"Paunang Salita"

25.5K 474 28
                                    

(ANM 4) Paunang Salita

Halos kalahating taon na rin ang lumipas mula ng mangyari ang mapait na nakaraan nila Elena at Abel. Ngayo'y heto na sila at tanggap na ang bago nilang buhay.

Nakikita ko na maayos nilang sinusunod ang lahat ng aking mga naituro sa kanila. Malayong malayo na sila sa dating mga mababagsik at walang awang mga bata. Masaya na nila ngayong hinaharap ang bawat araw na dumarating sa kanilang buhay. Maging sa pag aaral ay ganado silang dalawa. Hindi naging sagabal ang kanilang edad sa pagpasok sa eskwela para sa kanila. Sila kasi ay nasa parehong antas lamang,at yun ay ang ikalawang baitang. Hindi pa kasi sila ganun karunong sa pagbabasa at pagsusulat dahil sa di naman talaga sila nakatuntong pa sa pag aaral. Kahit na minsan ay may mga kumukutya sa kanila ay ngiti na lamang ang iginaganti at di na nilalagay sa garapon.

Maging ang nakatatak sa isip nila na sila ay magiging magkabiyak ay binura ko ng lahat. Ipinakita ko sa kanila ang kanilang pagiging magka mag anak. At ngayon ay namumuhay na silang mga normal na bata,makukulit at panay ang gala. Ngunit kung minsan ay sadyang may katigasan ang kanilang mga ulo,lalo na si Elena na talagang mas lalake pa kay Abel.

Buwan ng Disyembre ngayon at malapit na ang araw ng kapaskuhan. Masaya nilang sinasalubong ang bawat araw na ngayon lamang nila makikita ang tunay na itsura ng pasko.

Ngunit sadyang di maipapaliwanag ang pabago bagong paligid,ang dati naming munting tahimik na baryo ay biglang nagulo. Nag umpisa lamang ang lahat sa pagdating ng mga dayo.

Ang isang bahagi ng dating tinitirhan nila Elena ay ginawang bagsakan ng mga taong nagmula pa sa iba ibang lugar. Nang una ay animo di sila magkakakilala,ngunit ng kalaunan ng aming malaman ay isa pala silang pamilya.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Where stories live. Discover now