[16] War [Three]

4K 101 5
                                    

[3rd]

Sa hindi inaasahang pagkakataon. Isang malaking pagsabog ang yumanig sa buong palagid.

Isang malaki at malakas na pagsabog ang naging dahilan upang dumilim ang paligid nilamon ng dilim ang paligid at ni katiting na ingay ay walang maririnig. purong katahimikan at tanging dilim lamang ang kanilang nakikita.

"DARRRRRRRRRRRRRK!!!!!!!!!!!!!!" Isang napaka lakas na sigaw ang narinig sa buong kadiliman. Isang nakakatakot at puno ng galit na tinig mula kay Prinsesa Earth.

Si Dark ang punot dulo ng kadiliman na bumabalot. Sino pa nga ba ang makakagawa ng pagdilim ng paligid.

Walang Iba kung hindi ang galing sa mundo ng kadiliman.

Walang sino man ang gumagalaw sa kanilang lahat hindi nila alam kung nasaan naroroon si Dark na ngayon ay mas maliwanag pa sa sikat ng araw na kitang kita ang bawat kilos at galaw nila.

"Lumabas ka Dark! Magpakita ka!" Galit na sigaw ni Earth

Ngunit hindi nagsalita si Dark sahalip ay nagpunta sya sa kinaroroonan ni Mika.

"Ice." Paglapit ni Dark sa tabi nila Mika ay kinausap nya ng pabulong si Ice na sya namang kinagulat ni Ice dahil sa tagal na nilang hindi pag-uusap.

Gustong gusto na nlang yakapin ang isat isa kung hindi lang magulo ang mga pangyayari ngayon.

Hindi nagsalita si Ice na sya namang kinangiting muli ni Dark. Sa isip isip nito ay hindi parin nagbabago ang Ice na kilala nya. Ang Ice na minahal nya at ang Ice na hanggang ngayon ay mahal na mahal padin nya.

Binuhat ni Dark si Mika at binigay nya ito kay Light.. Gulong gulo padin sila sa mga nangyayari. Hindi nila alam kung bakit naroroon si Dark at ngayon ay sa tingin nila na tinutulungan pa sila.

"Kaya mo paba Light? Gumawa ka ng portal at dalhin nyo na ang Hime sa ating mundo" seryosong sabi ni Dark kay Light.

"Paano ka?" Hindi na natiis ni Ice ang hindi magtanong. Walang dudang nag-aalala ito kay Dark.

"Ako ng bahala kay Earth. Dalhin nyo na sya. Kaylangan na nilang magkita. Ito na ang tamang panahon para ang dalawa ay bumalik sa isa." Wika ni Dark.

"Humayo na kayo aaaah!!!" Hindi inaasahan ni Dark ang malakas na pagsugod mula kay Earth na ngayon ay unti unti ng nararamdaman ang prisensya ni Dark kung nasaan ito.

"DARK!!!" Sigaw nilang lahat ngunit kahit gusto nilang malaman kung anung nangyari kay Dark ay hindi nila magawang tulungan ito dala narin ng sobrang kadiliman.

"UMALIS NA *cough* KAYO *cough*" Wala na silang nagawa kung hindi ang sumunod dito dahil wala na silang sapat na lakas pa upang makipag-laban.

Ngunit bago sila makapasok sa portal papaunta sa mundo nila ay narinig pa nila si Earth,.



"MAMATAY KA!!!"



"Mamatay man ako ngayon Earth. Mamamatay ako ng may dangal." Nilabas ko ang aking itim na kampilan/patalim/espada.

Ang kampilan ni Dark ang may pinaka malakas na kampilan na gawa sa kanilang mundo dahil sa oras na masugatan ka nito triple ang sakit at dugo na mawawala sa taong masusugatan nito.

Ngunit bago pa sugurin ni Dark si Earth ay isang hindi inaasahang pagtira ng kampilan nito ang tumama kay Dark.

Sa puso ni Dark.

Dahan dahan pa nitong tinignan ang kampilan na nakaturok sa puso nito kasabay ang pag-agos ng kanyang dugo mula sa kanyang puso.





"Tunay ngang malakas ka Earth." itinaas ni Dark ang kanyang kampilan at malakas na hinagis sa direksyon ni Earth. ginamitan pa nya ito ng kapangyarihan upang hindi ito makita ni Earth na sya namang nagtagumpay dahil gaya ni Dark ay tumama ang kampilan nito sa puso ni Earth na sya namang kinagulat ni Earth.

Alam nitong hindi sya makakatakas sa kamatayan dahil sa kampilan ni Dark na syang may pinaka malakas na sandatasa kanilang mundo.

"Dark. Ikaw na matalik kong kaibigan bakit mo nagawang talikuran ako" wika ni Earth unti unting nagliliwanag ang paligid dala narin ng panghihina ni Dark.

"Ngunit kinain kana ng iyong pagnanais na makamit ang napaka lakas na kapangyarihan" hinang hinang sagot ni Dark.

"Earth. Patawad" unti unting bumagsak si Earth mula sa himpapawid sinalo naman sya ni Dark. Hindi narin magawang tulungan pa ng mga taga sunod ni Earth ang kanilang Prinsesa sapagkat ubos narin pala ang kanilang mga lakas.

"Hindi Dark patawad." at doon na binawian ng buhay ang pinaka malakas na prinsesa sa mundo ng mga elemento.

Isang hindi inaasahang liwanag ang kanilang nakita.

Hindi maaninag ni Dark kung sino ito dahil unti unti na syang nawalan ng malay.

"Dalin na sila sa ating mundo" Isang ma-awtiridad na tinig ang nagsalita.



Ito ay walang iba kung hindi ang.



HARI.

"Ayusin nyo ang lahat ng pinsala sa lugar na ito" Isang utos ang ibinigay ng mahal na hari sa dalawang nilalang na simula palang ng kaguluhan ay nagmamasid na sa bawat pangyayari.

Ang tumatayong mga magulang ni MIKA.

na ang tunay palang pagkatao ay isa ding taga-sunod ng mahal na hari.

Sila ang mag-asawang may kakayahan na ayusin ang anu mang pinsala sa isang lugar kaya nilang ibalik ang kahit na anu mang sira at pinsala sa isang lugar.

"Masusunod po Mahal na Hari" matapos non ay nawalang parang bula ang mahal na hari.



----



Happy Mothers Day..

^_^

The Cursed Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon