[9] Flame, Leaf and Wind

7.2K 150 13
                                    


---

[Flame]


"k-kuya?" nanlaki yung mata ko sa nakita ko. pero hindi ko dapat ipahalata sa kanya na nagulat ako.

nagdiretso lang ako ng lakad at hindi ko sya pinansin. walang lingon lingon akong umalis sa harap nya.

"Kuya!! sandali!" pero etong makulit na bata nato ayaw tumigil at hinabol pako atsaka ako hinawakan sa braso,.

"hindi kita kilala. kuya kuya ka jan" nakasimangot na sabi ko sa kanya.kaylangan kong gawin toh para hindi na nya ako kulitin.

"Kuya Cash dba ikaw yan? yung kuya ko?" sabi nya namimilog yung mata nya na para bang iiyak na sya.

"Wala akong kapatid Flame ang pangalan ko at hindi cash" tinabig ko yung pagkakahawak nya sa braso ko saka umalis na.

hindi nya ako dapat makilala ngayon. Kailangan nyang makalimutan na kapatid nya ako.

na hindi kaylan man ako ang kuya Cash na kilala nya noon.

"hanggang kelan mo iiwasan ang kapatid mo Flame?" napahinto ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang Hime. nakatingin sya ng diretso sa akin may bahid ng lungkot ang mga mata nya.

"Hindi na ako ang kapatid nya. alam mo yan Hime" nakatingin lang din ako sa kanya pero bigla syang nagbuntong hininga.

Naglakad na sya ulit at sinundan ko na lamang sya kung saan sya pupunta.

Naalala ko yung unang beses kaming magkita ng Hime noon nun mga panahong walang wala ako at nun mga panahong walang kayang tumanggap sa pagkatao ko.

at noong mga panahon itinakwil ako ng aking mga magulang dahil sa kakaiba kong kakayahan.

"Isa kang malas! Malas ka sa pamilyang ito! ikaw at yang sinumpang kapangyarihan mo!" tandang tanda ko pa lahat ng sinabi sa akin ng sarili kong ina.

Ang ina na syang nagluwal sa akin mundo.

at ang sarili kong ina na kahit katiting na pagmamahal hindi ipinaramdam sa akin.

"Lumayas ka sa pamamahay ko!! malas ka!! alis!! ayokong magkaron ng anak na gaya mo!" ipinagtutulakan nya ako sa labas ng bahay namin na kahit umuulan ay hindi manlang sya naawa sa akin.

Ang kakaiba kong kakayahan ang sanhi ng lahat kung bakit ako itinakwil ng aking ina.

ang kakayahan kong kontrolin ang apoy ang punot dulo, ngunit kahit kaylan ay hindi ko inisip na isa itong sumpa para sa akin.

nanghihina akong naglakad sa kalsada sa gitna ng ulan, ang ulan ang namumukod tanging kahinaan ko walang apoy kung may tubig at ulan.

kinakapos ako ng hininga ngunit patuloy parin akong naglalakad sa gitna ng malamig na ulan tila ba nauupos ako na kandila.

hanggang sa isang batang babae ang nagbigay ng payong sa akin at inayanyahan akong sumama sa kanya.

Isang batang may maamomg mukha, itim na itim at biluging mata, mahabang buhok at mga ngiting nakakapag pawala ng pagod at sakit.

Sumama ako sa kanya sa lugar na hindi ko alam kung saan ba nya ako dadalhin. pumasok kami sa isang puno at sa loob ng isang puno na iyon isang magandang kaharian ang makikita lahat maganda, lahat masaya at tulad nila gaya ko may kakaiba din silang kakayahan.

"Sino sya hime?" nagulat ako sa isang batang lalaking nakasakay sa isang malaking dahon mas malaki pa sa kanya para syang si aladdin habang nakasakay doon dinaig pa nya si peterpan sa soot nya/

The Cursed Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon