[14] Miko - Kuro - Flame

4.6K 105 26
                                    





[Mika]

"Nakita mo na sya hindi ba?" tanong ko kay kuro na nasa aking likuran na ngayon ay nagtatago sa katauhan ng isang paru-paro. si kuro ay may kakayahan na maganyong hayop kung kaylan nito naisin.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na naririto sya" tanong nyang pabalik sa akin.

"Ang bawat tao o nilalang ay may kanya kanyang kapalaran, hindi ko dapat guluhin kung anu ang nakatadaha na" simpleng tugon ko rito.

namayani pa ang katahimikan sa paligid tanging tahimik na hangin lang dumadaloy at huni ng mga ibon ang naririnig.

"kung ganoon anung plano mo Mika kahit saang angulo natin tignan si miko at ikaw ay iisa, ang laman mo at laman nya iisa, dugo mo at dugo nya ay iisa. pareho ang dumadaloy na dugo sa inyong dalawa, miski ang laman ng utak nyo ay iisa"

"May tamang panahon ang lahat, Hindi pa sa ngayon ang panahon para maging isa kaming muli hindi pa ito ang tamang panahon upang bumalik kami sa mundo kung saan tayo nararapat." pagpapaliwanag ko sa kanya narinig ko lamang itong nagbuntong hininga.

"Kukunin mo bang muli sa akin si Miko? ibabalik mo ba syang muli sayo? pagiisahin mo bang muli ang katawan nyong dalawa?" pasunod nyang tanong sa akin.

"May dahilan ang lahat ng bagay, hindi man natin alam pa sa ngayon mangyayari ito ng hindi natin namamalayan." yoon na lamang ang sinagot ko sa kanya atsaka na ako nagpasyang umalis ngunit nagsalita pa ito.

Hindi bilang si kuro na tagasunod ng aking ama.

Hindi bilang si kuro na prinsesa mula sa mundo ng taglamig.

Kung hindi bilang si kuro na nagmamahal ng lubos.

"Nakiki-usap ako sayo mika. Kahit sya lang" umihip ang malamig na hangin kasabay ang paglagasgas ng mga dahon sa puno.

"Patawad"



[Kuro]

"Patawad" matapos nyang sabihin ang mga katagang yun. sunod sunod na ang patak ng aking mga luha.

Bakit kung kaylan natagpuan at nagkita na kaming muli ni Miko magiging kumplikado ang lahat?

Si miko at si mika ay iisa. hindi iisa bilang kambal kung hindi iisa sa katawan sa isip at sa kaluluwa si Miko ay ang kalahati ng pagkatao ni Mika nakukubli lamang ito sa kaloob looban ng katauhan ni Mika ngunit may mga oras na lumalabas ito noon sa katawan ni mika yun ay dahil may mga misyon din itong kaylangan gamit isa parin itong prinsipe kahit paano.

Matuturing silang kambal na sabay ipinanganak ngunit iisa ang katawan kaya ni mikong pumasok at lumabas sa katawan ni mika kung kaylan nya gustuhin ngunit isang bagay ang nangyari at bumago nga lahat.

Nagkahiwalay sila ng katawan ng pasyahin ni mika na lisanin ang aming mundo hindi na muling nakabalik si miko sa katawan ni miko eto ay dahil sa galit ni Earth ng talikuran ni Mika ang lahat. Walang kamalay malay si Earth na ginawa lamang iyon ni Mika upang mapunta kay earth ang inaasam nitong trono ang maging reyna ng aming mundo ng reyna ng lahat ng mundo.

Naninikip ang aking dibdib marahil eto ang sinasabi ng mga mortal na broken hearted marahil eto na yung sinasabi nila Emo daw na narinig ko kaylan lang.

Pero pakiramdam ko higit pa sa sakit na sinasabi nila ang sakit na nararamdaman ko.

Ulan.



Bumubuhos ang ulan isang malamig na patak ng ulan.

"Hindi ko alam kung anung trip mo kung bakit ka nagpapaulan pero eto kunin mo" napatayo ako ng tignan kung kanino nanggagaling ang malambing na boses na iyon.

"Miko" para akong ewan na tumayo at niyakap ito ng mahigpit.

Halos sampung taon ko syang hindi nakita at sa sampung taon na iyon wala akong ibang minahal kung hindi sya.

Sya na nagparamdam kung paano magmahal at lumigaya.

Sya na nagturo sakin kung paano ngumiti.



"Ang tagal din buhat ng muli tayong magkita" siguro mali nga ang kausapin ko sya na parang kilala nya ako kahit alam kong ni anino ko manlang ay hindi nya naalala.

Kahit manlang sa yakap ay madama ko syang muli.

"matagal nga tayong hindi nagkita" nagulat ako sa sinagot nya sa akin kung kaya kinalas ko ang pagkakayakap ko sa kanya at tinignan ito sa mata.

"Hala! Ako ba ang nagsabi non? bat parang. ewan hindi ko maintindihan" kitang kita ko sa mga mata nya na gulong gulo sya pero masaya ako.

"Kalimutan man ako ng isip mo, kahit kaylan ay hindi ako makakalimutan ng puso mo" niyakap ko syang muli ngunit nagulat ako ng hawakan nya ang aking mga pisngi.



at unti unting nilapit ang kanyang maamong mukha sa akin.



atsaka ako nito hinagkan ang aking mga labi.



Walang paglagyan ang saya na aking nararadaman.



Sya nga.

Si miko nga eto.





[Flame]

Masakit palang makitang masaya ang babaeng mahal mo kapiling ang lalaking mahal nya.

PEro marahil ay wala ng mas sasakit pa na makita ang babaeng mahal mo na kahalikan ang lalaking mahal nya matapos mong gawin ang lahat para sa kanya.



Ginawa ko naman lahat Kuro.



Pero yung lahat pala nayun para sayo kulang padin.

Hindi mo padin sya nagawang kalimutan.

Akala ko nun una kong makita si Miko namamalik mata lamang ako kahit ang pangalan nito ganun din hindi ko pinansin.

Pinagdasal kong sana hindi sya si miko na matagal ng hinahanap ni Kuro. PEro kahit gaano katagal at ilang beses pa ako magdasal ay hindi mababago ang katotohanan na sya ang lalaking mahal ng babaeng lubos kong mahal.



Pero hanggang dito nalang talaga ang pagmamahal at paghihintay ko sa kanya. siguro marahil dapat ko ng tanggapin na kahit kaylan ay hindi na nya ako mamahalin pa.

Na kahit anung gawin ko ay si miko parin talaga.

Tama nga sigurong isuko ko nalang,

mabuti pa ngayon alam kong sa piling ni miko doon sasaya si Kuro.

Kahit kapalit nito ang pagkawasak ng puso ko.





--------------

The Cursed Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon