[2] New School

10.9K 220 21
                                    

[Miko]

"Tok tok tok*

"Miko anak gising na!"

NArinig ko si mama na kumakatok sa labas ng kwarto ko,tumingin ako sa side table ko at tinignan kung anung oras na 6:00 am. then tumayo nako at binuksan yung bintana ng kwarto ko para masinagan nga araw ang kwarto ko.

NAkaugalian ko nadin kasing ibilad yung sarili ko sa sikat ng araw tuwing umaga masustansya kaya yun.

Vitamin D din yon noh ^_^

Then after ilang minutes nagpunta nako sa sarili kong banyo saka naligo at gumayak after nun bumaba nako sakto naman pagbaba ko nag-aayos na si mama ng table habang si Papa naman ay nagbabasa ng news paper.

"Anak malalate kana nyan. kain na" sabi ni mama.

MAbait talaga si mama yun nga lang minsan tinatamaan ng pagkabaliw nya. Naupo lang ako at magsisimula na sanang kumain.

Pero kung hindi ka nga ba naman inaasar nagsalita si Papa.

"Kaylan mo ba balak kumilos ng naayon sa Edad mo Miko? Lagi kang ganyan kaylangan kapang gisingin sa umaga" hindi nakatingin sakin si papa pero alam kong mainit na naman ang dugo nya sakin.

Hindi nalang ako kumain tumayo nako at humalik na sa pisngi ni mama atsaka umalis..



Umagang-umaga BADTRIP.



Paglabas ko ng bahay nakita ko agad si Mika nakauniform na sya pero diko makita yung ginagawa nya nakaupo kasi sya sa may gilid sa may bandang halaman tapos nakatalikod sakin. Nun lumapit ako sa kanya narinig ko syang nagsalita.

"Kawawa ka naman muning" Kinuha nya yung itim na pusa saka tumayo pagharap nya sakin nagulat pa sya tapos biglang nagtatakbo papasok ng bahay nila na dala parin yung itim na pusa.





Ang unang mga salitang binitawan ni Mika.



^______^



Naghintay pako saglit doon para sumabay sa kanya kasi tyak na hindi nya alam ang way papunta sa school namin.

Yeap! Same School kami kahapon kasi nun nagpunta si Mama nagkwentuhan sila saglit ni Mama,si Mama saka yung Mama ni Mika hindi nga lumabas si Mika sa kwarto nya eh. Tapos nasabi ng mama ni Mika kung san yung School nya to my surprise same school pa kami.

College nadin pala sya, Pareho kaming First year pero sya late na sya ng pasok last month pa kasi nagsimula ang school year.

Aish teka bat ang tagal nya. Umakyat ako sa bahay nila tapos nagdoorbell. lumabas yung mama ni Mika na medyo gulat pa nun makita ako.

"Hello po! Sasabay ko po sana si Mika sa School" masayang bati ko sa kanya tapos sumilip doon sa may pintuan nila.

"Sigurado ka?" ang weird ng tanong ng mama ni Mika pero tumango parin ako sa kanya.

"Mika." nasa likod lang pala nya si mika nagtatago. hilig talaga nya magtago sa likod ng may likod.

I find it cute but at the same time weird din pero I'm sure naman na makakasanayan ko narin sya pagtumagal tagal. Walang pasa-pasabi dinaanan lang nya ko ni walang good morning tapos naunang maglakad palabas ng subdivision namin. Pero pansin ko mabagal sya maglakad kasi nauuna nako sa kanya ngayon at nasa likod ko na sya.

Tumingin ako sa Relo ko 7:20 na. hay malalate kami nito.

"M-mika?" parang nagaalangan parin akong tawagin sya baka kasi sabihin nya masyado akong feeling close sa kanya.

The Cursed Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon