Kabanata 3

11.8K 325 7
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 3

Andrea's POV

Totoo nga ang sinasabi ng dalawang bata. Ang gulo nga ngayon dito sa pamilihang bayan. Parang ang dami sobrang bagong mukha.

Lumakad lakad pa ako ng kaunti upang sadyang tanawin ang dating lugar nila Elena. Gusto ko kasing masiguro na ligtas sila sa twing wala ako sa tabi nila kahit na alam kong kayang kaya nila ang kanilang mga sarili,ngunit ayoko namang balikan nila ang dati. Baka kasi kapag di nila nakayanan ang pangungutya sa kanila ay magkamali na naman sila,lalo na si Elena na kung minsan ay masyado pa ring mabagsik.

Nakita ko na sa bungad pa lamang ng dati nilang tirahan ay nagkalat ang mga bagong itinatayong bahay.

"Parang di maganda ang pakiramdam ko rito...may mabigat na kung ano.."

Ang bulong ko sa aking sarili. Di ako masyadong nagpahalata na ako ay nagmamasid lamang kaya naroon. Ngunit ng mapansin kong may isang lalaking nakatingin sa akin ay agad din akong tumalikod at lumakad papalayo sa kanyang mga tingin.

May kung ano sa mga taong naroon...At sigurado ako doon.

**********

Sa bahay ay nagliligpit ang dalawang bata.

Araw ng Sabado kung kaya at tinutulungan nila si Andrea sa lahat. Nakapag saing na rin si Abel at nakapagsibak na ng kahoy na kanilang ipinanggagatong. Nakapaglaba na rin si Elena ng mga ilang pirasong damit nila,at mamaya ay dadalhin nilang dalawa ang mga yun sa ilog upang maanlawan.

Naging larawan ng isang responsableng mga bata sa gulang nila ang dalawa. Maging ang mga pananalita at kilos nila ay normal na.

"Abel halika na! Tapusin na muna natin ito bago tayo kumain..wala pa naman si Ate Andrea..para mamaya....bumalik tayo dun sa gubat,kasi baka nandun pa yung aso."  ang sabi ni Elena.

Sandali munang inihipan ni Abel ng hangin ang kanyang nakasalang na sinaing,gamit ang maliit na tubo na nagsisilbing pang ihip nito.

"Malapit nato..,tapos maligo na rin tayo.."  ang sagot ni Abel habang panay pa rin ang ihip.

Tumango tango lamang si Elena.

**********

Iniaayos na ng dalawa ang kanilang mga batya at timba kung saan nakasuksok ang mga nilabhan na damit.

Sa likod bahay ang daan nila dahil naroon ang pinakamalapit na daan papunta sa tulay. Maraming pasikot sikot kang pwedeng madaanan at pwede ring labasan. Sadyang mahusay ang dalawang bata,sa maigsing panahon na pagtira nila kay Andrea ay kabisado na nila ang lahat. At wala ni konting takot ang mga itong binaybay ang lahat ng iyon,kaya ngayon,kahit saan sila dalhin ay di magagawang iligaw ang dalawa. Daig pa nila ang ahas kung iprograma ang mga mata.

Pagdating ng dalawa sa ilog ay agad na humanap ng puwesto sa tabi lamang nito. Malawak kasi ang ilog na yun kaya kahit pa tanghali ay malakas ang agos nito.

Inilabas na ni Elena ang ilang pirasong damit mula sa timba at isinalin ito sa batya na tinatabuan naman ni Abel ng tubig na umaagos.

"Sandali lang Abel! Kukuha lang ako ng bato don!"  ang sabi ni Elena habang inilulubog ang mga damit sa batya na may salok ng tubig.

"Sige! Bilisan mo lang ha! Baka manghuli ka pa ng butete dyan!"  ang sigaw ni Abel sa papalakad ng si Elena.

Lumakad na si Elena patungo sa itaas na parte ng ilog. Pagdating sa taas ay makikita na ang mahabang tulay na patawid sa kabila ng Baryo Tiktikan. May paaralan din don at tanaw din yon kapag nasa itaas ka na ng ilog.

Madalas napapangiti si Elena sa twing matatanaw yon. Gusto kasi sana nilang dun mag aral,ngunit madalas ang pagbagyo at pagtaas ng tubig noon kaya natakot si Andrea na dun sila ipasok. Mas mabuti na rin daw na kahit medyo malayong lakaran ay di naman kumakabog ang dibdib sa twing nasa eskelahan ang dalawa.

Nakatanaw pa rin si Elena roon. Pagdako ng kanyang mata sa mas maliit na katawan ng ilog ay may naisip na naman ito. Nangingiti pa itong lumapit at dinungaw ang mag buteteng nakapirmi lamang sa gilid. Dahil sa di masyadong umaagos ang tubig don ay nagmistulang isang taniman ng kangkong na may mga itlog pa ng kuhol.

Hinubad nya ang kanyang tsinelas at marahang tumapak sa basang putik. Kada lapag ng kanyang paa ay syang lubog ng mga ito.

"Hi hi.."  ang hagikgik nito.

Ng makakapa ng medyo matigas na bahagi ng lupa ay naupo ito. Akto na sana nyang dadakmain ang mga buteteng nagkalat ng bigla syang may makitang bata na nakatayo sa itaas ng tulay.

Nagsalita itong bigla at ang sabi ay..

"Malulunod ka dyan."  ang sambit ng bata.

Nagulat si Elena sa biglang pagsasalita nito,dahil sa may pagkamataray ay agad naman itong sumagot.

"Di patay pag nalunod!"  ang mataray na sagot nito sabay ang pagtingala sa bata.

"Hindi ikaw....siya.."  ang turo ng bata sa isa pang batang nasa kabilang dulo ng ilog na naglalaro rin.

Tumayo si Elena sa pagkakaupo at inihaba ang kanyang leeg upang masilip ang sinasabing bata.

Isang batang lalake ang nakita nyang naglalaro ng laruang plastik na bangka. Nakatayo ito sa hanggang tuhod lang na tubig ng ilog,di alintana nito ang malakas na paghampas ng agos sa kanyang mga binti.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?!"  ang mataray pa ring salita ni Elena.

Tumingin ang bata pababa kung nasaan si Elena. At nakita ni Elena na bulag pala ang kaliwang mata nito.

"Bulag ka?"  ang malumanay ng tanong ni Elena.

Nakatingin lamang sa kanya ang bata. At basta na lamang itong umalis agad na di man lang kumibo sa tanong nya.

Sinundan lamang sya ni Elena ng tingin. Di na kakaiba sa kanila ang mga ganung galawan,kung kaya at hinayaan nya lamang ito. Nakita nyang di ito sa kabilang ibayo nagpunta,kung'di sa daan ring papunta sa lugar nila na ang ibig sabihin ay taga roon din sya.

Isa isang iniahon ni Elena ang mga paa sa putik. Kinawkaw ang mababaw na tubig at dun naghugas ng kanyang mga paa. Habang nagkakawkaw ay naalala nyang muling sulyapan ang batang lalake na naglalaro sa ilog.

Wala na ang bata dun,at nagulat pa sya ng makitang ang bangkang laruan na plastik ay tinatangay na ng malakas na agos.

Tutok ang kanyang mga mata ng biglang..

"Elena!!! Sabi ko na nga ba eh!!"

Ang bulyaw ni Abel.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Where stories live. Discover now