[15] Earth

4.2K 100 12
                                    

[Miko]

Yung labi nya.

Yung mukha nya.

Yung boses nya.

Pati narin yung yakap nya sakin.



Parang may something na hindi ko maintindihan lalo pa nun hinalikan ko sya.

Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa yung utak ko parang sinasabing hindi ko dapat gawin yun pero yung puso at katawan ko hindi sumunod sa sinasabi ng utak ko.

Niyakap ko padin sya. Hinalikan ko padin sya.

At nung mga oras nayun isa lang ang masasabi ko parang may part ng buhay ko ang biglang nabuo yung pakiramdam na nabuo ang pagkatao mo.

"Miko huy!" bigla akong nabalik sa realidad nun may tumapik sa balikat ko. nakalimutan ko na nasa klase nga pala ako ngayon.

"Bakit?" tanong ko kay Jace ngumuso naman sya sa harap at nun tumingin ako nakita ko lang naman ang prof namin na tirik na tirik ang mata at umuusok ang ilong.

"MIKO answer this!" yaaaay anu bato bat ba kasi hindi ako nakikinig eh (_ _") no choice ako kung hindi pumunta sa harap at sagutin yung nasa board. BADTRIP na college algebra!

(Author: Hello sa mga college readers! ^_^)

Hindi ko alam ang sagot badtrip men! anung isasagot ko dito!

"Sundin mo lang yung sasabihin ko at isulat mo" biglang may boses na nagsalita sa isip ko hindi ko alam pero biglang umangat yung kamay ko at sinulat yung mga sinabi nun nagsalita sa isip ko. parang sumusunod yung katawan ko sa boses na nasa isip ko.

Naalala ko! hindi nga lang pala eto ang unang beses na may nagsalita sa isip ko.

Ng matapos akong sagutan yung nasa board naupo nako hindi ko alam pero kusang gumalaw yung ulo ko at tumingin sa direksyon nya.



Sa lugar kung saan nakaupo si mika pero si mika nakita ko lang na nagbabasa ng libro na nakatago ang mukha. gaya ng dati.

DATI?

Naguguluhan nako bakit ganto tong pakiramdam ko hindi ko alam gulong gulo padin ako simula ng pumasok yung si Kuro.

Dapat ng masagot lahat ng katanungan ko.

Ng matapos ang klase namin hinanap ko agad si kuro pero kahit san ako magpunta hindi ko sya makita pero parang pakiramdam ko kaylangan kong pumunta sa rooftop parang may naguutos sa mga paa ko na magpunta dun.

Hindi naman nasayang yung napaka habang paglalakad ko dahil pagdating ko ng rooftop limang pares ng mata ang sumalubong sakin.

Hindi lang yun.

Isang puting pusa din ang nandoon isang hindi pangkaraniwang pusa dahil sa sobrang kapal ng balahibo nito.



"Psh!" bungad ni Flame sa akin habang nasa balikat nito yung puting pusa.

Nakita ko naman si Ice na nakasandal lang dun sa railings ng rooftop habang malamig ang tingin sa akin.

Si wind naman ay ngiting ngiti na nakabungad sa akin samantalang si Leaf ay masayang nakikipag laro sa maliit na ibon.

Pero si Mika malinaw na malinaw na kitang kita ang maamo nitong mukha habang nakatingin sa akin.

"Anung ginagawa nyo dito?" bungad ko sa kanila nakita kong napatingin sakin si LEaf napansin ko din na napataas ang kilay ni Ice at si Flame naman ay napabuntong hininga.

"Miko" bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil kasabay ng pagihip ng hangin ay ang pagtawag sa pangalan ko ni Mika.

Nanigas yung katawan ko hindi dahil sa gulat pero dahil sa pakiramdam na naghalo halo simula ng dumating si Kuro yung pakiramdam na madami akong hindi alam sa pagkatao ko, yung pakiramdam na hindi kumpleto ang pagkatao ko.

Yung pakiramdam na hindi ko kilala ang sarili ko.

"Sa tingin ko eto na ang tamang oras para malaman nya" -Leaf

"Sa palagay ko din" dugtong ni Wind

"Anu bayun?" tanong ko ulit sa kanila.

Walang nagsalita pero lumapit sakin si Mika at nilahad yung kamay nya tinignan ko sya sa mata yung mga mata nya parang sinasabing hawakan ko din sya.

Hahawakan ko na sana sya ng biglang kumidlat.

Nagulat ako ng makita si Mika na nasa malayo na nakapaligid sa kanya si Leaf, Wind, Flame at Ice samantalang ang nasa harap ko naman ay si KURO??

Paanong napunta dito si Kuro? Saka bakit kumidlat san nang-galing yun? tirik na tirik naman yung araw?

"Anu bang ginagawa mo LIGHT!!!" nagulat ako ng makita si Ian nakatayo sa gitna sa paligid nya may sunog yung pader at doon tumama yung kidlat.

"Sumagot ka! Anung ginagawa mo!" tulad kanino galit na pasigaw si Flame.

"Hindi ito ang tamang panahon para sabihin nyo sa kanya ang lahat!" sa tagal ng pinagsamahan namin ni Ian ngayon ko lang sya narinig na sumigaw at sa tagal nayun ni minsan hindi ko padin sya nakikitang nagalit lagi syang nakangiti.

Biglang lumindol kumukulog din at kumikidlat hindi lang yun umuulan din ng malakas daig ang bagyo halos tanganin na ako ng hangin sa sobrang lakas pero bakir sila mika, si leaf, flame wind si Ice si kuro pati narin si Ian halos hindi iniinda yung lakas ng ulan.

"Andito na sya! Andito na si Princess EARTH!!!" sigaw ni Ian.

Sa isang iglap biglang kumislap yung mga katawan nila at matapos yun nagkaron sila ng armor sa katawan ibat ibang uri ng armor.



Anu bang nangyayari?

Nagulat ako ng humarap sakin si Kuro yung tingin nya sakin alalang alala sya hinawakan nya ko sa pisnge at sinabing.

"Mag-iingat ka paki-usap" yon lang ang sinabi nya saka sya lumapit papunta kila Mika.

Bigla naman lumapit sakin si Ian na may halong lungkot sa mata nya.

"Sorry Dre. Sana maintindihan mo." pagkatapos nun unti unti na akong nawalan ng malay.



-----

M

The Cursed Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon