Kabanata 1

16.4K 367 10
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 1

Nag aayos si Andrea ng pananghalian.

Alas dose na kasi at pauwi na ang dalawang bata galing sa eskwela. Nagluto sya ng adobong sitaw na mula pa sa kanilang halamanan at saka nagprito ng isda na ibinigay pa ni Aling Miding.

Naging normal din ang pamumuhay nilang tatlo ng ilang buwan. Walang mga kung anong di pangkaraniwang problema na kanilang nasasangkutan.

Kasalukuyang naglalagay ng plato si Andrea ng pumasok bigla ang dalawa sa loob ng bahay.

"Ate...ang daming tao ngayon sa pamilihan.." ang agad na balita ni Elena pagpasok pa lang.

Kasunod nyang pumasok si Abel,agad itong nagtungo sa kanilang kawayang sofa at inilapag ang gamit nilang dalawa ni Elena.

Nailagay na ni Andrea ang kanilang mga pagkain sa lamesa at tinawag na rin ang dalawang bata upang kumain na.

Humugot ng bangko si Elena at naupo na. Ganun din si Abel. At sumunod na rin si Andrea.

"Eh biyernes pala ngayon..talagang maraming tao kasi walang pasok bukas..saka magpapasko na kaya ganun.." ang sabi ni Andrea.

"Hindi po mismo sa pamilihan...dun po sa dati naming tinitirhan,maraming mga bagong dating.." ang namumuwalan pang sagot ni Abel.

Malapit lang kasi ang kanilang paaralan sa dati nilang tinitirhan. Doon kasi sila ipinasok ni Andrea,kahit may konting kalayuan ay minabuti nya kaysa sa tawid ilog pang isa.

Napakunot ang kilay ni Andrea sa ibinalita ni Abel. Nagsalin muna ito ng tubig sa baso at uminom bago nagsalita.

"Paanong....bagong dating?" ang kanyang tanong.

"Yun dati pong paanan ng bundok...eh,iba na ngayon.." ang muling balita ni Abel.

Napaisip lamang si Andrea at nagtuloy muna ang dalawa sa pagkain.

**********

Pagtapos mananghali ay lumabas na muna ng bahay ang dalawa,tulad ng madalas na ginagawa nila. Nagpupunta sila sa malapit na kakahuyan na mga ilang kilometro lamang ang layo sa kanilang bakuran. Doon ay madalas silang mag aakyat sa mga matanda ng puno. Dahil sa di naman talagang mga normal na batang tulad ng iba kung kaya at di sila ganun kadaling matakot,kahit pa nasa liblib na lugar sa katanghaliang tapat.

Tahimik ang paligid sa paborito nilang kakahuyan kapag tanghaling tapat,ni wala kang maririnig kung'di ang huni ng mga ibon at ang malakas na agos ng malaking ilog banda sa ibaba nito.

Kasalukuyang nagkukunyapit ang dalawa sa isang matabang baging na nakapulupot sa isa sa mga matatandang puno roon ng may mapansin silang paggalaw sa di kalayuan.

Si Elena ang unang nakapuna.

"Abel....parang may gumagalaw dun.." ang kalabit nito sa nakabitin pang pabaligtad na si Abel.

Tumingala sa kanya si Abel. Kumalas ito sa pagkakabitin at tumalong pababa sa malambot na lupa.

Marahan silang sumilip sa malaking punong nakatabing sa kanilang harapan. Nasa likod lamang ni Abel si Elena at marahan ding sumisilip.

At ng makita ng dalawa kung ano ang kumakaluskos ay natuwa pa sila.

"Haha! Lena,ang ganda ng aso!" ang natatawa pang banggit ni Abel.

Lumabas si Elena sa pagkakakubli sa likuran ni Abel upang makita ng maayos ang asong sinasabi.

"Oo nga! Hulihin natin Abel!" ang nakatawa pang sabi nito.

Isang malaking asong itim ang kanilang nakita. Sa buong pagpunta nila sa kakahuyan ay di pa sila nakakita ng kahit na anong hayop na ligaw roon bukod sa mga ibon at insekto lamang na kilala na sila.

Sa kanilang pagkakatitig ay tila may kakaibang napansin ang dalawa.

"Abel....tingnan mo...parang may sugat sya.." ang sabi ni Elena.

Marahang lumapit pa ng bahagya si Abel. Pilit nyang sinisipat kung ano ang kalagayan ng asong itim. Ito kasi ay mukhang nanghihina,at may bahid ng dugo banda sa kanyang likuran. Kitang kita ang bahid ng dugo kahit pa sa maitim na balahibo nito.

"Elena...may dugo sya.." ang mahinang bulong ni Abel.

"Oo nga...tara lapitan natin,ampunin kaya natin? Wala pa naman tayong alaga?" ang makulit na bulong rin ni Elena.

Nagtatangkang lumapit ang dalawa ng biglang kumislot ang aso. Tila alam nito na may mga mata na sa kanya ay nagmamasid.

Konti na lang at malapit na sila ng biglang may natapakan si Elenang isang tuyong sanga ng puno.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay napakamot na lang si Elena sa kanyang ulo.

Krik!

Mas lalo pang naalarma ang asong itim ng marinig ang pitik ng sangang naapakan ni Elena. At dahil don ay unti unti itong lumakad ng paika ika. Ilang hakbang lamang at huminto rin ito agad.

Tahimik ang dalawa at nakakubli lamang sa likuran pa rin ng isang matandang puno ng santol. Nagkakatitigan kung ano ang susunod na gagawin. Nagpapalakihan pa ng kanilang mga mata,tila nagsesenyasan sila.

Ilang segundo rin ang pinalamapas nila. At pagsilip nilang muli ay wala na ang asong itim na sugatan.

"Ayan! Nakatakas! Dapat pala binato na natin para nahimatay tapos saka natin gagamutin! Kainiiis!!!" ang maktol ni Elena.

Palinga linga si Abel. Hinahanap ng tingin kung saan nagtungo ang asong itim.

"Ang bilis nawala...kanino kaya yun?"

Ang tanong ni Abel.

Ang di alam ng dalawang bata ay ang kanina nilang asong tinatanaw,ay ang nakatanaw at nagmamasid na sa kanila ngayon.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Where stories live. Discover now