[8] Light, Dark and Ice

7.3K 139 7
                                    






[Ian]

"Musta Light?" nakangising bati sa akin ng babaeng nasa aking harapan.

"Anung ginagawa mo rito Dark?" seryosong tanong ko sa kanya.

"So mean of you Light." sumeryoso sya ng tingin sa akin atsaka dahan naglakad papalapit sa akin.

"Light light. nakalimutan ko na kung gaano ka kalakas sa tagal ba naman nating hindi nagkita eh. baka naman wala ka talagang balak isakatuparan ang iyong misyon" paglapit na pagkalapit nya sa akin biglang nagdilim ang buong paligid para bang wala ng tao sa paligid namin puro kadiliman lang ang makikita sa paligid.

"Tumigil kana Dark" tumalikod na ako sa kanya at naglakad papalayo, ngunit bago ko sya tuluyang lisanin nakita ko sya ngumiti ng nakokoloko sa akin.

"Gawin mo ang gusto mo Dark. Wala na akong paki-alam"

Ako si Ian sa mundong ito at si Light sa mundo naman ng mga elemento.

Elements World- doon mo makikita ang pinaka magandang mundo sa lahat ng nilalang na nakatira sa mundong iyon ay may kanya kanyang kapangyarihan at sa mundo ding iyon purong pagsasanay lamang ang mayroon.

Walang sariling kaligayahan. tulad ni Dark mayroon din akong kakaibang kakayahan ngunit hindi tulad nya iba ang sa akin.

Kung ang kay dark ay kadiliman sa akin ay liwanag. lahat ng bagay ng may kaugnay sa kadiliman kaya nyang kontrolin samantalang ako kabaligtaran ng sa kanya.

Light. Lahat ng bagay na nagagamitan ng liwanag ay sa akin bukod doon kaya ko rin maglakbay sa ibat-ibang panahon kung nanaisin ko lamang. kaya kong magpunta sa hinaharap oh sa nakaraan.

Eto rin ang dahilan kung bakit nais nilang maging katipan ko ang hime.

Si MIKA.

Ngunit ang kapatid ni Mika na si Earth ay binigyan ako ng misyon.



misyon na patayin si Mika.

--

[Dark]

"Bagong studyante ata iyan"

"Maganda sya kaso parang may kakaiba sa kanya?"

"Ano naman?"

"Basta hindi ko masabi eh"

Rinig na rinig ko ang usapan ng mga walang kwentang mortal na ito na malapit sa akin habang ang aking atensyon ay nakatuon sa isang nilalang.

"ICE!!! yung tubig ko!!!" sigaw ni Wind kay Ice.

Ice.

Malungkot kong nilisan ang lugar kung saan tanaw na tanaw ko si Ice at naglakad papalapit sa mga mortal na rinig kong ako ang pinag-uusapan.

"AAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!" sigaw ng isang mortal na babae

"s-sino ka! A-anong g-ginawa mo sa kanya!!?" nanginginig na sigaw sa akin ng isa pang mortal.

"Kahit malaman mo may magagawa kaba?" ngiti kong tanong sa kanya lumapit ako sa kanya at isinandal ko sya sa pader gamit ang aking kapangyarihan hinawakan ko sya sa mata nya at.

"AAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!! ang dilim wala akong makitaaaa!!" sigaw naman ng isa pang mortal.

binitawan ko na sya atsaka naglakad papalayo sa kanila.



Ako si Dark.

Nabubuhay upang kumitil ng buhay ng iba.

kadiliman ang pinaka magandang katahimikan para sa akin.

--

[Ice]

"Ice san ka pupunta!!" sigaw sa akin ng maingay na si Wind.

nakita ko sya hindi ako maaring magkamali nakita ko si Dark.

"AAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!! ang dilim wala akong makitaaaa!!"

nagmamadali akong umakyat sa lugar kung saan nanggagaling ang pagsigaw ngunit hindi pako nakakarating isang madilim na paligid ang aking inabutan malayo sa lugar kung saan nang-gagaling ang pagsigaw.



"Walang duda andito ka nga" wika ko sa aking sarili.





---

The Cursed Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon