Kabanata 7

9.4K 336 8
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 7

Kinaumagahan ng Linggo ay maagang nagising ang tatlo upang magsimba. Sa bayan ang pinakamalapit na simbahan sa kanila. Sadyang maraming tao kung Linggo sa pamilihan,nasasabay kasi ang ilang pagtitinda na di naman madalas talaga. Kung minsan nga ay pati sila Elena ay naglalako ng mga gulay na kanilang pinipitas sa kanilang halamanan.

Ng matapos ang misa ay naglibot muna ang tatlo. Ngayon pa lamang kasi nila balak mamili ng pangdekorasyon sa kanilang bahay. Tuwang tuwa si Elena sa pagpiling ginagawa nya habang si Andrea naman ay nakamasid lamang sa dalawa.

Nangingiti pa ito ng may mapansin na naman.

Napansin nya ang isang lalaking nakatingin sa kanya. Ang lalaking yun din ang nakita nya ng una nyang tingnan ang mga bagong itinatayong bahay.

Dinaanan lamang ni Andrea ng tingin ang lalaki. Sa panantiya nya ay magkasing edad lamang sila. Di naman kaguwapuhan ngunit may dating din dahil sa malapad nitong katawan. May katangkaran din sya at may magagandang mga mata.

Alam ni Andrea na nakamasid ito sa kanya. Kahit di sya direktang nakatingin ay kita ito ng nakatago nyang mata. Minamanmanan nya ito di dahil sa natitipuhan nya.

Kung di dahil sa meron syang ibang nakikita.

Habang abala ang mga bata sa pamimili ay abala rin ang mata ni Andrea. Hanggang sa unti unting napapansin nyang papalapit na ang lalaki sa kanila.

Ng malapit na yun ay bigla nya itong tinapunan ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata na tila nagkita na sila.

Ngunit,totoo ngang nagkita na sila. Ng mas malapit na ang lalaki ay nag iba na ang pakiramdam ni Andrea. Nag umpisang tumalim ang kanyang mga tingin sa estranghero. Nakakaramdam na sya ng kakaiba rito. Ngunit marunong ang lalaki. Huminto itong bigla at nanatiling nakatayo.

"Ate Andrea ito na lang!" ang biglang sigaw ni Elena.

Sandaling nilingon ni Andrea si Elena. At ng ibalik ang tingin sa lalaking kanina lang ay katitigan nya ay wala na ito sa puwestong kinatatayuan nya.

Hindi hinanap ng tingin ni Andrea ang lalaki dahil alam nya at ramdam nyang nakakubli lamang ito. At..

"Sya ang naramdaman ko sa gubat.." ang bulong nya sa sarili.

Sa di naman kalayuan ay may sumasagi rin pala sa isip ng estranghero. At..

"Sya yung babae sa gubat....pati ang dalawang batang yun..."

"Bakit ganun katalim syang makatingin?"

"Alam nya kaya kung ano ako?"

Ang bulong ng lalaking estranghero habang nakakubli sa makapal na tao.

Nagulat ang lalaki ng biglang tumingin si Andrea sa pinagkukublihan nya.

"Hah!" ang singhap nito.

Alam ni Andrea kung nasaan sya,dahil ang maitim nyang budhi ay nakikita ng nakatago nitong mga mata.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora