagal mo daw kasi magsapin...gusto nya na daw kasi humiga.."  ang natatawa pang sabi ni Andrea.

Ngumuso lang si Elena at..

"Ganon?"  ang sagot nito.

Iniayos na nila ang mga unan. Paglapag na paglapag ng mga ito ay agad ng humiga ang kaluluwang Yolly. Doon sana hihiga si Elena ngunit bigla syang pinigilan ni Andrea.

"O Lena! Puwesto nya yan.."  ang sambit ni Andrea.

"Ay! Oo nga pala...hehe...sorry Yolly.."  ang ngiti ni Elena.

Napangiti na lang si Andrea sa reaksyon ng bata. Natutuwa sya na umaarte na ng normal si Elena na tulad ng sa iba,di na ang dating mabagsik na batang mambabarang. Ngunit alam din ni Andrea na kahit anong baon at limot sa kanyang dating katauhan ay di talaga maaring gawin,dahil tulad nya,nasa dugo na rin talaga yon. Sana nga lang ay di na dumating pa ang pagkakataong magagamit nyang muli ang lahat.

Nag ayos na si Elena ng higa,si Abel naman ay tumagilid ng higa. Yun ang paborito nyang puwesto. Matapos masiguro ni Andrea na maayos na ang mga bata ay muli na itong bumaba.

Di naman sya nangangamba kahit iwan ang dalawa panandalian dahil alam nyang may mga nagbabantay sa mga iyon.

Isa na nga,si kaluluwang Yolly na nakiki agaw pa ng kumot kay Elena. Medyo mas malamig na kasi ang simoy ng hangin ngayon sa Baryo Tiktikan dahil sa malapit na ang pasko.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Where stories live. Discover now