Kabanata 4

10.1K 328 3
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 4

Naunang nakauwi si Andrea sa mga bata.

"Asaan kaya ang mga yon?"

Ang kanyang hanap habang inilalapag ang  dalang tinapay at palaman para sa kanyang dalawang alaga.

Muli syang lumabas ng bahay at tumanaw tanaw. Maya maya lang ay nakarinig sya ng dalawang boses na nagmumula sa likod bahay. Dali syang pumaroon at nakita ang dalawa na magkatuwang pa sa pagbuhat ng timbang may lamang mga damit.

"Sa ilog ba kayo galing?"  ang agad na tanong ni Andrea.

"Opo...nag anlaw lang po kami 'te Andrea.."  ang sagot ni Elena.

"Haah.."  ang buntung hininga ni Andrea. Tila merong pag aalala sa kanya.

Diniretso na ng dalawa ang kanilang mga naanlawang damit sa sampayan at isa isang piniga at isinampay.

"Alam nyo ba na may nalunod sa ilog ngayon? Batang lalaki na syam na taon lang.."  ang sabi ni Andrea habang tinutulungan ang dalawang magsampay.

"Talaga po? Sa--saang banda daw po?"  ang utal na tanong ni Elena.

"Dun daw banda sa tulay..galing kasi ako kina Mang Endong..naghilot ako ng anak nya at nagkagulong bigla.."  ang kwento nito.

"Sinabi nyo po ba sa kanila na nalunod na ang bata?"  ang sya namang tanong ni Abel.

"Hindi naman sila nagtanong sa akin...pero sa ngayon ay nakikita kong malayo na ang narating ng bangkay ng batang lalaking yun...mga ilang araw ay lulutang na lang sya at babara sa tabi ng ilog..kawawa naman.."  ang malungkot na kuwento ni Andrea.

Umupo muna si Elena at hinayaan ang ilan pang sampayin kay Andrea.

Tila may biglaang pumasok sa isip nito at..

"May nakita po kasi ako kaninang bata sa ilog...naglalaro ng plastik na bangka,ang lakas nga ng agos pero di naman sya natatakot.."  ang sabi ni Elena.

"Saan mo sya nakita?"  tanong ni Andrea.

"Sa kabilang ibayo 'te Andrea....at ang isa pang nakakapagtaka ay...may batang bulag dun kanina,at sinabi nyang malulunod daw ang bata.."

"Ngayon ko lang nakita yun dito sa atin Ate Andrea...nakakatakot din ang mga tingin nya dun sa bata.."

Ang lahad ni Elena.

Napahawak bigla si Andrea ng mahigpit  sa sampayan. Tila may pangitain sya agad sa batang bulag na nabanggit ni Elena.

Malayo ang kanyang blangkong tingin.

"Panay kasi huli mo ng butete! Kaya kung anu ano nakikita mo! Tingnan mo nga! Ang dami na nung alaga mong palaka dun sa banga o!"  ang nakakatawang sabi ni Abel.

Bigla ring natawa ang seryosong si Andrea sa tinuran ng bata.

Sumagot naman ang Elena.

"Pangkarera nga natin yan eh! Dun o! Kina Roy!"  ang nakatawang banggit ni Elena.

Ikinakarera pala niya ang mga naalagaan at napalaki ng mga palaka.

Dinampot na ni Andrea ang batya at timba.

"Halika na.,,kumain na tayo...may dala rin akong tinapay at palaman.."

Ang yaya nito.

Nauna na syang lumakad at sumunod na rin ang dalawa.

Nagkakatawanan pa ang dalawang bata papasok. Inilapag muna ni Andrea ang kanyang hawak na batya at timba sa gilid ng pintuan.

Napatayo syang saglit. Tila may tinig na tumatawag sa kanya upang lingunin ang mapunong labas ng kanilang bakuran.

Nakagawi ang atensyon ng kanyang mga paningin sa kakahuyang di kalayuan. Ang kakahuyan na madalas puntahan ng dalawa nyang alaga. At..

"Parang.....parang may di tama.."

Ang bulong ng isip nya.

Sadyang napakalakas ng kanyang pakiramdam. At lingid sa kaalaman ng mga matang nakamasid sa kanya ay,alam ni Andrea na naroon sya.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon